Chapter 8

1 1 0
                                    

Lumipas ang ilang buwan, mapapansin ang pagkabalisa ni Brent, simula nang malaman niya na umuwi na si Irish sa kanilang probinsiya . . .

“Brent?” sabi ni Jess, makikita sa mukha nito ang pagtataka . . .

“Bakit?”

“anong bakit? kanina ka pa namin kinakausap ni Kaizer, pero kanina ka pa naman tulala diyan” nakataas ang kilay na tanong ni Jess

“Oo nga, simula noong nabanggit namin ang pangalan ni Irish, naging tulala ka na diyan?”-Kaizer

Napabungtong hininga na lang si Brent, alam niya sa sarili niya na mahal na niya ang dalaga, pero wala man lang siya nagawa nang umalis ito pauwi nang kanilang probinsya ni hindi niya nasabi na mahal niya ito . . .

“Mukhang namimiss mo na si Irish ah, kung gusto mo puntahan natin siya?”-Jess

Biglang nabuhayan ng loob si Brent sa sinabi ni Jess . . .

“Magandang ideya yan Jess, puntahan natin si Irish”-Kaizer

“eh bakit parang mas excited ka pa kesa kay Brent?” tanong ni Jess na sumimangot pa . . .

“ito naman oh, syempre namimiss ko din kadaldalan niya . . . nagseselos ka na agad diyan, halika nga dito” paglalambing ni Kaizer sa dalaga, simula nung umalis si Irish, naglakas loob na nanligaw si Kaizer kay Jess, at doon nalaman ni Jess na si Kaizer nga ang mahal niya at hindi si Brent . . .

“heyh!” kunwaring pagtatampo ni Jess. . . 

“Huwag ka na magalit” pagsusumamo ni Kaizer, saka niyakap ang nobya . . .

“oh ano gusto mo ba? gusto ko na din makita ang bff ko na iyon eh, ni hindi na nga siya nagtetext o tumatawag sakin . . . Simula pa noong umuwi siya doon, nagtext lang siya noon na nakarating na siya kasu hanggang ngayon wala na, hindi ko na din makontak cp niya” malungkot na sabi ni Jess . . .

“pe-pero kung pupunta tayo dun ano sasabihin ko sakanya?” wala sa sariling natanong ni Brent

Nagkatinginan ang magkasintahan saka sabay na tumawa . . .

“Grabe naman ang pagiging torpe mo tol!” sabi ni Kaizer

“oo nga naman Brent, hindi mo gayahin itong kaibigan mo, ang lakas ng loob na nanligaw sakin” tumatawang sabi ni Jess

“abba, eh ikaw kaya nanligaw sakin” sabi naman ni Kaizer

“ang kapal huh!” sabi niya, hindi naiwasan ni Brent na mapangiti sa dalawang kaharap . . .

“Pero Brent, seryosohan ah, kung mahal mo talaga ang bestfriend ko sabihin mo na sakanya, magtapat ka na bago mahuli pa ang lahat, sa ganda niyang iyon, abba madaming nagkakagusto sakanya . . . mamaya niyan maunahan ka pa . . . ikaw pa man din ang pinakabet ko sa lahat ng nanligaw sakanya kasi nga my gusto din siya saiyo” hindi sinasadyang masabi ni Jess ang mga huling kataga . . .

“ano!?” sabi ni Brent, gusto niyang marinig ulit ang huling sinabi nang babaeng kaharap ngayon . . .

“opps!” sabi ni Jess na napatakip pa sa bibig . . .

“sabagay, mukhang my gusto si Irish saiyo tol . . . halata kaya hindi mo ba halata? hindi ka lang pala torpe tol eh, my pagkamanhid ka pa” asar nanaman ni Kaizer sakanya . . .

“uy! Tama na iyan babe, mamaya mag away pa kayo ni Brent” saway naman ni Jess sa kasintahan saka tumahimik si Kaizer

“abba, andres ka pala tol!” nakibiro na din si Brent . . . hindi na lang nagsalita si Kaizer dahil tinignan siya ni Jess na nakasalubong ang kilay!

“oh ano Brent? Gusto mo ba o hindi?”-Jess

“Syempre gusto ko!” sabi ni Brent

“Iyon naman pala eh! Bukas ng hapon, kasi mahaba haba naman ang bakasyon natin sa isang araw diba? edi gora na tayo bago pa mahuli ang lahat!” excited na sabi ni Jess

“Maganda ito! Tatawagin natin ang bakasyon natin na operation magtapat kay Irish!” sabi ni Kaizer na ikinangiwi ni Jess . . .

“ouch!” sabi ni Kaizer . . . binatukan siya nang kasintahan . . .

“Kung ano ano iniisip mo! Pagpasensyahan mo na ang kaibigan mo!” sabi ni Jess kay Brent na ikinatawa ng huli . . .

“Sige ah, kita kits na lang tayo bukas ng hapon, hindi na siguro ako papasok nang umaga” paalam ni Brent saka tumayo at umalis . . .

“So?” tanong ni Kaizer sa kasintahan at ngumiti nang nakakaloko . . .

“anong so?” pagtataray naman ni Jess dito . . .

“saan mo gustong pumunta? tayo na lang dalawa . . .” sabi ni Kaizer saka kumindat kay Jess, naunawaan naman ng dalaga ang ibig sabihin ni Kaizer, hindi maiwasan ni Jess mamula . . .

“ay ewan ko saiyo!” sabi ni Jess, binatukan niya si Kaizer saka tumayo para umalis,

“uy Joke lang babe! ito naman hindi na mabiro!” sabi ni Kaizer habang hinahabol si Jess,

. . . Itutuloy . . .

Kirby’s Note: Ano kaya mangyayari sa pagpunta nila Brent sa probinsya nila Jess? Maganda kaya ang magiging kinakalabasan ng operation#magtapatkayIrish? . . . Abangan . . . 

Lagi pong tandaan: Ang konsepto ng kwentong ito at ang mga pangalan ng tauhan ay kathang isip lamang ng ating manunulat. Kung ang kwento ay tugma sa inyong karanasan ito ay hindi sinasadya.

Secret FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon