Chapter 6

7 2 0
                                    

“Best! Gising na!” tawag ni Jess sa kaibigan habang kumakatok sa pintuan ni Irish

Nagising si Irish, parang ang bigat bigat ng pakiramdam niya . . .

“Best?” tawag ulit ni Jess . . 

“Hindi ako papasok Best! Tulog muna ako Best!” sagot ni Irish, hindi niya kasi masabi sa kaibigan na natanggal na ito sa trabaho . . .

“Bakit hindi ka papasok? My problema ba?” nag aalalang tanong ni Jess

“Wala nang dahilan para pumasok ako” malungkot na bulong ni Irish sa sarili, naiisip nanaman niya ang kamalasan niya kahapon . . . Mas lalo na ang nagyari kagabi . . .

“Pwede ba magpatulong manligaw?” naalala nanaman niya iyon, parang my tumatarak na balisong sakanyang puso . . .

Naiiyak nanaman siya, pero pinipigilan niya ito, mamaya na lang niya ilalabas pag wala na ang kanyang bestfriend!

“Best?” nagtatakang tanong ulit ni Jess pero hindi na siya nagsalita . . .

“Mukhang tulot na ulit” narinig niyang sabi ni Jess at saka nasundan ng papalayong mga yabag . . .

“Sorry best, hindi ko masabi saiyo” sabi ni Irish saka napabuntung hininga . . .

Hindi na ulit natulog si Irish, pero hindi parin siya lumalabas ng kwarto nito . . . Hinihintay niyang makaalis na si Jess . . . 

“wala nang dahilan para manatili pa ako dito sa Manila, uuwi na lang ako sa probinsya at doon maghahanap ng trabaho” sabi niya at pinahid ang kanyang masaganang luha na dumaloy sakanyang magandang pisngi . . .

Ilang minuto din ang lumipas . . .

“Best! Alis na ako, ikaw na bahala dito ah! Tumawag ka lang pag my problema” paalam ni Jess

“Sige Best!” sabi ni Irish pilit hindi pinapahalata ang boses na galing lang sa pag iyak . . .

“Ngapala my pagkain sa lamesa, tumayo ka na diyan at kumain, sige best alis na ako” sabi nito saka tuluyan nang umalis . . . 

Lumabas na lang si Irish nang masigurado niyang wala na si Jess. Nagugutom na din kasi siya dahil hindi na siya nakakain kagabi . . .

Habang kumakain, hindi niya mapigilan ang pag iyak . . . tahimik ang paligid kaya hindi niya maiwasan maalala ang nangyari kahapon, mas lalo na nang gabing iyon . . .

Bawat pagsubo niya sa kanyang pagkain ay ang pagtulo nang kanyang luha kaya naman kung minsan napapasinghot na siya . . . 

Nakataas ang kanyang mga paa at nasa mga tuhod niya ang kanyang plato, para siyang bata sa ayos niya, bata na hindi pinayagan maglaro sa labas kaya umiiyak, parang bata din siya kung magpunas ng mga luha at sipon . . .

“Bakit ganun? Ngayon na nga lang magkakatrabaho, natanggal pa ng wala sa oras, tapos wala pa akong isang taon doon? Bakit ganun?” sabi ni Irish sa pagitan ng paghikbi . . .

“tapos, ngayon na nga lang ako nagmahal, sa my nagugustuhan pang iba . . . at sa bestfriend ko pa? Akala ko pa man din my gusto siya sakin dahil sinabihan niya ako nang maganda at nag aalala pa siya, akala lang pala iyon . . . Napaka assuming ko kasi at saka napaka ambisyosa pa” sabi ulit ni Irish saka tinampal tampal ang kanyang noo . . . 

Tumagal si Irish sa ganung posisyon ng higit isang oras, iyak siya nang iyak parang hindi nauubos ang kanyang luha . . . Laking pasasalamat niya at medyo malalayo ang kanilang kapitbahay kaya hindi naririnig ang kanyang pag – iyak.

Nang medyo nahimasmasan na siya . . . tumayo siya . . . nag-ayos nang sarili . . .

“Bakit ko ng aba iiyakan iyon, alam ko lahat ng ito ay my dahilan, at si Lord na lang ang nakakaalam kung anong dahilan na iyon . . .” sabi niya sa sarili

Secret FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon