"Miss Arnault, there's a call for you from Miss Santiago," pagbungad ng sekretarya ko na nakapagpahinto sa akin sa pagtitipa ng tungkol sa report namin para sa isang kliyente. Agad kong kinuha sa kaniya ang wireless na telephone para sagutin ang tawag ng kaibigan.
"Anong maitutulong ko, kamahalan?" mapang-asar kong bungad.
"Kailangan ko ang final say mo sa project na hawak ko ngayon. Makakapunta ka ba sa office ko?" tanong nito. Napahawak ako sa labi ko. Mamaya ko na lang siguro tatapusin yung ginagawa ko? Tutal next week pa naman ibibigay 'to.
"Sige, punta ako diyan," tanging sagot ko at kaagad na tumayo para puntahan ang opisina niya sa kabilang dulo.
Habang nasa hallway pa ay nagtipa ako ng mensahe para sa mga magulang ko. Zoella is in a vacation with them right now. Araw-araw akong nanghihingi ng update mula sa kanila dahil baka mamaya ay kung anu-ano na naman ang gusto ng bata na binibili naman nila kaagad.
Dad sent me photos instead. She's reading a book in a library at nakaupo pa ito sa sahig, kunot ang noo na nagbabasa.
Daddy: Your daughter is giving us a boring time zzzzz.....
I chuckled upon reading dad's message. Sa lahat kasi ng nagiging bakasyon nila na kasama si Zoella ay kailangan nasa itinerary nila ang public library sa mga lugar na madadaanan o paglalagian nila.
Pagkapasok sa opisina ni Sandrine ay nakahanda na ang bag nito para umalis. Umupo kami sa couch saka pinag-usapan ang project na gagawin.
"Pucha?! Ang yaman na lalo ni Arrianza ah?" gulat kong usal.
"Take note: Self-made billionaire. Akalain mo?"
"Nasaan ba mga magi-interview sa kaniya? Ige-gatecrash ko lang tapos sasabihin ko natutulog lang 'yan lagi pag nagrereview tayo or nasa library," natatawa kong sabi.
"Hindi alam ni Silas na tayo ang may hawak ng project na 'yan. Secretary lang ni Silas ang nag-aasikaso sa meetings na ganito. Saka lang daw sumisipot ang gago kapag finalization na lang ang kailangan."
Napatango na lang ako sa sinabi nito. "Kung nagkatuluyan lang kami, haciendera pala ako ngayon."
"Para ka kamong tanga," ismid ni Sandrine sa akin. She handed me the file and got her bag from the table. "Aalis na'ko. May pasyente pa akong pupuntahan."
I just raised my hand and waved at her without looking. I just searched for Silas' profile on Facebook. He's got one pero hindi naman active masyado. I saw a lot of articles instead. Umalis na ako sa opisina ni Sandrine pagkatapos. I called my secretary that I'm done for the day.
Dumiretso ako sa isang shopping center. I pulled out a list from my bag and started searching for those on the list. Party poppers, confetti, balloons, etc.
Sandrine's birthday is coming near. Wala pa siyang balak na mag-celebrate. She just planned to stay with Santi the whole day. It's such a great idea pero kailangan din namin i-celebrate iyon kasama ang pamilya niya. I contacted her cousin, Irma. Iyon kasi ang isa sa mga kasundo ni Sandrine sa pagsho-shopping kaya alam nito ang pinakagustong mga minamata sa malls.
Si Serene sana ang isasama ko pero dahil busy na din sa pamilya at sa Spain ay hindi ko na inabala pa.
"How's my ex cousin-in-law?" pagbungad nito nang magkita kami sa physical store ng paboritong brand ni Sandrine.
"Tss, paganyan-ganyan ka pa eh nalaman mo lang naman 'nong hiwalay na kami," natatawa kong sabi.
She just shrugged and kissed me on my cheek.
YOU ARE READING
Shot by You [COMPLETED]
General FictionSports Series #2: Nadia Valentrice lived a perfect life. Perfect family, outstanding in academics, a solid best friend and met the love of her life. But everything went upside down when the truth behind her life came out. How will she deal with li...