Chapter 9

4 1 0
                                    

Nasa byahe na ang tatlo nang mapansin ni Jess na kabado ang kanyang kasintahan . . .

“Babe? My problema ba? Bakit parang kinakabahan ka diyan? Hindi ba dapat si Brent ang kabahan? takang tanong nito saka tumingin kay Brent

“Paano ako hindi kakabahan eh mamamalagi tayo sa bahay niyo? Pa-paano kung hindi nila ako magustuhan?”

“ano ka ba naman babe? Huwag kang nega, actually kilala ka na nila?”

“huh!?Paanong . . .”

“Kinikwento naman kita sakanila, hindi ka man nila nakita sa personal alam nila na mabait ka, at mahal mo ako” nakangiting sabi ni Jess

“Talaga?”

“Oo kaya huwag ka nang kabahan, ibigay mo na lang kay Brent iyang kaba mo, nakikihati ka pa eh” sabi ni Jess na ikinangiti ni Brent . . .

“Huwag kayong masyadong sweet diyan, naiinggit ako” biro ni Brent

“Ok lang iyon tol, makikita at makakasama mo naman na si Irish pagkarating natin doon eh” sabi ni Kaizer, hindi na sumagot si Brent, napatingin na lang siya sa labas ng bintana nang kanilang sinasakyan saka inilala ang mukha ng babaeng pinakamamahal . . .

Excited si Brent pero my halong kaba, kinakabahan siya, paano na kung hindi siya tanggapin ni Irish? Paano kung my nobyo na pala ito? Paano na kung . . . Maraming paano . . .

“Welcome sa aming probinsya!” Masayang sabi ni Jess sa dalawa nang makababa na sila sa bus, naglalakad na sila papunta sa bahay nila Jess. Medyo malapit lang ang bahay nila Irish sa bahay nila Jess, pero papasok pa konti na pakaliwa ang bahay nila Jess, samantalang kina Irish ay didiretsuhin lang. . .

“Mam Jess!” sabi ng guard nila Jess nang mapagsino nito ang mga taong naglalakad. . . 

“bahay niyo ito babe?” tanong ni Kaizer na bahagyang napanganga pa, maski si Brent ay hindi makapaniwala, Malaki kasi ang bahay nila Jess, mayaman ang pamilya nila, ang mama at papa niya ay parehong nanggaling sa mayayaman na angkan . . . pero hindi halata kay Jess iyon dahil simple lang siyang babae na my pagkakikay . . .

“welcome home darling! bakit hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka pala, sana naipasundo kita” sabi ng lola ni Jess saka yumakap sa apo,

“namiss po kita lola!” sabi ni Jess

“namiss din kita” sabi ng lola niya at mahigpit na yumakap ulit sa apo,

“teka, siya na ba si Kaizer?” sabi ng Lola niya, saka tumawa si Jess

“no, hindi siya lola, ayon pong isa” sabi ni Jess, napansin kasi niya na si Brent ang tinitignan at hindi ang kasintahan

“oh, sorry, so sino naman itong kasama niyo?” 

“siya si Brent lola”

“teka, tara na muna sa loob nang makapagmeryenda kayo” sabi ng kanyang lola, at hinawakan ang kamay ni Kaizer, bigla naman kinabahan si Kaizer . . .

“huwag kang kabahan apo, kilala na kita, lagi kang ikinikwento sakin ni Jess, hindi naman niya nasabi na ganyan ka pala kagwapo” sabi ng Lola ni Jess kay Kaizer, ngiti lang ang tanging naisagot nito . . .

Habang nagmemeryenda ang apat, masaya silang nagkwekwentuhan . . .

“Ano nga pala ang dahilan bakit kayo napasugod dito nang hindi man lang nagbibigay abiso?”-Lola ni Jess

“kasi La, gusto sana namin sorpresahin si Irish, kasi si Brent, my gusto kay Irish”-Jess

“Irish? Irish ba kamo? Iyong kababata mo at bestfriend mo?” tanong ni Lola

Secret FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon