NAPANSIN ni Vanessa na na hindi pa ginagalaw ni Daniel ay portion nito ng in-order nilang stir fried scallops in XO sauce dahil pirming nakatingin sa hawak na smartphone ang lalaki.
"Dan, looking at your phone can wait. Hindi mo pa masyadong nababawasan 'yang kinakain mo." Pansin dito ni Vanessa habang tinitikman niya ang sariling order na sautéed porcini mushrooms with bell peppers and walnuts.
"I can't. I'm going viral." Halata ang distraught sa boses ni Daniel na hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa screen ng phone.
Napatigil na rin sa pagkain si Vanessa. "What do you mean you're going viral?"
Binigay ni Daniel kay Vanessa ang phone para makita din nito ang kanina pa niya tinitingnan. Isang gif image ni Michelle na sinisira ang malaking tarpaulin ni Daniel sa stage na sinundan ng pagtumba nito sa three-tier cake. Obviously, kuha ito sa naunsyaming birthday celebration niya last night sa Diplomatic Hall ng Marriott. May naka-attach na mga hashtags sa image na #TheDragonLadyOnRampage at #DanielMIA.
"Pinadala ng colleague kong si Ulysees sa Viber group namin. Apparently, I'm all over social media right now. Ang tawag na sa 'kin ngayon, the guy who duped his own birthday celebration just to be with her mistress. I mean, what the hell were they talking about? Hindi naman ako married kay Michelle in the first place. Pero the way they're portraying us on Twitter it seems we're an amoral couple with complete disregard on public opinion. And lewd entertainment reporters started picking it up. Media and its dirty politics!" Halos idura ni Daniel ang huling statement.
"You can't blame them." Kalmadong sabi ni Vanessa habang ibinabalik ang phone kay Daniel. "Nag-live in kayo ni Michelle ng more than six years. Athough you two were never married, in the eyes of the people who followed your romance, especially 'yung mga fans ni Michelle, would think you suppose to end up happily ever after. Not to mention that you have a child who I find quite adorable. Gusto ko ngang ma-meet si Owen, eh. I only hope na wala siyang grudge sa 'kin because of what happened between you and Michelle."
Napahinga na lang ng malalim si Daniel bilang sagot habang ini-swirl ang glass niya ng dry merlot bago ito tinungga.
"Ipapakilala mo naman sa 'kin si Owen, 'di ba? If you have the chance? Or would that pose as a problem with Michelle?"
"That's what bugging me, to be honest. Baka gamitin pa niya si Owen to get back at me. Baka solohin na niya ang bata at hindi na ipahiram sa 'kin."
"I don't think she would do that. Takot lang niyang kalabanin ka. She has more to lose than you 'pag pinairal niya ang hardheadedness niya at i-severe niya 'yung tie ni Owen sa 'yo. And I don't think ganu'n siya katanga." Kumento ni Vanessa habang tinutuloy ang pagkain niya.
"Let's not talk about her, Vanessa. Baka matuluyan na akong mawalan ng appetite." Dinampot ni Daniel ang menu na sadya niyang pinaiwan sa table niya at ini-scan ulit ang mga items. "Meron pala silang dimsum dito, eh. Sabi mo wala." Sabi ni Daniel habang itinataas ang page ng menu para makita rin ito ni Vanessa.
Sandaling tiningnan lang ni Vanessa ang picture ng steamed custard bun with egg yolk sa menu na hawak ni Daniel saka itinuloy ang pagkain sa stir-fry dish niya. "Dessert dimsum naman 'yan, eh. It's not the same. Pero you can order it if you like. Or better yet, just order the egg tarts for the two of us."
**********
GAMIT ng mobile key sa Marriott Bonvoy mobile application, binuksan ni Julian ang suite kung saan naka-check in sina Michelle at Owen. Naka-connect ang balcony room ni Julian sa suite nina Michelle kaya nakaka-access siya sa suite ng mga ito. Si Owen ang agad na nakita ni Julian nang pumasok sa suite. Nakasalampak ang bata sa carpeted flooring ng living room habang aliw na aliw itong pinapanuod ang panggulong ng battery operated toy train niya sa mini-tracks.
BINABASA MO ANG
My Darling Vanessa
RomanceNagpakasal ang actress-model na si Vanessa sa bilyonaryong si Daniel out of convenience. Hindi dahil mahal niya ito kung hindi dahil maibibigay sa kanya ni Daniel ang lahat ng puwedeng hilingin ng mga babae na kagaya niya. Expensive cars, designer o...