NAKABIHIS na si Vanessa nang bumalik sa suite si Daniel. Simpleng black slip dress na tinernuhan niya ng high-heeled sandals. Ang accessories lang na suot niya ay simpleng rhinestone necklace, stud diamond earrings at Omega constellation watch.
Nagulat si Vanessa nang makita may malaking brown stain sa harapan ng Gap sweatshirt na suot ni Daniel.
"Anong nangyari sa shirt front mo?" Worried na tanong niya na itinigil saglit ang pag-a-apply ng cosmetics sa harap ng mirror bureau.
"Coffee stain na may halong vodka. But don't worry. Baking soda at water lang katapat nito para matanggal 'yung mantsa. Pakisabi na lang sa laundry attendant 'pag may bumisita mamaya. Magsa-shower muna ako. Is that what you gonna wear?" Pansin ni Daniel sa suot ni Vanessa habang hinuhubad nito ang namantsahang sweatshirt.
"Yeah. Papatungan ko na lang ng blazer 'pag nilamig ako sa aircon." Distracted na sagot ni Vanessa. Puzzled pa rin siya kung bakit nagkamantsa ang suot ni Daniel. "Pero, Daniel, hindi mo pa sinasagot question ko. Bakit ka nadumihan 'yang shirt mo? Was it by accident or did someone douse you with drink because of anger?"
May halong disapproval na tiningnan ni Daniel si Vanessa habang nilalagay nito sa hamper ang mga hinubad niyang articles of clothing, kasama na ang boxer briefs nito. "You already know the answer to that, Vanessa. Hindi ko na kailangang i-elaborate pa sa 'yo. If you haven't guessed by now, I just met up with Michelle. Obviously, she doesn't approve of me dumping her after I failed to show up du'n sa birthday party that she painstakingly prepared for me. I hurt her ego. I deserved all her anger."
"Pero hindi mo pa rin deserved na i-humiliate ka niya ng ganu'n in public? Sa'n ba nangyari 'yung meeting n'yo? Sa hotel's cafe? Sa lounge? Grabe talaga 'yang si Michelle. Walang sense of propriety. Hindi ba siya worried sa self-image niya as a well-known TV host? No wonder she was now called the Palengkera Queen ng press."
"It's a small trouble for me endure for your sake, Vanessa." Sabi naman ni Daniel na kumindat pa sa kanya.
"You and your romantic quips." Nakangiti lumapit si Vanessa kay Daniel at hinalikan ito ng matagal sa labi. Hindi siya naiilang kahit naka-birthday suit lang ito ngayon.
"You do taste like coffee spiked with alcohol." Sabi ni Vanessa na ni-lick pa ang lips ni Daniel.
"I'd rather have you take a shower with me." May longing ang boses ni Daniel habang gently na pinapasadahan ng daliri ang pisngi ni Vanessa. "Pero ayoko naman ma-ruin ang outfit mo. Mukhang it took you a while to achieve that simply chic look of yours."
"Thank you for being considerate." Binigyan pa ng smack sa lips ni Vanessa si Daniel bago kumalas ng yakap dito. "I'll just finish my make-up habang nagsa-shower ka."
Sinulyapan pa ng palihim ni Vanessa ang matambok na backside ni Daniel habang lumalakad ito papasok sa bathroom. Sexy pa rin ito at the age of fifty. No wonder nanggagalaiti ngayon si Michelle na iniwan siya nito.
Narinig ni Vanessa ang lagaslas ng tubig ng buksan na ni Daniel ang shower sa bathroom. Nate-tempt siyang panuorin si Daniel sa paliligo nito pero nagpigil siya. Mahirap nang ma-ruin ang outfit niya 'pag nabasa ng tubig. Napaka-fickle-minded pagdating sa pagma-match ng outfit. Bumalik na lang siya sa harap ng mirror bureau at sinimulang mag-apply ng press powder sa mukha gamit ang paborito niyang Estee Lauder limited edition compact.
Nag-a-apply na ng nude lipstick si Vanessa nang lumabas si Daniel sa bathroom, nakatapi ng towel at punung-puno ang katawan ng beads ng tubig mula sa shower. In-appreciate ni Vanessa ang kaguwapuhan ni Daniel na very ravishing tingnan sa unruly at very wet nitong buhok.
"We could get even with her, you know? Let Michelle know who's the boss. Why don't you ax her show or replace her with a more competent host?" Suhestiyon ni Vanessa matapos niyang ma-perfect ang shade ng lipstick niya.
Natatawang tiningnan ni Daniel si Vanessa habang gamit ang isang mas maliit na towel sa pagtuyo sa buhok. "If I do that, Vanessa, mas lalong papalabasin ng press, especially ng mga loyal fans ni Michelle that I'm power tripping her. You know how social media works these days. I'll be crucified before I even have a chance to defend myself. I don't need that stress."
"It's just a suggestion. Not unless you still have feelings for her." May slight lilt pa ang boses ni Vanessa na parang tine-test nito ang fiancé.
Sinimangutan siya ni Daniel. "That's crude. If she can't stomach working on my channel, she will probably resign and move to a rival network. Either way, I don't care anymore. It's you that I care about." Lumapit pa si Daniel kay Vanessa at nag-lean over para halikan ito.
"You've ruined my lipstick." Reklamo ni Vanessa after ng kiss ni Daniel pero nakangiti ito.
Tumawa lang si Daniel saka sinimulang maghanap ng susuotin sa mga damit niya naka-hanger sa closet.
"Have you talked about Owen? May binigay na ba siyang arrangements sa 'yo on how you will visit your son?" Tanong ni Vanessa habang nire-retouch ang lipstick niya.
"Hindi pa. Pa'no namin mapag-uusapan, kakamustahin ko pa lang si Owen sa kanya eh binigyan na niya ako ng fierce treatment? Maybe some other time pag kalmado na siya. Or maybe through her brother Julian. Mas sensible kasi 'yung kausap. Speaking of Michelle and her show, her executive producer, I think his name is Dexter, wants to have your autograph. Apparently, he's a big fan of yours."
Halata sa mukha ni Vanessa na diskumpiyado na sumulat ng autograph. "I'll just greet him warmly if our paths crossed. Masyadong effort gawan siya ng autograph. Hindi naman kami close, saka friend siya ni Michelle. It's not worth it."
"Sabi ko na eh. Fake ang pagiging amiable celebrity mo. You're really a snob." Biro ni Daniel dito.
"Shut up." Natatawang sabi ni Vanessa.
"Are these okay?" Tanong ni Daniel habang ipinapakita ang planong damit na isuot. Isang shawl-collar ribbed mélanged cotton cardigan at Levi's 501 Jeans.
Nag-two thumbs up naman si Vanessa."Are we eat first before we go shopping?" Tanong niya habang nagsisimulang magbihis si Daniel.
"Yes. You're okay with Man Ho? Nagke-crave kasi ako sa Peking duck." Sagot naman ni Daniel.
"Wala naman silang dimsum, eh." Disappointed na sabi ni Vanessa. "But it's okay. I'll just order whatever caught my fancy sa menu nila later."
BINABASA MO ANG
My Darling Vanessa
RomanceNagpakasal ang actress-model na si Vanessa sa bilyonaryong si Daniel out of convenience. Hindi dahil mahal niya ito kung hindi dahil maibibigay sa kanya ni Daniel ang lahat ng puwedeng hilingin ng mga babae na kagaya niya. Expensive cars, designer o...