Chapter 10

2 1 0
                                    

IRISH’S POV

Pagpasok ko sa bahay nila Tito Brian, halos mapanganga ako sa gulat nang makita ko si Brent at mas lalo na nang sabihin niya na si Brent ang anak niya. Paano ko man lang hindi nalaman, magkaiba kasi sila nang apelyido . . .

Halos gumuho ang mundo ko, pa-paano kung napagdesisyunan nila mama at tito Brian na magpakasal? Magiging magkapatid kami?

Pa-paano na ang nararamdaman ko kay Brent? Mananatili na lang ba itong lihim?

Ang totoo niyan, ang akala ko wala na ako nararamdaman sakanya, dahil na din sa haba nang panahon na hindi ko siya nakita at isinuko ko na din ang nararamdaman ko sakanya. 

Pe-pero, nagkamali ako, nang makita ko siya kanina, hindi ko maitatanggi na mahal ko talaga siya, bumalik lahat ng nararamdaman ko sakanya. Andito parin ang kaba at kakaibang pakiramdam pag nasisilayan ko ang mukha niya.

Pa-paano na ito, kung ikasal sila mama at kanyang ama, kahit hindi kami magkadugo, sa mata ng ibang tao at kay Lord, magkapatid kami.

Kung kausapin ko kaya si Mama, sabihin ko sakanya na huwag na lang ang ama ng pinakamamahal ko?

Pe-pero magagawa ko ba iyon? Nakita ko kung paano naging masaya ang dalawa pag magkasama. Ayaw ko naman maging dahilan para malungkot ulit si Mama dahil lang sa pagiging makasarili ko, isa pa kahit hindi sila magkatuluyan ni Tito, hindi rin lang kami magkakatuluyan ni Brent, mas lalo na at alam kong si Jess ang gusto niya.

Oo nga noh, musta na kaya ang bff ko na iyon, sigurado alam na niyang umalis kami sa probinsya, sana naman hindi siya magalit sakin.

Buti na lang at andito na ako sa magiging kwarto ko, kasi kung hindi baka my nakakita na naiiyak ako.

Lumipas din ang ilang araw na nasa bahay nila ako Brent. Hindi kami nagkikibuan at nagpapansinan . . . Hindi pa din ako lumalabas nang bahay . . . hindi ko pa nakikita si Jess . . .

BRENT’s POV

Ano gagawin ko, pilit ko kinakalimutan ang nararamdaman ko kay Irish, pero sa araw araw na nakikita ko siya, hindi ko mapigilan ang sarili kong mahalin siya . . .

“oh Brent bakit parang hindi ka masaya?” biglang tanong ni Papa,

“huh?”

“para kang malungkot eh?” sabi niya pero hindi siya tumitingin sakin . . .

“hindi naman po pa!”

“ano pala masasabi mo kay Irish?” tanong sakin ni Papa, napatingin ako sakanya

“what do you mean?”

“hindi ka ba nagagandahan sakanya?”

“Maganda po siya”

“hindi mo ba siya gusto? Kahit konti lang?” nabigla ako sa sagot ni Papa, bakit ba niya tinatanong sakin ito . . .nagugulat ako sakanya . . .

“wa-wala po” pagsisinungaling ko, ayaw ko naman na ako maging dahilang para maging malungkot siya, alam ko at kitang kita ko kung paano siya nagiging masaya pagkasama niya si tita Melly, pero paano naman kami ni Irish?

“sige pa, pasok lang ako sa loob” sabi ko na lang, iwas na lang ako . . . para hindi ako mahalata . . .

“teka lang Brent,” pigil niya sakin

“ano iyon pa!?”

“alam mo na ba na aalis na si Irish dito?” medyo naguluhan ako sa sinabi niya . . .

“ano pong ibig niyong sabihin?”

“babalik siya sa Canada, after 2 weeks from now, doon na siya for good!” sabi ni Papa, nagulat ako, wala na ba talaga kaming pag asa? Wala na ba talaga akong pag asa sakanya . . . Nalungkot na lang ako na umalis sa sala, at doon sa kwarto ibinuhos ang lahat . . .

Secret FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon