Chapter 5

7 2 0
                                    

“Kainis ka kuya, bakit ka ba nang gugulat” sabi ni Irish sa kanilang guard, ito lang pala iyong nakita niya, at siya din ang narinig niyang kumakaluskus . . . 

“sorry mam, hindi ko naman alam na natakot kayo sakin eh, tumakbo kasi kayo eh, kakausapin ko sana kayo, natakot din ako bigla nang tumakbo kayo baka kasi my nakita kayong multo eh, natatakot din ako” paliwanag nang guard sakanya, napakamot pa ito nang ulo at nakikita niya nanginginig ang mga paa nito, talagang takot ito . . .

Natatawa na lang siya na lumabas ng kanilang building, kasabay na din niya si Manong guard palabas . . .

“hay, natakot talaga ako doon ah!” sabi ni Irish sa sarili niya habang naglalakad siya, saka niya lang napansin na wala pang sasakyan na nakadaan mula pa kanina nung lumabas siya sa gate nang kanilang building . . . 

“Halla, sana naman my dumaan kahit isa lang na taksi” panalangin ni Irish . . . 

Tuloy tuloy lang sa paglalakad si Irish nang my nararamdaman siyang sumusunod sakanya, napalunok siya, nasa isip niya, impossibleng si Manong Guard iyon dahil hindi naman ito pwedeng umalis sa kanyang pwesto at saka medyo malayo na siya sa kanilang building . . .

Nagdadasal na lang si Irish na sana hindi iyon multo o kaya masamang tao . . . 

IRISH’S POV

Ano gagawin ko, natatakot ako, wala pa man din ako makita na ibang tao . . .

“Lord please huwag niyo po ako pababayaan” piping dasal ko . . .

Kahit natatakot, medyo naglakas loob akong tumingin sa likod ko . . .

Pagkatalikod ko, parang tumigil ang ikot nang mundo, parang nag slow motion ang paligid . . . bumilis nanaman ang tibok ng puso ko . . .at parang . . .

“Brent?” si Brent nasa likod ko, siya ba ang sumusunod sakin? Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko si Brent . . .

“Hindi mo ba alam na hindi pwedeng maglakad sa dilim na mag isa ang mga babaeng magaganda na katulad mo?” sabi niya na parang nanenermon pero ang boses niya ay kinababakasan nang pag aalala . . . at saka . . .

Tama ba pagkarinig ko? mga babaeng magaganda na tulad . . .ko? tulad ko? maganda ako? maganda ako sa paningin niya? gosh . . .parang tinatambol tuloy ang puso ko sa tuwa . . .maganda ako? gosh hindi ako makamove on, maganda daw ako . . .eiiihhh . . .ano ba kinikilig ako . . .

“Irish? ok ka lang?”

“a-ah eh O-oo naman, ano pala ginagawa mo dito” halla nahalata ata niya na kinikilig ako, My Gosh!

“Nalaman ko kasi kay Kaizer na nasa opisina ka pa, kaya pumunta ako sa opisina pero sabi ni Manong guard kakauwi mo daw, tinuro ni manong kung saan ka dumaan kaya sinundan kita, ang bilis mo nga maglakad eh”

“Natakot kasi ako eh, pasensya ka na ah . . .”

“ok lang iyon, kung hindi lang ako nag aalala saiyo eh” sabi ni Brent sakin, tama ba narinig ko? nag aalala siya sakin? Halla bakit naman siya nag aalala? o baka naman mali lang ako nang pandinig, napakaimpossibleng mag alala siya sakin . . . 

“ano?” sabi ko, nagbabakasakaling sabihin niya ulit . . .

“ah wala, tara na!” sabi niya napasimangot ako, hindi man lang niya inulit, pero nagulat ako nang hinawakan niya kamay ko . . . kinikilig nanaman ako, haist . . . hawak lang ng kamay iyon ah . . . pano na kaya kung halik . . .haist ambisyosa talaga ako . . .

