Chapter 15

46 5 0
                                    



Galit-galit akong nagtitipa sa cellphone ko. Sa sobrang bagot ko ata dito ay kung ano-ano na ang ginawa ko para maglibang.

"Potaena mo, kanina ka pa ah mamatay ka na," gigil kong sabi.

"Boss, kalma. Mababasag na ata screen mo sa sobrang gigil eh," ani Vince na nasa katapat kong couch.

"Wala akong pakialam," asik ko dito.

Natapos ang laro at nanalo naman ang team namin. Ibinagsak ko ang ulo ko sa unan at pumikit. It's been three days since I got shot. Kung sino mang poncio pilato iyon ay tinutugis na ng organisasyon.

"Grabe dalawang araw na tayo naglalaro ng ML at COD simula nung nagising ka," pagal na sabi ni Luke.

Tumawa si Vince at tumingin sa akin. "Dalawang araw lang pero antaas na ng rank mo. Beastmode ampota."

"You should sleep. Bukas na ulit tayo maglaro. Masyado mong ginagalingan sa mobile games eh. Sana galingan mo rin magpagaling," Drag said and smirked.

Tuloy ay hindi ako nakasunod sa Palawan. Ang magulang ko na ang nagsabi sa kanila at pawang sina Tito Alex lang ang may alam kung ano ang nangyari. My parents immediately flew to Sicily nang malaman ang nangyari sa akin.

Hindi naman malala ang tama ko. Halos maubusan lang ako ng dugo dahil hindi ako kaagad nadala sa ospital. Wala raw nakarinig ng putok ng baril so we assumed that the gunman used a silencer.

Halos mapatid ang ugat ni Dad sa sobrang galit. Nasermonan pa tuloy ang tatlong ugok pero wala naman silang kasalanan kaya pinigilan ko si Dad. Pumunta rin ang mga pinsan ko nang mabalitaang gising na ako. Pati tuloy sila napagsabihan rin.

I was sorry for them. Wala naman silang kasalanan pero dahil sa nangyari ay galit na galit si daddy. He even showed his rage to the organization dahil bakit ni isa sa mga bantay ko ay walang nakapansin.

I've been receiving messages and calls from the siblings. Nagrereply lang ako sa text pero hindi ko pa sinasagot ang mga tawag nito. Mahirap na at baka magsunod-sunod ang tanong hanggang sa hindi ko na masagot.

Tita Sam told me that they'll extend the trip to Palawan para makahabol ako. Nagulat pa ako nang bigla silang dumating ni Tito Alex sa ospital para bisitahin ako. Ang layo kaya ng Sicily!

Pumasok si mommy sa kwarto. Sa kaunting siwang ng pinto ay nakita ko ang mga nakaitim na bantay sa labas. This is not an ordinary hospital. Ito ang ospital na pinatayo ng daddy para sa mga sugatang miyembro ng organisasyon. Dito din inooperahan ay cinoconfine ang mga miyembrong may sakit.

"Kumain ka na, you need to gain more strength bago ka pa makauwi ng Pilipinas," malumanay na sabi ni mommy habang hinahanda ang mga pagkain sa bed table.

"Sorry, mommy. Sabi nila ay umiyak ka daw," malungkot kong sabi.

She gave me a little smile and she held my hand. "It's normal to cry when you're worried of your child. But I know that you won't leave me dahil wala na akong baby kapag nawala ka."

"Yuck naman mommy bakit naman baby?" Nandidiri kong sabi at natawa naman ito. "Magandang anak nalang kasi."

"Kinausap na namin ang doktor mo. You'll be discharged tomorrow. Diretso ka na ng Palawan," pag-iimporma nito.

"Baka makita nila sugat ko," nag-aalala kong sabi habang tinatanaw ang naka-benda kong balikat.

Lumabas ang mommy para kausapin muli ang doktor. I was left alone in the room. Sa sobrang bagot ay natulog nalang ulit ako.

Shot by You [COMPLETED]Where stories live. Discover now