Huling Kabanata (The Big Wedding )

1 1 0
                                    

Lumipas ang mga araw, nalalapit na din ang kasal ng ina ni Irish at ama ni Brent, nagkita na din sila Jess at Irish . . . pilit iniiwasan ni Irish si Brent para naman hindi na lumalim ang pagmamahal niya dito.

Araw nang kasal . . .

“Ma, masaya ako para saiyo!” sabi ni Irish sa ina, nanonood ito nang binibihisan siya, simple lang ang gown nang kanyang ina. . . pero mababakas mo parin ang kagandahan niya . . .

“Masaya din ako para saiyo anak ko!” sabi ng ina ni Irish, pero binalewala na lang niya ito . . .

Sa Simbahan . . .

Lahat ng tao imbitado ang hindi na makapaghintay sa mangyayaring kasalan . . . Nakapwesto na ang lalaking ikakasal, andoon si Brent at ang kanyang ama, malapit sa altar samantalang sa bukana nang pintuan ay nakatayo ang babaeng ikakasal, si Irish kasama ang kanyang ina, . . .

Nag umpisa na ang paglalakad nang mga kasama sa Kasal, hindi makapag hintay . . .

“ma, bakit hindi ka nagsuot ng belo na pangkasal?” bulong ni Irish, ngumiti lang naman ang ina nito . . .

Si Irish ang maghahatid sa kanyang ina sa altar . . . Habang naglalakad, napaptingin sakanya ang lahat ng tao . . . nakita niya si Jess na nakangiti sakanya . . . Hindi niya mawari kung bakit . . . pero pakiramdam niya parang my hindi tama . . . Malapit na sila sa mag ama, nang mapuna niyang bakit naiiba ang kulay nang damit niya kumpara sa ibang kasama sa kasal . . .

Mas naguluhan si Irish nang magsalita ang kanyang ina . . .

“Brent, ikaw na bahala sa anak ko, ingatan mo sana siya?” sabi ng kanyang ina na nagpabigla kay Irish at Brent!

“po?” tanong ni Brent

“ano ka ba anak, hindi mo pa ba aakayin sa altar ang mapapangasawa mo?” tanong ng ama ni Brent, na mas lalong nagpabigla sa dalawa,

“pero diba? Kasal niyo ito pa? paano kayo ni Tita?” tanong ni Brent

“ano ka ba naman anak, matanda na ako at lagi mo na lang iniisip kung paano ako mapapasaya, pero kahit sana ngayon habang nabubuhay pa ako, magawa ko din ang mapasaya ka . . .” sabi ng papa ni Brent saka naman naluluhang napayakap ito sa ama . . .

“sandali” sabi pa ni Melly saka kinuha ang belo pangkasal na binibigay ni Jess, at isinuot niya ito kay Irish

“ma anong ibig sabihin nito?” naiiyak na tanong ni Irish

“shh, huwag kang umiyak anak, araw nang kasal mo ngayon, anak alam ko matagal mo nang mahal si Brent pero mas iniisip mo ang kapakanan naming ni James, lagi mo kami inaalala kung minsan nga hindi mo na iniitindi ang nararamdaman mo, kaya naman panahon na para kami naman ang magpasaya saiyo ng kapatid mo, sige na Brent” sabi ni Melly, saka naman umiiyak na yumakap si Irish sa ina, at napatingin din ito sa kapatid na kasalukuyang nagpupunas nang mga luha . . .

“sige na Brent” sabi ulit ni Melly saka ibinigay ang kamay ni Irish kay Brent, nabigla man ang dalawa, wala na silang nagawa, pumunta sila nang altar. . .

Nang matapos ang kasal, masaya ang lahat ng tao na naging saksi sa kasalang naganap mas lalo na ang sila Brent at Irish . . . Naging masaya sila mas lalo na nung binayayaan sila nang isang anghel na pinangalanan nilang Brish colonthree emoticon

Nalaman pala nang dalawa na simula pa lang noong una na pinagplanuhan ng mama ni Irish at papa ni Brent ang lahat nang nangyari, kasabwat din doon si James, samantalang si Kaizer at Jess nalaman na lang nila a day before the wedding . . .

Alam pala ng papa ni Brent na my mahal na ang nag iisang anak niya at hindi sinasadya na makikilala niya ang ina ng babaeng lihim na minamahal nito. Ganoon din ang mama ni Jess, kaya naman hindi na sila nagsayang ng pagkakataon . . . hindi naman talaga sila totoong nagmamahalan dahil alam nila kahit wala na ang mga asawa nila, mananatili parin ang mga ito sa kanilang puso . . . at alam din nila na makakasama din nila ang mga ito sa ikalawang buhay . . .

. . . E N D . . . 

Jcy Note: Maraming salamat po sa pagsubaybay ng Secretly Fallen, sana nagustuhan niyo ang kwento ko pong ito . . .

Up Next . . . “She’s in Love with an Extraordinary Man”

So stay always here at Tagalog Short Love Story colonthree emoticon

Lagi pong tandaan: Ang konsepto ng kwentong ito at ang mga pangalan ng tauhan ay kathang isip lamang ng ating manunulat. Kung ang kwento ay tugma sa inyong karanasan ito ay hindi sinasadya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secret FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon