Chapter 40

49 2 0
                                    


Linggo ng umaga nang maisipan kong gawin ang mga assignment ko. Buti na lang at dala ko ang mga libro at notebooks na kakailanganin. But then I have a problem... hindi ko dala ang laptop ko.

I walked towards Sandro who's sipping on his cup of coffee while fiddling with his phone.

"Babe, dala mo laptop mo?" tanong ko rito habang nakatukod ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa sa harapan niya.

He looked up to me while his lips are still on his mug. He really has this charm in whatever he do. Ang unfair!

Ibinaba nito ang tasa na hawak sa ibabaw ng mesa. "I have it in our room. Why?"

"Kailangan ko sana, I'm doing some of my homework, kaso hindi ko dala yung sa'kin," pagdadahilan ko.

He stood up and went upstairs to get his laptop. Naupo naman ako sa mesa kung saan siya nakapwesto kanina. I took my things with me para doon na lang gumawa.

Bumalik ito bitbit ang laptop sa isang kamay. He handed it to me and I gladly accepted it.

"Marami kang assignment?" he asked and sat in front of me.

"Medyo, lima siguro?" kibit-balikat kong sagot.

He just nodded and let me do my thing. Hindi nagtagal ay inilabas na rin nito ang iPad niya at nag-set up ng keyboard para roon. He started to do his own things with it too.

"May internet ba tayo dito?" tanong ko muli.

Napatingin ito sa akin at nakita ko ang repleksyon ng ginagawa nito sa screen niya because of his eyeglasses.

"Yes, we have. You need it too?" he asked and I nodded.

Nagtipa ito ng kung ano sa laptop at ibinalik sa akin. May connection na! Ipinagpatuloy ko ang pag-tipa ng mga kailangang mapasa. I'll just send it via email para naman hindi na ako magahol kung sakali.

When lunch time came, we just ordered some food to eat. We intend to slack off the whole day to rest. Unfortunately, I have these assignments kaya may ginagawa pa din ako.

Sandro is currently at the garden while talking to someone over the phone. Tapos na kami mag-lunch at maglinis ng mga kalat nang biglang may tumawag sa kaniya.

Nawala ang paningin ko sa kaniya nang tumunog ang cellphone ko. Simon's name was flashed on my screen and I immediately answered his call on FaceTime.

"What's up?" nakangiti kong bungad dito.

"Everything's good, I guess?" he said and chuckled. "I need you to sign some papers. Sa akin sana ang last signature kaso ikaw naman ang wala."

"May na-send na ba sa akin na email tungkol diyan?" tanong ko habang nagtitipa ng email at password ko sa laptop.

"Yup, kahapon pa ata na-send sa'yo ng secretary ko," anito't humawak sa pang-ibabang labi. "Kailan ba sana ang dating mo?"

"Bukas pa, kuya. Diretso na'ko sa school pagkauwi from Tagaytay."

"Then just sign that tomorrow. Enjoy ka na muna diyan," he said and winked at me. "By the way, I'll be joining your squad after three months."

Napatingin ako sa screen at nangunot ang noo. "Ha? Eh di'ba nakapahinga ka 'non? Paano sina Elle?" tanong ko na tinutukoy sina Eleonor at Zoella.

"I'll bring them with me in New York. Isang linggo ko lang naman kayo sasamahan. Besides, it's an order from the higher ups. Utos ni dad," he said and chuckled. "Ayaw pa sabihin na gusto lang nila makasama ang apo habang nasa New York sila."

Shot by You [COMPLETED]Where stories live. Discover now