Chapter 23

166 6 0
                                    

Chapter 23

Para akong hinahabol ng kung ano ng makapasok ako sa bahay. Malakas pa din ang kabog ng dibdib ko.

"Ay, baby andiyan na si Mommy mo!" I heard the bubbly voice of Fely. Kasunod niya ay si Jerico na tumatakbo na papunta sa akin.

Napahinga ako ng malalim.

"Hey, boo boo bear," I hugged my son. Grabe, na-miss ko agad ang anak ko.

"Kanina ka pa po niya hinahanap, ate," ngumiti ako kay Fely. "Salamat sa pag-aalaga kay Jerico."

"Naku, ate ang bait nga po niya, e. Hindi naman mahirap alagaan.

"Ate, may dumi 'yang palda mo. Baka nadikit ka kung saan puti pa naman," ani Fely.

Napatingin nga ako sa skirt na suot ko at may mantsa nga ang puting tela nito. Nakuha ko siguro ng yumuko kami sa restaurant. Hindi naman masyadong madumi. Halata lang dahil puti ang tela.

"Ah, may nangyari lang kanina."

Bigla na lang pumasok sa isip ko ang pwesto namin kanina, kung paano ako niyakap at tinakpan ni Jeremiah. Parang naramdaman ko ulit ang init ng katawan niya kahit kanina pa iyon nangyari.

"Ah, laban ko po bukas?"

"Hindi na, Fely. Mag-papalaundry na lang tayo."

Niyaya ko na sila sa sala at nang makaupo na ako ay saka ko lang naramdaman ang pagod. Gusto ko sanang magpahinga pero nang makita ko ang nakangusong si Jerico ay hindi ko yata kayang tiising huwag makipaglaro sa kaniya.

Kinarga ko si Jerico pero ilang segundo lang ay bumaba na agad siya at kinuha ang laruan niya at inabot sa akin. Napangiti ako.

Inabot kami ni Jerico ng ilang minuto sa paglalaro. Kung hindi pa kumulo ang tiyan ko ay hindi ko pa ma-aalala na hindi pa nga pala ako kumakain.

"Fely, may pagkain pa ba tayo diyan?"

Although I doubt it. Ang text ko kasi sa kaniya kanina ay huwag na akong idamay sa ihahanda niyang dinner dahil kakain ako sa labas. Pero dahil sa nangyaring insidente ay hindi kami nakakain ni Jeremiah.

"Naku, ate. Hindi ko po kayo naisahog akala ko po kasi hindi kayo dito kakain," sagot ni Fely.

"Ayos lang. Ako din naman ang nagsabi."

"Bakit ate, hindi ba masarap dun sa kinainan niyo? Ay nako, nakapanuod nga ko ng palabas. 'Yung mga ino-order sa restaurant ng mga mayayaman ang mamahal pero ang unti naman. Sayang ang pera." Natawa ako sa sinabi ni Fely, may punto naman siya.

"Hindi lang kasi ang pagkain ang binabayaran dun, Fely. Pati na din ang iba pang services nila like the security and the privacy." Pakiramdam ko ay nangangaral ako sa nakababatang kapatid na kahit kailan ay hindi ko naman naranasan.

"Kung sabagay, ganun nga siguro. Pero kami mas pipiliin naming ilaan ang pera sa ibang bagay."

"May punto ka din naman, Fely."

"Gusto mo bang magluto ako, ate?"

"No, h'wag na Fely. Magpapadeliver na lang ako.

The doorbell rang. Si Fely ang tumayo para pagbuksan kung sino ang papasok pero pwede pinigil ko siya.

"Ako na, Fely. Paki-ligpit na lang ang mga kalat ni Jerico."

Baka kasi si Rafa din iyon. Magpapasama na lang akong kumain sa baba.

Pero hindi ko inaasahan na si Jeremiah ang mabubungadan ko pagkabukas ko ng pinto.

"W-What are you doing here?"

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now