Chapter 40

177 5 0
                                    

Chapter 40

"That you don't have to shower your friends with gifts," sagot ko sa tanong niya.

Well I can't blame him for doing what he's used to do to keep friends, that's his way. Maybe what I just want him to understand is that it is always about what you can give.

"But, nothing's wrong with that, right?" tanong niya ulit.

Nasa tapat na kami ngayon ng condo, ipinasok na niya sa basement ang sasakyan hindi gaya kanina na sa tapat lang siya naghintay. Kahit na nakahinto na ay hindi pa din ako bumababa.

"I agree, nothing's wrong with giving gifts. It is nice actually. But what I'm just trying to say is that even if you don't do that, true friends will stay. Dahil kung ayaw talaga nila sa'yo, kahit anong gawin mo... hindi mo sila mapipilit."

Alam na alam ko iyon... alam na alam.

"It should be give and take , you can't always be the one to give, mauubos ka... you need to receive, too."

Halatang naguguluhan siya. I think he already knew what I was trying to say, hindi niya lang pinagbibigyan ang sarili niya na pag-isipan ang mga 'yon.

Bukas-sara ang bibig niya. Hindi niya naman kailangang sumagot, naiintindihan ko siya.

"Thank you for driving me home, Paulo. Mauna na ako, please, take care."

Bumaba na ako. I can't imagine how in just one day, I was able to know a lot of things about him. The other side of Paulo Guttierez.

Hindi masyadong tinted kotse niya kaya nakikita ko pa din siya mula sa labas. Nakatitig lang siya sa manibela pero ng kumaway ako ay tumingin siya sa akin.

This a fun yet tiring day.

"I'm home," anunsyo ko ng makapasok na ako ng bahay.

Hindi naman ako nagtaka ng walang sumagot at sumalubong sa akin dahil malalim na din ang gabi at malamang ay mahimbing na ang tulog ng dalawa.

Nakapatay na ang ibang ilaw. Dumiretso muna ako sa kusina para uminom ng tubig. Napapikit pa ako habang ninanamnam ang pagdaloy ng tubig sa lalamunan ko. Pakiramdam ko kasi, sa dami at bigat ng mga pinag-usapan namin ni Paulo at mga nangyari sa event ay pagod na pagod ako. Hindi ko na ata kayang magshower pa bago matulog dahil sa tingin ko ay babagsak na ako sa pagod.

Iinumin ko na sana ang pangalawang baso ng tubig ng mapahinto ako dahil naramdaman kong parang may ibang tao. The light was dimmed so I can't see... I just feel such presence.

"Fely, you're still awake?"

No answer. Hindi naman ako natatakot dahil alam kong safe naman dito.

"Fely..." ulit ko dahil baka hindi niya lang narinig pero nang wala pa ring sumagot ay inisip ko na lang na baka wala naman talagang tao at dala lang ng pagod kaya ko inakala na meron.

Oo nga pala, nawala sa isip ko si Rafa. Nagpunta kaya siya dito kanina? At bakit kaya hindi niya sinasagot ang mga tawag ko?

Nag-aalala na din ako dahil nagsabi siya na susubukan niya akong sunduin pero ni hindi ko siya matawagan.

I dialed Auntie Roma's number. Naiisip ko din namang baka nakalimot lang si Rafa at nakauwi na ngayon at natutulog na but for me to have a peace of mind...

"Auntie, sorry for disturbing you at this hour..." I paused. Naririnig ko naman na parang nagising ko nga si Auntie.

"Hija, what is it? You need anything?" Medyo inaantok pa niyang tanong.

I was about to speak when I heard uncle's tough voice on the background.

"Sino ba 'yan? Gabing gabi na." Si uncle.

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now