Chapter 1

401 7 0
                                    

Chapter 1

Hingal na hingal ako ng makabalik ako sa sasakyan.

"May nangyari po ba ma'am?" tanong ng driver ng mapansin ang tagaktak kong pawis.

"W-Wala po, kuya. Uwi na po tayo," hinihingal ko pa ding sagot.

Nasa bahay na ako pero hindi ko pa din maalis sa isipan ko ang nangyari.

Wala namang masama sa ginawa ko pero ayoko pa din na makarating iyon kila Mommy at Daddy. Baka hindi nila iyon magustuhan. Ayaw ko ng ganoon.

Dahil Sabado ay wala akong ibang gagawin. Libre ako tuwing weekends. I can go shopping or have my mani-pedi as long as I won't be involve in any trouble.

Pero dahil sa nangyari kanina ay parang ayokong lumabas.

Napapapikit ako sa tuwing naiisip ko ang nagawa ko.

Basta basta na lang akong umalis dahil sa pagpapanic. Paano kung iyon pa pala ang kumalat? May nakakilala sa akin at siguradong nandoroon ito ng umalis ako. Paano kung iyon pa pala ang makarating sa mga magulang ko?

Kinakabahan pa din lalo na ng makita ko ang mga nagtatakang mukha ng mga judges. Lahat sila ay siguradong hindi nagustuhan ang ginawa ko. Sana ay hindi ko na ulit sila makita. Dapat talaga ay hindi na lang ako nagpunta para walang problema!

Kinakabahan ako ng dumating ang mga magulang ko sa bahay. Inaabangan ko kung nalaman ba nila ang ginawa ko at kung mapapagalitan ba ako.

But they're preoccupied of something else.

Kalalapag pa lang ni Mommy ng kaniyang bag ay ramdam ko na agad ang tensyon sa kanila.

"Fernando, do something!" bulyaw ni Mommy.

Inis na bumaling sa kaniya si Daddy na kasalukuyang may tinatawagan sa cellphone.

"I'm doing it! Huminahon ka lang!"

"Mommy, ano pong problema?"

Bumuntong-hininga si Mommy. "Amanda, bumalik ka muna sa kwarto mo. H'wag ka ng sumabay sa problema," ani Mommy.

Ginawa ko ang sinabi ni Mommy. Bumalik na ako sa kwarto hanggang sa tawagin ako para sa dinner.

Habang kumakain ay mabigat pa din ang hangin sa pagitan ng mga magulang ko. Malaki siguro ang problema. Politics, I guess?

"You can't let that happen, Fernando. You need a strong accomplice," kalaunan ay wika ni Mommy.

"I know. Hindi naman totoo ang mga ibinibintang nila. Of course, that's politics. Kung walang mahuhukay na baho ay siguradong gagawan naman nila," ani Daddy.

"I'll talk to dad. Maybe he knows some businessmen who can back you up. Hindi ito kaya ng mga small time businessman lang."

Hindi tuloy namin naappreciate ang masarap na dinner. Buong oras ay tensyonado ang dalawa.

Kinabukasan ay agad akong nagresearch kung ano ang posibleng nangyari.

I thought it was just a minor problem at talagang maingat lang sila Mommy na huwag madungisan ang pangalan ni Daddy but it was not.

May anonymous source na nagpapakalat ng balita tungkol sa human and drug trafficking at inililink si Daddy doon. Even our business was affected. May small time hotel business kami at pati iyon ay nangangambang malugi dahil sa pagbaba ng stock price sa market because of the said issue.

Maaga ulit umalis sila Mommy at Daddy para humanap ng solusyon sa problema.

Pati ako ay nangangamba sa kung ano ang maaaring mangyari.

I don't want them to fail. They did their best to build their names and they cannot lost it in just a snap.

Wala namang kinalaman si Daddy sa mga ibinibintang sa kaniya gaya ng sabi niya kagabi. Lahat ng ito ay gawa-gawa lamang ng mga kaaway niya sa negosyo o politika.

Hatinggabi na ng umuwi sila Daddy at Mommy, pero iyon ay para lang umalis muli.

"Amanda, we'll be away for two days or more. Stay away from any trouble. Call us if you need anything, honey," tanging bilin sa akin ni Mommy bago siya tawagin ni Daddy para umalis na.

They're heading to other region based on what I heard.

What can I do to help them? Hindi na din ako mapakali sa kakaisip sa kung ano ang maaari kong gawin para makatulong sa kanila.

Mommy said that they need to have a strong accomplice. That means they need a credible company who can help ours.

Tama, that's it!

Pero sino naman kaya?

I checked my contacts to try finding someone who can probably help me. I don't have close friends but I have classmates that's for sure have family businesses.

I tried contacting some of them pero nakakatatlo na ako ay wala pa ding sumasagot.

Nabuhayan ako ng isang ring lang sa pang-anim na numerong tinawagan ko ay sinagot agad ito.

"Hello!" I said as if I'm close to this classmate of mine when in fact I can't remember if we barely even talked.

"Hello? Ah yes, Amanda. Ikaw pala. Bakit?" Anicka asked on the other line.

I remember, they own few restaurants in the city.

"Uh, yes. May gusto lang sana akong itanong. Ah, I heard you family owns a restaurant... maybe you would want to-"

Hindi pa nga ako tapos sa sinasabi ay pinutol na agad niya ako.

"Wait, what? I'm sorry, Amanda but I can't hear you properly. I'm in... Ow! Wait up," I heard some noises from her background.

"Sorry 'bout that. I'm kinda busy today. Can you call some other time?"

"Oh, yeah... sure. Sorry sa abala-" Pinutol na agad ni Anicka ang linya.

I sighed. This won't work.

My classmate probably doesn't even care with their family's businesses. They would care when it's all about party and shopping but not business.

I tried researching something on the internet that might help me.

I search for good companies hoping it would help. Daddy was not from a wealthy family. Si Mommy naman ay anak ng isang mayamang negosyante sa probinsya. Pero ng dito na sila sa siyudad tumira at walang sinabi ang maliit na business nila Mommy kumpara sa malalaking kumpanya.

Daddy became a financial advisor, university professor and government employee before he entered politics. Doon nagsimulang umangat ang pamilya namin. Ako naman ay ipinanganak na stable na ang pinansyal na kalagayan ng pamilya. I only heard those stories from my Grandma.

"Sechan Dew Fortes Russo?" banggit ko sa pangalang pamilyar sa akin.

Sa kabilang school lang ito nag-aaral! Alam ko dahil popular siya sa mga babae. Mula siya sa mayamang angkan ng mga Russo at mayroon silang iba't ibang uri ng malalaking kumpanya.

He came from a definitely wealthy family. Son of Ciantiago and Solena Russo, and brother of Primo Alonzo Russo.

Almost all of their relatives own big companies here and abroad. Wow! I have never thought that they were this big. Yes, their popular at school because their name was very known but I never expected it was this much!

If we can ever got a partnership with them, or at least have them as one of our investors would definitely save our falling company.

This is it! Ito na ang sagot sa mga problema  ng pamilya namin.

Sechan Dew Russo is the key!

...

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now