“saan tayo pupunta?” sabi ko sakanya nang mapansin kong pabalik kami sa gusali ng aming opisina

“naiwan ko kasi iyong kotse ko, sa pagmamadaling masundan ka” sabi niya saka tumawa at nagkamot ng ulo, ang gwapo niya talaga mas lalo na pag ganun siya . . .

Nakasakay na kami sa kotse niya, mukhang mayaman naman siya, my kotse siya pero bakit nagustuhan niyang mag apply doon sa pinagtratrabahuan naming dalawa . . .

“kumain ka na ba?” biglang tanong niya . . .oo nga pala hindi pa ako kumakain, pero hindi ko maramdaman ang gutom ko, pakiramdam ko, pag nakikita ko siya eh busog na ako . . .yummy kasi siya . . . teka ano ba tong naiisip ko . . .

“Kain muna tayo gusto mo?” tanong niya sakin . . . gusto ko sana kasu baka naghihintay na sakin si Jess . . . Oo si Jess, halla panu nay an. kung ihahatid ako ni Brent sa bahay baka makita siya ni Jess . . . pero kung hindi naman ako magpapahatid baka my mangyaring hindi maganda sakin, baka hindi na ako sisikatan ng araw, hindi pa naman ako sanay dito . . .

“Irish?”

“ay, ah eh, huwag na Brent, sigurado kasi akong hinihintay ako ni Jess” sabi ko na lang saka niya tinanong kung saan kami nakatira, wala na akong nagawa kundi sabihin sakanya, bahala na kung ano man mangyari, sigurado naman ako na nakatulog na si Jess sa oras na ito . . .

“Irish, matagal na ba kayo magkakilala ni Jess?” biglang tanong niya sakin, 

“ah, eh Oo mula pa pagkabata magkakilala na kami” umaliwalas ang mukha niya nang sabihin ko iyon . . .

“so alam mo na ang gusto at mga ayaw niya?” mukhang interesado si Brent sa kaibigan ko . . . na nagbibigay ng sakit sa puso ko . . .

“Pwe-pwede magpatulong manligaw . . .”

“sure! sige ah thank you, bukas na lang natin pag usapan iyan” sabi ko agad sakanya hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil alam ko naman na iyon at nasasaktan ako sa sinasabi niya, buti na lang at nakarating na kami sa bahay, kaya naman dali dali akong bumaba sa kotse niya at saka walang lingon lingon na iniwan ko siya . . .

Ayaw kong makita niya ang mga luha ko na gusto nang mag unahan sa paglabas . . .

“uy best? bakit ngayon ka lang? Kumain ka na ba?My naghatid ba saiyo” medyo nabigla ako nang makita ko si Jess pagkabukas ko sa pintuan . . .

“Oo, sige best bukas na lang at medyo pagod ako” pagdadahilan ko saka dumiretso sa kwarto ko . . .doon ko nilabas ang mga luha ko . . . iyak ako nang iyak sa gabing iyon . . .

Bakit? Bakit ganito kasakit, hindi naman kami magkasintahan, ni hindi nga kami masyadong close, pero masakit talaga . . . huhu . . . Mas lalo na at my hindi magandang nangyari sa araw na ito . . . Hindi ko nasabi kay Jess kung bakit ako nag overtime . . .

Ang totoong dahilan ay . . . naalis ako sa kumpanya . . . sinabi nang boss namin na kailangan ko matapos lahat ng report ko bago ako umalis bukas, pero tinapos ko na lahat para naman hindi na ako babalik bukas . . .

Bakit ba naman nagkasabay sabay ang kamalasan ko, natanggal ako sa trabaho na ganun ganun lang tapos, tapos malalaman ko na ang taong mahal ko ay my gustong iba at sa bestfriend ko pa talaga . . . Ba-bakit hindi na lang kaya ako magpakamatay . . . huhu . . .

. . . Itutuloy . . .

Lagi pong tandaan: Ang konsepto ng kwentong ito at ang mga pangalan ng tauhan ay kathang isip lamang ng ating manunulat. Kung ang kwento ay tugma sa inyong karanasan ito ay hindi sinasadya.

Secret FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon