Picture Perfect Ivan

5 0 0
                                    

SA Peri-Peri Charcoal Chicken nauwing mag-lunch nina Ivan at Jade. Napansin ni Ivan na hindi pa masyadong nagagalaw ni Jade ang in-order niyang half chicken na may kasamang sides ng mac & cheese at honey glazed marbled potatoes dahil busy siya sa pag-scan ng mga damit na suot ni Vanessa sa latest issue ng Mega Magazine na nabili niya nang mapadaan sila sa newsstand on the way sa restaurant.

"Love, later mo na tingnan maigi 'yan. Kumain ka muna."

"Sorry." Itiniklop agad ni Jade ang magazine at sinimulang kainin ang mac & cheese side niya pero parang nama-magnet ang mga mata niyang napatingin ulit sa cover ng magazine kung saan very elegant ang look ni Vanessa sa suot nitong Prada coat, flower strewn hat at dangling pearl drop earrings habang pino-promote niya ang new line-up ng Estee Lauder make-ups na siya ang country brand ambassador.

"Ang ganda talaga ni Vanessa, ano? Ang sophisticated niyang tingnan." Wistful na sabi ni Jade habang nakatingin pa rin sa magazine cover.

"Jade, hindi mo naman kailangan mainggit kay Vanessa dahil maganda ka rin naman." Sabi ni Ivan habang kumakain ng jalapeno fries. "And sexy." Idinugtong niya itong comment as an afterthought matapos tingnan ang magandang hubog ng katawan ng girlfriend.

"S'yempre, sasabihin mo 'yan. Boyfriend kita, eh." Natatawang sabi ni Jade habang umiinom ng guyabano juice. Napatingin ulit siya sa glossy cover ng magazine. "Pero 'yung level of sophistication niya, sigurado ako na hindi ko ma-achieve 'yun." Tumingin ulit si Jade kay Ivan na namimilog ang mga mata. "Nakita mo ba 'yung suot niya kanina nung nagkabungguan kami? Simple lang. 'di ba? Light lang 'yung make-up niya saka wala siyang suot gaano na jewelry pero ang elegante pa rin niyang tingnan."

Nagpunas muna ng tissue sa bibig si Ivan bago hinawakan ang isang kamay ni Jade. "Wala naman sa halaga ng suot 'yun. Kahit na ang damit mo ay galing sa designer brand o binili mo lang off-the-rack sa department store, nasa pagdadala na ng sumusuot 'yon. Look at you. 'Di ba sa tiyangge lang natin binili 'yang tank-top and jeans mo? Pero mukha siyang binili sa Gap store ngayong suot mo na." Hinalikan pa ni Ivan ang kamay ni Jade matapos bigyan ng praise ang appearance ng girlfriend.

Binato naman ng crumpled tissue ni Jade si Ivan habang tumatawa. "Bolero!"

Saktong namang naglalakad si Julian dala ang isang box ng glazed doughnuts na binili pa niya sa Krispy Kreme sa NAIA Terminal 2. Ka-video call nito ang pamangkin na si Owen habang naglalakad.

"Tito Julian, did you already buy the doughnuts?" Expectant na tanong ni Owen sa uncle niya.

"Yes, I already have it here." Itinaas pa niya ang box ng doughnuts na dala-dala. "Where's your Mom?"

"She's here." Sagot ni Owen na nagtatanggal pa ng bugger sa ilong gamit ang index finger.

"What she doing now?"

Tumingin pa muna sa right side si Owen bago sinagot ang tanong ni Julian. "She's crying while drinking a bottle of vodka."

Natigil tuloy sa paglalakad si Julian. "Why is she crying? Did anyone call her while I'm out?"

"Wala naman, Tito Julian. Naka-off ang phone ngayon ni Mama. I think she saw something online that upset her while she's using her laptop. After that, tumawag siya ng room service and asked for several bottles of drinks. She even let me sip from her bottle. It tasted yucky pala, Tito Julian."

