Chapter 2:

8 3 0
                                    

Natapos ang araw na iyon na maraming natutunan si Irish galing sakanyang supervisor.

Masaya silang umuwi ni Jess.


“this is it Best! Mag uumpisa na talaga ako bukas” excited na sabi ni Irish sakanyang kaibigan.


“haha, OA lang best para ka naman kukuha ng napanalunan mo sa lotto sa pagka excited.”sabi naman ni Jess na napapasmile.


Naglalakad ang dalawa, my binili lang sila sa kanto at medyo malapit naman na sa kanilang tinitirhan kaya napagdesisyunan nilang maglakad na lang. Habang naglalakad my lalaking nakasalubong ang dalawa, hindi gwapo pero hindi rin parin iyong lalaki, matangkad at saka kagalang galang, bigla na lang ngumiti kay Irish ang lalaki na ikinatawa ni Jess at ikinangiwi ni Irish.

Ok na sana pero nung ngumiti ang lalaki bigla na lang nahulog ang postiso niya kaya ganun na lang ang naging reaction ng dalawa, hindi mapigilan ni Jess ang pagtawa mas lalo na nung pulutin ng lalaki ang pustiso at nahulog ang isang ngipin nito mula sa pustiso.

Tawang tawa si Jess, samantalang napatampal ng noo si Irish dahil nakakahiya ang ginawa ng kaibigan, hinila na lang niya ito at saka nag sorry sa lalaki.


“haha! Ok na sana eh, at mukhang my gusto sau”tumatawang sabi ni Jess.


“hoy! Tumigil ka na jan! nakakahiya, tinawanan mo pa ung tao” sabi ni Irish na lumingon sa lalaki, nakita niyang malungkot na napapakamot ito.


“ui tama na kako!”sabi ulit ni Irish.

*****


Kinaumagahan . . .


Papasok na ang magkaibigan ng nakita nila ulit ang lalaking nakasalubong nila kahapon, kapitbahay lang pala nila ito.


“Goodmorning beautiful Ladies” nakasmile ng bati ng lalaki sakanila.


“abba, nagpagawa ng bagong pustiso”bulong na sabi ni Jess at saka patagong tumawa.


“Goodmorning din po”bati naman ni Irish para di mapansin na tumatawa ang kaibigan.

“tol, mukhang my gusto saiyo un ah”asar na sabi ni Jess kay Janet.


“hindi mo ba halata?saiyo my gusto ung lalaki?”sagot naman nito sakanya na ikinangiwi ni Jess.


“duh! Over my beautiful and sexy body”sagot naman ni Jess na ikinailing ni Irish.
“Mag-ingat ka Friend baka lamunin mo yang sinasabi mo, haha”pagbabanta naman ni Irish saka itinuon ang sarili sa mga gagawin sa araw na iyon.


*****
Ang tagal ng takbo ng oras para kay Irish na hindi mapakali, natapos niya agad ang lahat ng pinapagawa sakanya kaya medyo nakatunganga na lang siya, ng biglang my naramdaman siyang nakatitig sakanya.


Napalinga linga siya, left and right, pero wala siya makita, nahihiya naman siyang tumingin sa likod dahil andoon ang lalaking satingin niya ay Crush na niya.


“nakakailang sino ba naman kasi ang tumititig sakin?”sabi ni Irish na medyo naghahangad na sana si Brent iyon. Pumunta na muna si Irish sa CR para mabawasan ang tensyon na nararamdaman, malapit naman na mag uwian kaya magreretouch na lang muna siya.

Pagkabalik sa kanilang office nakita niyang kinakausap ni Brent si Jess, at mukhang masaya ang dalawa, nagtatawanan pa. Nakaramdam siya ng konting kirot sa kanyang puso.

“Nagseselos ba ako? Pero my karapatan ba akong magselos?’bulong niya sa sarili. Nang bigla na lang my tumapik sa balikat niya, si Kaizer, ang lalaking kasa-kasama ni Brent noong orientation, at kadepartamento din nila.


“oh?ano ginagawa mo jan?ayaw mo ba pumasok?”sabi ni Kaizer sakanya.


“wala, napapaisip lang ako”sagot niya sa binata saka naman sabay silang pumasok na ikinatingin ni Jess at Brent.

Nahalata niya na ung tawanan kanina ng dalawa ay bigla na lang naging mapagtanong na tingin sakanilang dalawa ni Kaizer, hindi niya napansin na magkahawak kamay pala sila ni Kaizer na pumasok, “eiiihhh!bakit ba nawawala ako sa isip ko mas lalo na nung nakita ko silang masaya!”sabi ni Irish at tinanggal pagkahawak ni Kaizer sa kamay niya.


“Ay sorry Irish!”sabi naman ni Kaizer at nagkamot sa ulo, mahahalata mong namumula pa ang lalaki.


“ok lang iyon”nakasmile na sabi ng dalaga at saka bumalik sa upuan niya.

Uwian nanaman, hati ang nararamdaman ni Irish sa araw na iyon. Kahit itanggi niya nagseselos siya sa bestfriend niya pero ikinawalang bahala na lang niya iyo dahil alam niyang wala siyang karapatan magselos.


“uy best lalim ng iniisip mo?my problema ba?”nagtatakang tanong ni Jess sakanya.
“uhhh! Wala best, medyo namimiss ko lang sila nanay.

”sagot ni Irish, my halong pagsisinungaling, pero talaga namang namimiss din niya ang nanay niya at pamilya na naiwan sa probinsya pero ang talagang rason dahil sa pagseselos niya.

Hanggang sa pagtulog, hindi niya natigilan mag isip sa nakita, “hindi kaya my gusto si Brent kay Jess?” tanong niya sa sarili niya.

“baka, nagkwentuhan lang sila at dahil msaayahin si Jess kaya nadala si Brent” dugtong pa niya sa iniisip.

“bakit ba ako nagkakaganito?eh Crush ko lang naman ang taong un?haizt” hindi niya mapigilan isipin. “urrgghhh! Anubeyen Irish! Irish Estrella! Tumigil ka na nga kakaisip! Urrrgghh!”parang nababaliw na sabi niya sa sarili, tinatampal pa niya ang kanyang noo habang sinasabi iyon.

”I hate this feeling! I hate this day! Urgghh!”sabi ulit niya. Napuyat suya sa kakaisip ng gabing iyon. 

*****


Nagtataka si Irish ng nasa bakuran siya ng isang restaurant, “asan ako?”sabi niya sa sarili.
Sa di niya inaasahan, bigla na lang sumulpot na parang bula si Brent, di niya alam kung san galing.


“Irish!”sabi nito sabay lahad ng kanyang kamay na kinuha naman nito.


Naglakad sila sa hardin na iyon, ang saya niya sa araw na iyon, magkasama sila ni Brent hindi lang iyon magkadate sila.

Romantic para sakanya ang araw na iyon. Kahit simple ang ginawa ni Brent, romantic parin para sakanya, pero bigla na lang sumulpot si Jess, at inaway siya “Mang aagaw ka! Akala ko magkaibigan tau!”sabi nito

Sasampalin na sana siya kasu . . .

“Huhh! Panaginip! Napakasamang Panaginip!”bulong ni Irish.

Secret FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon