Chapter 7

9 2 0
                                    

 A/N: Pasensya na at ngayon lang po nakapag update smile emoticon Enjoy Reading . . .

Wala na nagawa si Jess nang umalis si Irish sa gabing iyon, gusto man niya itong manatili doon wala na siya magawa dahil buo na ang loob ni Irish . . .

BRENT’S POV

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Lita samin, tinaggal si Irish? Bakit siya? eh kakaumpisa lang niya, bakit hindi iyon mga matatagal na at wala naman ginagawa kundi pasarap ng buhay . . .

Kaya pala . . . hindi na siya pumasok . . . gusto ko sana siya damayan pero nahihiya ako . . .

Haist, isang araw ko lang siya di nakita pero namimiss ko na, namimiss ko mga ngiti niya, namimiss ko ang boses niya, ang mga pagtawa niya, mga korny na biro niya . . . namimiss ko siya as in siya . . .

Ewan ko ba, noong unang tingin ko palang sakanya, nung time na sinungitan niya ako alam ko nagustuhan ko na siya, hindi lang gusto, mahal ko na ata siya . . . pero . . . parang mas gusto naman niya si Kaizer, at pinagtatabuyan niya ako kay Jess . . .

Puntahan ko kaya siya bukas? Pero ano naman ang idadahilan ko? sasabihin ko na namimiss ko siya? napakaimpossible naman na magagawa ko iyon . . .hirap pala magkagusto nang patago ano?

GrRrRr ano ba Brent! Mag isip kang mabuti!

Kinabukasan . . . Naisip kong abangan si Jess sa gate para naman maitanong kung kamusta na ang babaeng pinakamamahal ko . . . 

Ilang minuto din ako naghintay pero wala akong nakita o nahintay na Jess, hindi siya dumating . . . baka late lang siguro . . . kaya naman naisipan kong hintayin na lang siya sa loob ng opisina . . .

IRISH’s POV

Tama ba itong ginawa ko? Umuwi dahil lang nasawi sa trabaho at sa pag-ibig . . . 

Habang nasa daan naisip ko matulog sa bus na nasakyan ko . . . kasu kahit anong gawin kong pagpikit si Brent ang nakikita ko . . . haist naman oh!

Nakinig na lang ako nang mga kanta sa cellphone ko pero . . . asar upset emoticon si Brent parin iniisip ko at mukhang nananadya ang pagkakataon, akalain mo na iyong kanta sa phone ko eh para sa mga sawi sa pag ibig . . . kaya ito . . . naiiyak nanaman ako, haist . . .

Lumipas ang ilang oras na nasa byahe ako, nakababa na ako sa bus, naglalakad na ako papuntang bahay, medyo may kalayuan din ito sa main road pero alam kong ligtas ako, dahil lahat ng madadaanan kong bahay ay kakilala namin, ung iba pa nga eh kamag anak namin . . . 

“uy Irish! Kailan ka pa dumating?” tanong sakin ni Tita Felly, pinsan ito ni mama . . . tinatanong niya kung kailan ako dumating? Bakit hindi ba obvious na ngayon ako dumating at madami akong hawak na bagahe, tsk!

“Kararating lang tita, sige po tita” sabi ko na lang para naman hindi sabihin na naging bastos ako dahil lang sa nakarating na ako sa Maynila . . .

Sa wakas nakarating na ako sa bahay . . . pero teka, parang wala naman katao tao dito . . . asan na kaya sila mama, papa at James? si Jame iyong nag iisang kapatid ko, dadalawa lang kasi kami . . .

“Ate!” biglang sigaw ni James

“oh James!” sabi ko sakanya saka niyakap, namiss ko ang batang ito . . .

“Ate pasalubong ko” sabi niya, natatawa na lang ako . . .

“Syempre mawawala pa ba nang pasalubong ang nag iisang kapatid ko” sabi ko saka inilabas sa bag ang pasalubong na para sakanya, nang makita niya ito, sobra sobra ang tuwa niya . . . Magkahawak kamay kaming naglakad papuntang bahay . . .

“Asan pala si Mama at Papa?” tanong ko sakanya, ang masayang mukha niya ay napalitan ng lungkot, bakit kaya? haist . . .

“Ate” sabi niya sakin na para bang naiiyak . . .

“Irish!” sabi ni Mama, nakita na pala niya kami . . .

“Ma!” sabi ko saka yumakap sakanya

“Ba-bakit naparito ka? Bakasyon niyo ba?” tanong sakin ni Mama, paano ko ba sasabihin na natanggal ako sa trabaho? haist . . .

“tara na muna sa loob” sabi niya sakin . . . nang hindi ako makasagot sa tanong niya, nagkwentuhan kaming dalawa . . .hindi ko alam kung paano umpisahan ang sasabihin, saka my napansin ako . . .

“Ma, asan si Papa?” tanong ko, pero hindi niya ako sinagot at bakit ganun lumungkot ang kanyang mukha . . . 

“Ma?” tanong ko sakanya, bakit bigla na lang ako kinabahan sa pananahimik ni Mama, sa hindi niya pagsagot kung nasan ang aking ama, at sa paglungkot ng kanyang mukha, kung ako tatanungin isa kasi akong Papa’s Girl, mas close kami ni papa . . .

“Ma? Bakit hindi po kayo sumasagot? Asan po si Papa?” tanong ko ulit . . .

“Anak, wala na ang Papa mo!”

“A-ano po?” sabi ko kay mama parang nabibingi ako, parang ayaw tanggapin ng isip ko ang sinasabi ni Mama

“So-sorry anak, hindi ko nasabi saiyo, ka-kasi alam kong mag aalala ka, na-naaksidente ang papa mo, dead on spot siya” sabi ni mama, umiiyak na siya . . .at ako . . .natulala . . .ang sakit . . .si Papa, wala na? hindi ko man lang siya nakita kahit sa huling pagkakataon? Ano nanaman itong pagsubok na ito . . . Bakit sakin nangyari ito . . .

Iyak ako nang iyak nang maramdaman ko na niyakap ako ni Mama, umiiyak kaming dalawa, saka naman yumakap din sakin si James, nakikiiyak na din . . . nasabi ko na din kay mama na natanggal ako sa trabaho . . .

Hapon nun nang pumunta kami sa puntod ni Papa . . . 

“Pa, bakit hindi mo man lang ako nahintay? Bakit ganun? bakit mo ako iniwan?” sabi ko sa kanyang puntod, alam ko naririnig niya ako, alam ko na lagi niya ako tinitignan . . .Mahal na mahal ko si Papa, pero bakit ang aga naman para kunin si Papa, paano na kami? ano na mangyayari samin . . .

Lumipas ang ilang minuto na ganun ang ayos ko, tumayo ako . . . 

“Pa, alam ko andiyan ka lagi para samin . . . alam ko na ayaw mong nakikita na nagkakaganito kami, Pangako kayo sainyo pa, hinding hindi ko pababayaan si mama at James” pangako ko kay papa . . .

Oo, nadapa ako ngayon, pero sisiguraduhin ko na bukas, o sa isang araw, babangon ako kasama ang mga mahal ko at nagmamahal sakin . . .

. . . Itutuloy . . .

Abangan kung makakabangon pa ba si Irish sa mga hindi magandang nangyari saanya . . .

Lagi pong tandaan: Ang konsepto ng kwentong ito at ang mga pangalan ng tauhan ay kathang isip lamang ng ating manunulat. Kung ang kwento ay tugma sa inyong karanasan ito ay hindi sinasadya.

Secret FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon