"Wala man lang bang manok o baboy na ulam dito?" Reklamo ko sa pagkain. Kahapon ay may pork barbecue naman pero ngayon, lahat seafood!"Orderan niyo ng ulam 'yan ayokong mabingi tenga ko sa mga reklamo niyan," utos ni Sandrine sa mga kasama namin.
Sandro leaned towards me and whispered. "There's more to meat. Baby, just try the seafoods," anito sa malambing na boses.
"Ayoko. Hindi niyo ako mapipilit," sagot ko na naka-krus ang braso.
He sighed and stood up. Narinig ko itong nag-utos para magpabili ng baboy, manok at kung ano-anong rekados. Salubong ang kilay ko habang busy maglaro ang apat. They really are into that mobile game kahit na narito kami sa beach. Well, I just had enough of it for now dahil iyan lang din ang ginagawa ko noon sa ospital.m
Naudlot ang naging lunch namin dahil sa kaartehan ko. Don't blame me! Eh sa hindi ako kumakain ng seafood eh. Tsk!
Habang naghihintay sa pagkain ay inilabas ko ang cellphone ko. I saw some messages from my parents na kinakamusta ako specially yung sugat ko. It's been what? 5 days after I got shot. Masakit pa rin kung madidiinan pero okay naman, kaya naman tiisin.
My brow shot up when I saw a message from Drag. Kagabi niya pa pala ako tinext kaya binuksan ko na ito kaagad. It was a code. Alam ko na agad kung ano iyon. I immediately copied it and opened a web server. Pinaste ko ang code at agad naman itong nabuksan.
Kunot-noo ko itong binasa at napakagat na lamang ako sa labi nang mabasa ang litanyang iyon. It says that Sandro will be sent to Spain next year. Kung kailan naman grade 12 na ako non at hindi na gaanong petiks.
I glanced at him who's cooking my food. Napangalumbaba ako at walanghiyang tinitigan ito. Maybe he felt my stares, bigla kasi itong lumingon sa akin at binigyan ako ng maliit na ngiti. Grabe, Lord. Sobrang blessed ko naman huhu.
Tinawag ko na kaagad sina Sandrine na busy sa paglalaro. For God sakes kakain na kami! Buti naman at bumangon rin sila sa pagkakaupo sa buhanginang may lilim. Kakalapag lang ni Sandro ng niluto niya at umupo na rin. I sat beside him and reached for the food.
Pero nabitin sa ere ang kamay ko na hawak ang plato nang bigla itong mag-sign of the cross. Right, I'm with the Santiago.
Don't judge me, nagdadasal naman ako ano! Kapag may time nga lang. But at least I thank Him right? Hindi lang talaga ako kasing-relihiyoso nila.
Hinintay ko nalang sila matapos. Hindi naman ako ganoon ka-bastos para maunang kumain sa kanila. I smirked when I saw Luke and Vince staring at the siblings. Katulad ko ay hindi rin sila gaanong ka relihiyoso. Basta naniniwala kami sa Kanya. Sapat na siguro yun.
Mabilis kaming kumain ng lunch. Hindi naman kasi gaanong nag-uusap ang mga lalaking kasama namin, plus Sandro's getting calls from time to time. Kung minsan ay lalayo pa ito sa amin para sagutin iyon. I'm not curious tho, malalaman ko rin naman iyon. I smiled inwardly, damn baby, I'm the captain of your black squad.
Naisipan kong lapitan si Drag habang nasa may hammock ito at nagpapahangin. Mabuti nalang at nagpaalam si Sandro na magpapahinga sandali at lalabas nalang mamayang hapon. Drag glanced at me and went back to sight seeing.
"I saw the files already. Kailangan ko na gumaling kaagad para makasama ako," sabi ko rito na tinutukoy ang pakikipag laban.
"You'll make it on time. That's for sure," anito na napabuntong-hininga. "Pagalingin mo muna 'yang sugat mo sa balikat bago ka pa bumalik sa training."
![](https://img.wattpad.com/cover/254205859-288-k988868.jpg)
YOU ARE READING
Shot by You [COMPLETED]
General FictionSports Series #2: Nadia Valentrice lived a perfect life. Perfect family, outstanding in academics, a solid best friend and met the love of her life. But everything went upside down when the truth behind her life came out. How will she deal with li...