Nag-panic agad si Julian sa narinig. Baka idamay pa niya ang pamangkin niya sa ginagawang drinking spree ngayon ng lunatic niyang kapatid.

"Owen, don't drink what your Mom is drinking. It's bad for you. You'll get diarrhea. You got me? Antayin mo ako d'yan. I'm on my way." Firm na paalala ni Julian.

"Okay." Unperturbed namang sagot ni Owen habang dini-disconnect ang call na parang 'di natakot sa warning ni Julian na baka magka-diarrhea sa pag-inom ng alak. May inkling pa nga si Julian na matagal na itong ginagawa ni Michelle kay Owen kaya mukhang unaffected ito.

Ano kaya 'yung nakita ni Michelle sa Internet para maging unhinged na naman ito? Habang nakatayo sa harap ng Peri-Peri Charcoal Chicken kung saan kumakain ngayon sina Ivan at Jade, nag-log-in si Julian sa Twitter para makita kung ano mga trending issues na possibly involved ang kapatid niya. Tiningnan niya kaagad ang top trending at isa duon ang hashtag na #MichelleDragonLady. Hindi na nagulat si Julian nang makita niyang puro mga snippets, short clips at gif images ng pagiging she-hulk mode ni Michelle habang nasa stage kagabi sa na-cut short na supposed to be fiftieth birthday celebration ni Daniel ang naka-associate sa nagte-trending na hashtag. Kaya naman pala biglang napa-order ng booze at nagsisisintir na ngayon ang kapatid niya. Pinagpipiyestahan na sa social media ang rage stunt na ginawa niya kagabi. Kailangan niyang kausapin si Michelle kaagad, pati na rin ang executive producer ng show nitong si Dexter para planuhin nila kung anong puwedeng gawin nilang damage control.

Medyo kinilig si Julian sa prospect na magkakausap sila ulit ni Dexter. Ayaw lang niyang aminin kay Michelle na crush niya ang EP niya sa show dahil kahit nade-depress ito sa nangyari sa relationship nila ni Daniel ay hindi pa rin ito mapipigilan sa panunukso sa kanya 'pag nalaman nito ang totoo. Kaya better na quiet na lang siya. Itutuloy na sana ni Julian ang paglalakad papunta sa suite kung saan naka-check-in ngayon sina Michelle at Owen nang mapansin niya ang couple na sina Ivan at Jade na kumakain sa Peri-Peri Charcoal Chicken. Sa may table sa labas ng restaurant malapit sa dinadaanan ng mga strollers nakapuwesto ang couple kay kitang-kita ito ni Julian. Pero kay Ivan particular na nagka-interes si Julian. Captivated agad siya sa ruggedly handsome features ng lalaki. Pati ang very expressive nitong mga mata ay hindi maalis ang tingin ni Julian. Nakita pa niya ito sa akto na pinupunasan ng tissue ang namantshang bibig ng presumably ay girlfriend nito sa pagkain ng roast chicken. Nakapag-wishful thinking pa tuloy si Julian kung puwede lang sanang makipag-trade places siya sa girlfriend nito para mabigyan siya ng kaparehong atensiyon ng ganitong kaguwapo na lalaki.

Kaagad na in-activate ni Julian ang camera mode sa phone para pasimplehan niyang kuhanan ng picture ang lalaki. Sakto naman na napatingin sa direksyon niya si Ivan nang kinuhanan niya ito ng picture. 'Yun nga lang, hindi pa pala nalagay sa silent mode ni Julian ang phone kaya rinig na rinig ang shutter sound nito. Kaagad namula si Julian at nagpatay-malisya na may problema sa hawak niyang phone saka nagmamadaling lumakad paalis. Kunot-noong sinundan siya ng tingin ni Ivan.

"Kinukuhanan 'ata ako ng picture nung guy na 'yon." Pagsusumbong ni Ivan kay Jade.

"Guwapo mo kase." Nakangising tukso naman ni Jade sa kanya.

Sinimangutan lang ni Ivan ang girlfriend at tiningnan ulit ang direksyon ng nilakaran ni Julian.

My Darling VanessaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon