Chapter 29

165 3 0
                                    

Chapter 29

Kasama naming naglilibot sa gallery si Jeremiah at ang pamangkin niya. Halos hindi sila mapakali sa pagbuhat sa bata na nalaman kong Grezalio pala ang pangalan.

"Thank you very much, hija for your time. Natutuwa akong makita kang muli," sabi ni Mrs. Amoroso tapos na kasi silang pumili ng ireregalo kay Ramona.

"Wala pong anuman, trabaho ko din naman po ito. Ipapadala na lang po sa bahay niyo ang painting," magalang kong sagot.

Tumango-tango naman sa akin si Mr. Amoroso, bahagya akong yumuko sa kaniya.

Hindi na ako sumama sa kanila sa labas. Si Jeremiah na lang ang maghahatid sa kanila hanggang sa sasakyan. Kasama na din nilang uuwi si Grezalio.

May isa pa akong in-assist pero saglit na sagit lang ito dahil nakapili na naman siya at may ilang tanong lang.

Umakyat na ako at pabalik na sana sa opisina ko ng mabilis na hiniklat ni Jeremiah ang braso ko kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Oh my-" Nagulat ako sa biglaan niyang paghila. Muntik na tuloy akong sumubsob sa dibdib niya.

Ngayon ko lang din halos sila nakita ulit. Mayroon ata siyang ginagawang pelikula kung kaya mas madalas siyang wala rito.

Amuy na amoy ko ang hininga niya halos malulong na ako dito. Nakakaramdam din ako ng panlalambot ng tuhod dahil sa sobrang lapit niya sa akin mabuti na lang at hawak niya ako.

Mali ito... pero para na naman akong hinihingal sa bilis at lakas ng kabog ng dibdib ko.

Mali ito... pero habang tumatagal... may nakukumpirma ako sa sarili ko.

Mali ito. Hindi maaari!

Tinulak ko siya. Malakas na pwersa ang ibinigay ko sa tulak na iyon pero halos hindi man lang siya napaatras. Napatingin siya sa kamay kong nasa tapat pa din ng dibdib niya dahil sa panunulak ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng hawakan niya ang kamay ko!

"Ano bang ginagawa mo?!" Hinila ko ang kamay ko.

Napatigil naman siya saglit at lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya mabilis ko itong nabawi.

Napapikit ako. "I-I'm sorry, nagulat lang ako. N-Naka-alis na ba ang p-parents mo?" Hindi ko mapigilang mautal dahil sa kaba.

Mabibingi na ata ako sa lakas ng kabog ng puso ko.

Nalulunod na ako sa sobrang lapit ng mukha at lalim ng titig niya sa akin. Punong-puno ng mga emosyon ang mata niya pero wala akong mabasa kahit isa.

"Why did you cried?"

Nagulat ako sa tanong niya.

"M-Me? I-I didn't!"

"Liar."

My lips trembled.

Bakit ba kasi nasa akin ang tingin niya kanina. Nahihirapan pa tuloy akong magdahilan ngayon.

"Napuwing lang siguro ako kanina," and of course, the undying napuwing excuse!

"Siguro? So, you're not sure."

"I am sure!"

"Just tell my why," aniya.

Hindi niya ata ako tatantanan. E, ano naman ba sa kaniya kung umiyak nga ako. Wala din naman siyang pakialam na doon. Pero hindi ko din naman magawang sabihin sa kaniya iyon.

Dahil ayoko man... nagugustuhan ko pa din ang pakiramdam na may paki-alam siya sa akin. This is wrong!

Amanda Setchel, you're pushing yourself into the cliff!

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now