Chapter 4

9 2 0
                                    

Uwian na nang araw na iyon . . .

Naglalakad na palabas ng kanilang building ang magkaibigan si Jess at Irish,

“Jess! Irish!” biglang my tumawag sakanila at sabay pa talaga sila tumingin . . .

“oh Brent, Kaizer? Bakit?” tanong ni Jess samantalang si Irish ay tumitingin lang sa dalawang lalaki na tumawag sakanila.

“pwe-pwede makisabay?” tanong ni Kaizer na halatang nahihiya . . 

“Sure, iyon lang naman pala eh” sabi ni Jess at agad tumabi kay Brent, nagulat naman ang tatlo sa ginawa ni Jess pero hindi nagpahalata si Irish, samantalang si Kaizer, malungkot na tumabi kay Irish . . . 

“Hoy, nguso mo!” sabi ni Irish kay nang pinagpatuloy na nila ang paglalakad, nasa likod sila nila Brent at Jess . . .

“Bakit? ano masama sa nguso ko?” tanong naman ni Kaizer,

“tumutulis kasi, mamaya masaksak mo ako! haha” pang aasar ni Irish

“Ganun! edi hindi na muna ako haharap saiyo nang hindi kita masaksak mamaya makasuhan pa ako ng murder!” inis na sabi ni Kaizer, at hindi nga ito tumingin sa kausap

“ito naman hindi na mabiro, ok lang naman yan, kasi gwapo ka parin naman kahit nakanguso! haha”

“so ganun? ok ka rin noh, pagkatapos mo ako asarin, bobolahin mo naman ako”- Kaizer

“ang sungit sungit mo, sabagay, selos lang yan” pang aasar ulit ni Irish

“Nagsalita ang hindi nagseselos!” balik asar na sabi ni Kaizer

IRISH’S POV

Kasalukuyan kaming naglalakad nila Kaizer, inaasar ko siya, kasu mukhang mas naasar pa ako sa sinabi niya . . .

“Nagsalita ang hindi nagseselos!” balik asar niya sakin,

haist natamaan ako doon ah! Sino ba naman kasi ang hindi magseselos, nakayakap pa si Jess sa braso ni Brent . . . hindi ko napigilan sumimangot . . .

“Oh ayan! Ikaw naman tong my nakakatusok na nguso!” biglang sabi ni Kaizer saka tumawa nang tumawa, dahil doon napatingin ang dalawa samin, pero syempre agad agad kaming umayos na dalawa ni Kaizer na para bang wala naman nangyayari, tumahimik kaming dalawa at nakipagtinginan sa dalawa.

“Bakit?” tanong ni Kaizer

“ah, wala” sabi ni Brent saka sila tumalikod ulit, pero hindi ako makapaniwala sa pinakitang lungkot ni Jess, parang ewan, basta parang blangko ang mukha niya . . . Napapaisip tuloy ako, meron ba akong ginawa na hindi maganda?

“Irish? Ayos lang ba saiyo na nagkakagusto ka nang patago?” biglang tanong sakin ni Kaizer

“huh?”

“Alam mo bang noong unang tingin ko pa lang kay Jess, nagustuhan ko na siya . . .pero parang si Brent naman ang gusto niya, ikaw lang pinagsabihan ko nito, kahit si Brent na kaibigan ko ay hindi ko pinagsabihan kaya sana satin na lang ito . . .” sabi ni Kaizer, ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga sinabi, parehas kami, nagkakagusto nang patago, pero sasabihin ko din ba sakanya? Huwag na lang . . .

“sige Irish, alis na kami” sabi ni Kaizer, hindi ko namalayan andito na pala kami sa paradahan . . . Kumaway pa si Kaizer samantalang si Brent ngumiti lang . . .

Lumipas ang mga araw na lagi na magkakasama ang apat, at laging ganun ang ayos nila, sila Brent at Jess ang nasa harapan, samatalang sila Kaizer at Irish ang nasa likuran . . .

Isang araw. . .

“Best! Uwi na tayo” sabi ni Irish sa kaibigan nang dumating ang uwian ng araw na iyon, hindi namalayan ni Jess na uwian na pala dahil sa sobrang daming ginagawa niya . . .

“Sige Best, mauna na kayo, medyo madami pa akong ginagawa eh” sabi naman ni Irish, ni hindi man lang nagawang tignan ang kaibigan

“hintayin na lang kita best”

“Huwag na best, ok lang ako, at saka kung hindi ka uuwi walang magluluto ng ulam natin”

“edi mag order na lang tayo sa Jollibee”

“Huwag na, ok lang talaga ako promise”

“ok sige, bahala ka, basta ingat ka ah, my usap usapan kasi na my multo dito sa opisina eh, pano na yan mag isa mo pa naman ” pananakot ni Jess sa kaibigan . . .

“ikaw talaga nanakot pa, sige na ingat ka ah” sabi ni Irish na ikinakibit balikat lang ni Jess . . . saka nakapamaywang na lumabas ng kanilang opisina . . .

IRISH’s POV

Hindi na ako nagpahintay kay Jess, alam ko naman kasing pagod din siya at saka wala din titingin sa bahay kaya mas magandang nauna na siya . . .tinakot pa nga ako ng bestfriend kong iyon . . . bestfriend ko ba talaga yon? eh alam naman niyang matatakutin akofrown emoticon

teka . . . anong oras na ba? . . .

Naku, 9:30 na pala, baka nag aalala na iyon sakin . . . wala pa man din sasakyan na diretso sa bahay ng ganitong oras . . . Lagot! Pano na ito . . .?

huh! Ano iyon? Bakit my kumakaluskus? A-ang alam ko ako na lang mag isa dito . . .

Baka totoo iyong sinabi ni Jess, dapat pala nagpahintay na lang ako sakanya . . .

Dali dali kong inayos ang mga gamit ko . . . Halla sana walang multo . . .

Nagmamadali akong lumabas nang opisina, pero syempre sinigurado kong nakalock ito . . .habang naglalakad ako sa hallway, parang nararamdaman ko na my sumusunod sakin . . . Halla . . .kinakabahan ako . . .iyong lakad ko naging takbo . . .

dugdug dugdug dugdug . . . talo ko pa ang mga inlove sa bilis ng tibok ng puso ko . . . Naiiyak na ako sa kaba, naiihi na ata ako sa takot . . .

Sinabayan pa ng pagpatay sindi ng mga ilaw . . . Sa tanan ng buhay ko hindi ko inaasahan na mangyari ito!

“waaah!”

“aaaah!” sigaw ko nang bigla na lang my lumitaw sa harapan ko, parang nahulog ang puso ko sa takot at gulat, laking pasasalamat ko at hindi ako nakaihi . . .

. . . Itutuloy . . .

Kirby’s Note: Ano o sino kaya ang nakita ni Irish ?

Lagi pong tandaan: Ang konsepto ng kwentong ito at ang mga pangalan ng tauhan ay kathang isip lamang ng ating manunulat. Kung ang kwento ay tugma sa inyong karanasan ito ay hindi sinasadya.

Secret FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon