Chapter 1:

10 2 0
                                    

“My name is Irish Estrella, 25 years old, and a BS Business Ad graduate” panimula ni Irish noong siya ay iniinterview ng manager ng isang kumpanya.

Naisipan niyang nag apply doon dahil sa sulsol ng kanygang kaibigan na si Jess Villaflor. 


Si Jess ay ang kababata ang matalik na kaibigan ni Irish, na nagtratrabaho sa kompanyang kanyang inapplayan.

Gusto kasi ni Jess na makasama ang kaibigan sa trabaho at sa inuupahang bahay, ng meron naman siyang kasama doon.

Ang dalawa ay tubong Isabela, nakipagsapalaran lang si Jess sa Maynila at ngaun ay napilit niya din ang kaibigan.

Magkaiba ang ugali ng dalawa, si Irish ay parang lalaki kung umasta, maganda ito, pero dahil parang maton walang lumalapit para manligaw.

Si Jess naman ay mapagkikitaan ng pagiging kikay.

Lumabas si Irish sa silid kung saan naganap ang interview niya.


“so what?”excited na tanong ni Jess.


“I’m Hired, and Guess what! Iisa lang an gating department” mas excited na pahayag ni Irish na ikatuwa ng kaibigan nito. Dahil sa resulta, napagkasunduan nilang mamasyal sa mall at magcelebrate. Paalis na sila ng,


“Aray!” . . . “ay, sorry miss!” sabay sabi ng dalawang nagkabanggaan.


“Anong Sorry!Hindi mo ba nakita ang Bestfriend ko at binunggo mo pa siya!” sabat ni Irish at inis na inis na tumingin sa lalaki na kasalukuyang nakaside view sakanya.

“Hindi ko naman sinasadya miss” sabi ng lalaki at unti unting tumitingin sakanya, ng makatingin ito ng tuluyan, bigla na lang bumagal ang oras at ang mga galaw ng nasa paligid para kay Irish.

Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso niya, ok na sana ang lahat ng bigla na lang ngumiti ito sakanya sabay kamot sa ulo, toinkz! My tinga ang binata sa ngipin.

Napangiwi na lang si Irish sa nakita, gusto sana niya tumawa nang…


“Ok lang iyon” sabi ni Jess at hinila si Irish, habang hila siya ng kanyang bestfriend naglakas loob pa siyang tumingin sa lalaki, sa di niya inaasahan kumaway pa ito sakanya.

Irish’s POV


Ang saya ko ng araw na iyon, nakuha ako sa trabaho at iisang department pa kami ng bestfriend ko kaya naisipan naming magcelebrate. Nang paalis na kami, my lalaking nakabangga si Jess, Abba nagsorry lang ang Bruho, eh siya naman tong hindi tumitingin sa daan, kaya naman to the rescue ang lola mo, pinagalitan ko ang loko.


“Anong Sorry!Hindi mo ba nakita ang Bestfriend ko at binunggo mo pa siya!”sabi ko sa lalaking ngaun any nakaside view sa akin. 


“Hindi ko naman sinasadya miss” sagot niya at unti-unting humarap sakin. Nang makaharap na siya ng tuluyan sa akin, bumagal ang takbo ng mga bagay bagay.

Ang gwapo niya, parang mayaman, ang sarap niyang pagmasdan pero noong ngumiti siya, napangiwi ako, toinkz! My tinga ang lolo! Gusto kong tumawa pero baka mawala poise ko, bigla na lang nagsalita si Jess at sinabing “ok lang iyon” at saka ako hinila paalis, nang nakalayo na kami naglakas loob akong tumingin sakanya at ung loko kumaway pa.

“Hoy! Best! Heller! Calling Irish! Abba Friend kanina pa kita kinakausap pero parang lumilipad yang utak mo!”sabi ni Jess.

Nasa restaurant na sila noon dahil napagkasunduan nilang kumain muna bago magliwaliw. “Abba nakakita ka lang ng gwapo!”pang aasar pa nito sakanya.
“Saan? Sinong gwapo? Iyon banga lalaking my tinga sa ngipin?” sabi ni Irish na tumatawa.


“My tinga? Sino?ano ba naman yan pati yan napansin mo pa, maxado mo naman ata siyang tinitigan”sabi ni Jess na tumatawa na rin.


“My tinga nga, gusto mo naman! Uy best kilala kita hihi”pang aasar pa ni Jess.


“Huh! Kumain ka na nga jan, gutom ka lang dre”sabi ni Irish na tumatawa pa rin.


Pagkatapos kumain, namasyal na ang dalawa kaya nawala pansamantala ang lalaki sa isip niya.

Kinaumagahan . . .


“Hoy! Irish Estrella, tanghali na! bilis! Galaw galaw na beb, unang araw mo pa naman ngaun!”sigaw ni Jess kay Irish bihis na bihis na ito samantalang siya ay naghihilik pa kanina.


“Putek! Hindi niya ako pinatulog”sabi ni Irish sa sarili.]Buti na lang at hindi sila natraffic kaya on time pa rin sila dumating sa kanilang opisina.

Orientation na muna ni Irish kaya nagkahiwalay na muna silang dalawa. Sa third floor gaganapin ang Orientation ng mga bagong empleyado kaya naisipan ni Irish mag elevator kesa gumamit ng hagdanan.

Mag-isa niyang pumasok sa elevator sa time na iyon, pasara na sana ito ng biglang my humarang. . . “Oopppzzz!!!”sabi ng lalaki at pumasok sa elevator.

Brent’s POV


Naku! Late na ako, hindi man lang ako ginising ni mama, first day ko pa naman ngaun, pag pasok ko sa gusaling ng aking papasukan, saktong pasara ang pintuan ng Elevator kaya nag ala Flash ako! Tumakbo ako ng mabilis at pinigilan ang pagsara nito para makapasok ako “Opppzz!” ang sabi ko, buti na lang talaga at umabot ako, pagkapasok ko sa elevator, my isang babae na nakatayo sa dulo at gulat na nakatingin sakin, namumukhaan ko siya, oo siya un!


“Ikaw!” sabay na sabi naman ng babae, ito iyong babaeng nagsungit sakin nang mabunggo ko ang kanyang kaibigan, as if naman siya ang nasaktan at siya pa ang nagalit.

Nagkatinginan kami sa mata, nakikita ko sa kanyang mukha na para bang natatawa siya, nakita kaya niya kahapon iyong tinga ko?naku dyahi naman oh!Tatanungin ko pa sana siya kung anong floor siya pupunta ng biglang bumukas ang pintuan ng elevator, nasa 3rd floor na kami at kailangan ko ng bumaba,.

Tignan mo naman oh, sabay pa kaming lumabas, at mukhang isa din ang pupuntahan naming. Nang matapat kami sa pintuan, pinagbuksan ko siya at nasabi ko pang “After you”.

Nang makapasok kami sa silid na iyon, agad kong nakita ang isang kaibigan, tinatawag niya akong maupo sa kanyang tabi, tinignan ko ulit ang babaeng nakasabay ko sa elevator pero wala na ito sa kanyang pwesto, ang bilis, parang multo na bigla na lang nawawala.

Nagsimula ang Orientation ng mga bagong empleyado sa pamamagitan ng pagpapakilala ng lahat ng bago, kaya masaya si Irish dahil nalaman niya ang pangalan nito.

“Brent Montecillo pala name niya, bagay sakanya”bulong nito sa sarili. “OMG! Iisang department lang kami!”dugtong pa niya.

Pagkatapos ng pagpapakilala, pinagsama sama ang magkakaparehas ng departamento at inilibot sila sa kani kanilang magiging pwesto, itinuro na din sa kanila ang kanilang gagawin.

Masaya si Irish ng nalaman niyang makakatabi niya si Jess, pero kahit papaano nalulungkot siya dahil malayo ang binata sakanya kahit pa iisa lang ang department nila.

Secret FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon