Chapter 41

36 2 0
                                    

Warning: Sensitive contents; Sexual violence and harassment. Read at your own risk!

"Simon! Here!" I yelled as I wave my hand for him to see us.

"Too noisy, Nads. Makikita rin naman tayo," Wave hissed beside me.

I just rolled my eyes at him. "Pake mo? Edi doon ka."

Nakalapit na sa amin si Simon at kaagad kong niyakap ang anak niya. Eleonor was all smiles while holding on Simon's arms.

"Sana all happy," Dash teased.

"Edi pakasal ka na rin," pang-uuyam ni Wave.

"Girlfriend nga wala 'yan eh, aasawahin pa kaya?" naiiling na ani Simon.

"Foul 'yon, dude!" sigaw ni Dash na lukot na lukot na ang mukha.

"Ahhh, the smell of New York," Eleonor softly mumbled.

"Na-miss mo?" tanong ko.

She just nodded and smiled widely.

"Kumusta naman yung one week na paglilibot niyo rito?" ani Simon habang nasa biyahe na kami papunta sa uuwian naming apartment.

"As usual, andami na namang nabili ng isa diyan," sipat ni Wave at inginuso ako.

"Excuse me? Ikaw nga nagbibili ng kung anu-ano diyan eh. Imagine? You're twenty-two years old tapos bibili ka ng remote controlled car?"

Agad na umingos ito at sa bintana na lang tumingin. I had a shopping spree with them, nilibre na nga, basher pa din. How ungrateful.

We all rested when we reached the apartment. May kalakihan ang tinitirhan namin dahil talagang pinondohan ito ng organisasyon. I already had my time to spend in New York with Sandro last week.

He toured me in his school and to his hangout places. Ang iba niyang kaklase ay nakilala ko na rin.

My cousins Dash, Wave and Simon are here with me for the Black Squad's mission. Naipakilala na kasi si Sandro bilang tagapagmana ng korona at mas lalo ng dumadami ang mga nagbabanta sa buhay niya.

The scary thing about this is that they knew where Sandro resides. Maging sa eskwelahan ay minamanmanan nila ang tagapagmana. I was livid for a moment pero naiintindihan ko rin naman kung bakit ganoon na lang ang banta sa buhay niya.

He told me to never ever protect him. Hindi kaya ng konsensya niya na ako pa ang mapapahamak para lang maprotektahan siya.

That's why I kept it from him. I lied to him.

Sinabi ko sa kaniya na narito ako dahil andito ang mga pinsan ko. He was doubtful pero naniwala rin naman kaagad nang mag-send ako ng picture namin nina Dash habang nasa mall at nags-shopping.

"Nads, may tampons ka ba? Nakalimutan ni Elle," ani Simon na nakasilip sa kwarto ko.

"Hala, menstrual cup lang ang meron ako. May extra ako na hindi pa nagagamit, just get it on my drawer sa lower left."

"That would be nice. Kunin ko na," he said and went near the said drawer. "Girls have really weird essential stuff," he commented.

"Ganoon talaga," kibit-balikat kong sabi.

"Siya nga pala, how do you feel now? Malapit na tayo magsimula," dagdag na tanong nito bago pa man makaalis ng kwarto ko.

"Nervous, as usual. Hindi na nawala ang pag-aalala ko," I mumbled.

"Being his wife will make you live worryingly for the rest of your life and you know it. What makes you stay?"

"The love, kuya."

Shot by You [COMPLETED]Where stories live. Discover now