Chapter 3

241 4 2
                                    

Chapter 3

"It's fine. Ako na ang bahala," singit sa amin ni Sechan. Ngayon ko lang nalaman na pati pala ang boses niya ay maganda din. Lalaking lalaki.

No, hindi pwede. Ito na ang pagkakataon ko at hindi ko ito pwedeng sayangin pa.

Siya ang sagot sa mga problema namin at gagawin ko ang lahat para matulungan niya ang pamilya ko.

"No, its on me. We're at fault," pamimilit ko.

Kung kanina doon sa judge ay kakainin muna ako ng lupa bago umamin na kasalanan ko ang nangyari, ngayon naman ay halos magmakaawa ako para lang tanggapin ni Sechan Russo na kasalanan namin ito.

Hindi pupwedeng matapos lang ng ganito ang pagkikita naming ito. Ngayon pa na ang tadhana na ang naglapit sa amin.

"It's really alright. Medyo nagmamadali rin ako kaya..." he didn't continue but I get what he's to say.

He wants to end this interaction immediately!

Medyo nagpanic ako doon pero mabuti na lang at agad akong nakaisip ng paraan.

"Okay then, but I want to pay you still. Maybe a lunch or something?" I asked confidently even when I feel like stammering.

I admit, he's really drop dead gorgeous man. Lalo na kapag ganitong malapitan.

Pero kung pagwapuhan lang ay hindi din naman papahuli iyong judge kanina. Pareho silang gwapo kahit na magkaiba ang mga festures nila. The judge's features are more angelic and soft than this Russo.

Oh damn! Ipinilig ko ang ulo ko. Bakit ba naiisip ko pa ang lalaking iyon?

Itong lalaking kaharap ko ang kailangan ko. Dahil siya ang makakatulong sa problema ko.

"You don't have to."

"I insist. You time," pangungumbinsi ko. Sige na Sechan... pumayag ka na.

"Fine. Tomorrow, Bistro Capital, twelve noon," sagot niya na halos magpatalon sa akin.

Pinigilan ko ang sarili na mapalaki ang ngiti dahil sa pagpayag niya. Hindi niya pwedeng mahalata na may iba pa akong balak.

This playboy here needs to fall to my bait.

"Sure!"

Kahit na nasa sasakyan na ako pauwi ay hindi pa din mawala ang ngiti ko. Sa wakas, nagkita na din kami ni Sechan Russo!

Pagkauwi ay mamimili agad ako ng magandang damit na isusuot para bukas.

Inisip ko pa bago ako matulog kung ano ang mga sasabihin ko kay Sechan. Hindi ako maaaring magkamali. I'm doing this for my parents, and I won't fail them.

Maganda ang mood ko umagang umaga. Pakanta-kanta pa ako habang naghihintay ng tamang oras para mag-ayos na. Ibang-iba sa mood ng mga magulang ko ng saglit na umuwi para kumuha ng damit at iilang papeles na gagamitin sa panibago na naman nilang lakad.

Momm, Daddy, hintay lang po. Tutulungan ko kayo at nakita ko na ang solusyon sa ating problema.

Maaga ako sa naging usapan. Syempre, dahil ako naman ang may kailangan sa kaniya kahit na hindi niya alam.

"Hi, kanina ka pa?"

Napatayo ako ng marinig ko na ang boses ni Sechan Russo.

"Hi! Hindi naman. Halos ngayon lang din," sagot ko kahit na totoong medyo kanina pa ako. Hindi naman siya late, sadyang maaga lang ako.

"Let us order first? I suggested.

"Yeah, sure."

Bahagya kaming nag-uuusap hanggang sa dumating ang mga pagkain.

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now