Chapter 47

47 0 0
                                    


"What was that, Nadia?" matiim pa rin ang titig nito sa akin. Paano na'ko kakain nito kung may nagi-interrogate sa harapan ko?

"Mamaya na natin pag-usapan. Kakain muna ako," pagpapalusot ko. He turned his attention to Zoella instead at pinilit ko naman kumain kahit na wala na talaga akong gana. Kailangan kong panindigan ang palusot ko!

Pagkatapos kumain ay nagpaalam muna akong pupunta sa rest room. Napahilamos na lang ako ng mukha sa mga nangyayari. Kailangan ko ba talaga magpaliwanag? Hindi ko naman siya boyfriend eh?

Plus, wala ng namamagitan sa amin. We already became friends three years ago!

Pagkabalik sa table namin ay niyaya ko na silang umuwi. Tinawagan ko ang nanny ni Zoella na nakuha namin ni Ali. We fetched her and drove her and Zozo to my parents' hotel. Nagulat pa ang magulang ko nang makita si Sandro na kasama namin. But I just made an 'I'll just tell you some time' face.

Hilaw naman na ngumiti ang mga ito nang batiin sila ni Sandro. I texted Ali that Zoella is with my parents and I have a meeting. Ginawa ko pa tuloy excuse na kakausapin ko ang nag-conduct ng meeting sa school ni Zoella na hindi ko na-attendan kanina.

"Now tell me what was that about," he immediately demanded when we reached the parking lot of the hotel where my parents are staying.

"Kumalma ka nga? Bakit ba parang galit na galit ka sa'kin?!" inis kong bulyaw.

He shut his eyes tightly and leaned on my car. Kita ang pagod sa mukha nito. Marahil ay dahil sa mga ginagawa niya sa palasyo.

"Are you two dating?" anito na nakapikit pa rin ang mga mata.

"Yes," I honestly answered.

"Gaano na katagal? One month? Three months?"

"Six, going seven next week," pagtatama ko.

"Mahal mo na?"

I bit my lower lip, unable to answer that tricky question. Yes, it's tricky. Sa ngayon ay hindi ko sigurado kung mahal ko na ba talaga si Ali. Our relationship started with a deal anyway— ang maging rebound niya ako at rebound ko siya.

"Mahal mo na ba?" muling tanong nito sa mas mahinang boses. His eyes were full of emotions, hindi ko alam kung galit ba siya sa akin o kung nalulungkot ba siya.

"H-Hindi ko sigurado," I answered and turned my back on him. Sumandal ako sa pinto ng shotgun seat habang siya naman ang nakasandal sa kabila.

A moment of silence took place in between us. Hindi ko alam kung ano na ba ang iniisip niya ngayon. Is he disappointed? Is he hurt? But why? We made it clear years ago that we're just friends.

"Hindi mo na ba ako mahal?" anito sa mahinang boses pero dinig ko pa din. I lowered my head and faced the ground. I can't answer him that yet. Importante siya sa akin, pero sa tingin ko ay may importante na si Ali sa akin ngayon.

"I'm not sure about that, too," mahina kong sagot.

"What will it take to make you mine again?" muling tanong nito. Paano nga ba?

"H-Hindi ko alam, Sandro. Naguguluhan ako. Magkaibigan naman tayo, di'ba? Pero bakit nasa ganitong sitwasyon tayo ngayon?" tanong ko.

"What do you mean?"

"Why do you question my love for you if we already made it clear that we're just friends?" I faced him and I caught him already facing at me too.

He was about to speak pero walang namutawing salita mula sa kaniya. I frowned while looking at him. He glanced sideways and avoided my gaze.

Shot by You [COMPLETED]Where stories live. Discover now