"Huy hawakan mo hat mo liliparin na!" Sigaw ni Sandrine sa likod ko."Calm down! May tali naman sa may leeg ko!" Sigaw ko pabalik.
Nasa bangkang de-motor kami papunta sa iba't ibang maliliit na islang narito. We've been divided into two boats dahil apat lang ang pwede bawat isa, kasama na ang bangkero.
Nasa harap ko si Sands habang nasa dulo ng bangka si Sandro. He's wearing a sleeveless top and board shorts. Nakasuot pa pabaligtad ang cap at naka-shades pa. Kung may makakakita lang sa kaniya ay baka akalain pang artista siya.
I've been taking pictures using my disposable cam. I've had enough of taking pictures of the surroundings kaya si Sandro naman ang kinuhanan ko nang kinuhanan. I got some snaps from Sands too. Baka sabihin pa na bias ako.
We reached a small island called Simizu. Namangha ako sa rock formations nito na pinagigitnaan ang tubig. I instantly took my camera out and had some snaps of it. Puti at pino rin ang buhangin dito.
Bumaba kami sa bangka at naglakad-lakad. We tried to explore some caves na medyo mahirap pasukin, pero napasok namin! Hindi na muna kami nag swimming dahil marami pa kaming pupuntahang isla maliban rito.
Naka-tatlong isla kami bago napagdesisyunang kumain. Maaga kaming nagising para dito kaya gutom na gutom na talaga ako.
"May karne ba don? Manok?" Bulong ko kay Sandrine.
"Wag kang mag-alala, binilinan na sila na maghanda ng karne dahil may bisugo dito na hindi kumakain ng kapwa niya lamang-dagat," sarkastikong sagot ni Sandrine.
I just rolled my eyes at her. Ayoko na patulan dahil baka pag nasagad niya ang pasensya ko ay itulak ko nalang siya sa dagat. Bumaba kami sa Puerto Princesa para kumain. There's this famous floating restaurant where you can eat good food habang nakalutang sa tubig ang cottage niyo.
Inalalayan ako ni Sandro sa pag-akyat sa lumulutang na cottage. Si Sandrine ay inalalayan naman ng bangkero matapos tanggihan ang kuya niya. She just smirked at me at nagpatiuna ng umupo roon.
Nagningning ang mga mata ko nang makita ang iced cofee doon. I glanced at Sandro and he just smiled at me. Alam kong pakana nanaman niya 'to.
Umupo kaming lahat sa harap ng mesa. As usual, nagdasal na muna bago kumain. Asikasong-asikaso ang lalaki sa akin. Napanganga ako nang makitang nagiging bundok na ang nasa plato ko.
Sinipa ko sa ilalim ng lamesa ang paa ni Sandrine. She looked at me with her questioning face.
"What?" She mouthed.
Tinignan ko siya na nanlalaki ang mga mata at tinignan ko ang plato kong nilalagyan pa din ni Sandro ng pagkain. She got what I meant kaya tinawag nito ang atensyon ng kapatid.
"Kuya, baka hindi na matunawan si Nadia niyan. Ibalik mo ang iba," anito sa kuya niya.
Saka lang napagtanto ni Sandro kung gaano na kadami ang nilagay niya sa plato ko. Halos wala ng natirang barbecue para sa iba!
"Oh! Sorry," he said and chuckled.
"Gusto mo ata akong ma-impacho, Santiago," bulong ko rito.
"Hindi naman. Gusto ko lang busog ka," sagot nito na pabulong din.
Umiling-iling na lamang ako at kumain. Nagkaroon ng tawanan dahil sa mga kinu-kwento nina Luke at Vince na kalokohan. Sandro was just chuckling and smiling. Habang sila naman ay halos maputol na ang ugat sa noo kakatawa.
We continued island hopping throughout the day. I glanced at my watch and saw that it was already five in the afternoon. Hinatak ko ang sando ni Sandro and he just nodded. Gusto ko kasi akyatin ulit iyong rock formation para makita ang kalakhang dagat.
YOU ARE READING
Shot by You [COMPLETED]
General FictionSports Series #2: Nadia Valentrice lived a perfect life. Perfect family, outstanding in academics, a solid best friend and met the love of her life. But everything went upside down when the truth behind her life came out. How will she deal with li...