Chapter 25

169 5 0
                                    

Chapter 25

I can't focus because of all Janna's stories to tell. And I can't focus as well whenever I would remember Jeremiah's eyes this morning.

Nagulat ako ng pagharap ko ay bumungad sa akin si Jeremiah na nakasandal sa kaniyang kotse. Bakit hindi pa siya pumapasok sa loob? Ilang minuto din siyang naunang umalis sa amin kanina.

"I see, you're happy." Pagkasabing-pagkasabi niya noon ay sinabayan niya na agad ng alis. Hindi papasok sa gallery kundi papaalis sa lugar.

Naiwan akong nakatayo doon kasma ang usok na iniwan ng sasakyan niyang humarurot na paalis. "Problema 'nun?"

May nagawa ba akong mali? Parang galit sa akin, eh. I see... you're happy... ano naman sa kaniya kung masaya nga ako? Nagagalit siya dahil masaya ako? Ang labo naman ata 'non?

Idagdag pa si Janna na balak ata akong gawing walking diary. Ilang oras pa lang akong nakaupo sa swivel chair ko at dumating na din si Janna at mula kanina ay hindi pa siya tumitigil sa pagsasalita. Bilib din naman ako sa kakayahan niyang ma-maintain ang usapan kahit na bilang lang sa daliri ang mga naisasagot ko sa kaniya. Mas mainam nga lang sana kung medyo tatahimik siya para mas madaling makapagfocus.

Sa tagal ko na ding naging trabaho ang pagiging curator sa gallery ay parang ngayon pa lamang ako na-distract ng ganito.

"Miss Janna." May pumasok na staff at sumenyas kay Janna na lumabas.

Salamat naman at nagkaroon ako ng katahimikan. Wala naman akong naintindihan sa mga kwento niya dahil bukod sa hindi ako interesado ay abala din ako dahil gusto kong madami agad ang malaman ko tungkol sa gallery na ito. Mas magiging madali kasi ang trabaho ko kung magiging pamilyar ako sa mga bagay na nandito.

I'm scanning and skimming all the files I have. Pero siyempre ay hindi naman pwedeng puro files lang.

Inipon ko ang tatlong maninipis na folder na naglalaman ng pictures ng mga painting at pangalan ng mga artist nito. Lalabas ako at mag-iikot sa library para personal na makita ang lahat.

Even when I'm already used into seeing lots of magnificent masterpiece, there were still times that I just can't help but to get awe.

I tried painting too, I actually attended art class pero nakakatatlong session pa lang ay naramdaman ko na agad na hindi iyon para sa akin.

Sometimes, that's just it. One was born to make and another one to appreciate. Balanse lang.

Napahinto ako sa tapat ng isang painting na unang beses ko pa lang nakita.

It's a picture in all gloomy hues. It isn't abstract. The only light color in the whole painting was very visible, the moon. It is shining on top of a hill and below the moon was a recognizable tree in its shadow form. But most of all, underneath the tree is a back of a man. Nakatayo lang at nakatitig sa buwan. Hindi nga nakikita ang mukha niya pero dahil nakatalikod siya at tila nakaharap sa buwan ay inisip ko ng iyon nga ang tinititigan niya.

Ang ganda.

Even in its gloomy colors my heart can't help but feel happiness while starring at it. Hindi ko din maintindihan kung bakit parang may kung ano itong mensahe para sa akin. It wasn't abstract but it is also not direct to ths point. Habang tumatagal mas nahuhumaling ako dito pero mas lalo ko din namang hindi maintindihan.

Baka naman wala naman itong malalim na ibig sabihin at pinapahirapan ko lang ang sarili ko na mag-isip. Pwede naman talagang pinapakita lang noon na dapat at marunong mag-appreciate ang mga tao sa kagandahan ng kalikasan.

Underneath...

That is the name of the painting. Napakunot ang noo ko. Nasa itaas ng burol ang tao at ang buwan maging ang puno. Ang nasa ilalim nito ay puro itim na pintura na lang na humuhubog sa burol. Tinitigan ko pa ito ng mas malapit baka sakaling may nakatago pa lang larawan sa itim na bahagi pero wala naman.

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now