Chapter 48

172 5 0
                                    

Chapter 48

"Tuloy kayo," ani Mrs. Amoroso... Tita Doris... Mommy?

Hindi ako kumportableng tawagin siya ng ganoon. Noong unang bisita namin sa kanila ay sinabi niyang Mommy ang itawag ko sa kaniya at Daddy naman sa kaniyang asawa at muntik na akong mabulunan.

Mabilis akong binigyan ni Jeremiah ng tubig at napakamot siya sa kaniyang ulo.

"Why?" nagtatakang tanong ng mommy niya. "Jeremy, don't tell me..."

"Hindi ko alam na napakabagal mo pala, anak," sabi naman ng daddy niya.

Pulang-pula naman ang mukha ko at hindi na magawang tumingin pa sa kanila. Napansin ako si Mrs. Amoroso kaya nagsalita siya. "O'sya, sige, kung mas kumportable ka ay tita at tito na lang muna. Saka na ang mommy at daddy," natutuwang sabi niya at kunwari ay nagtatampo pa.

Ngayon ay bumisita ulit kami sa kanila. May inaasahan akong makita ngayon pero ng makita ko silang sumasalubong din sa amin ay halos hindi ko na maihakbang ang mga paa ko.

"Amanda..." si Ramona.

Sumunod siya sa mga magulang niya na sumalubong sa amin at nakita ko namang nakaupo sa sofa si Sechan Russo habang karga-karga din ang baby nila at nakatingin sa amin.

Hindi ko alam kung paano ko sila kakausapin. We have a very bad past and I don't think I deserve their warm welcome.

"Kuya," humalik at yumakap din siya sa kapatid.

Nakangiti si Ramona sa akin pero hindi ko magawang ngumiti pabalik. Kinuha ni Tita Doris si Jerico at bumalik na sila sa sala maliban kay Ramona. Tumingin ako kay Jeremiah para tahimik na humingi ng tulong. Kagaya ng kapatid ay ngumiti din siya sa akin.

"Tapos na iyon, hindi mo na kailangang mag-alala pa," biglang wika ni Ramona at hinawakan ang mga kamay ko. Hindi ko namalayang nasa likod na din pala niya si Sechan.

"Ms. Vicencio... Amanda," si Sechan.

Bahagya akong natawa. Dati kasi ay hindi ko matanggap na kahit matagal na kaming magkakilala ay palagi niya pa rin akong tinatawag ng miss imbes na ang pangalan ko lang. Somehow, that was painful to me for not being called casually by whom I thought I was closed to. Pero ngayon, halos isang malayo at malabong alaala na lang ang lahat.

Hindi ko akalaing sa ibang pamilya ko pa mararamdaman ang pakiramdam ng pagiging tanggap. Masaya at magaan sa pakiramdan na kung sino pa ang mga taong labis kong nasaktan noon ay ganito ako kung tanggapin ngayon.

Naiwan kami ni Ramona sa may garden nila. Naliligo sa pool ang mag-aama at gayon din ang mga magulang nila Jeremiah.

"To be honest, I wasn't that shocked when kuya told me about you. Mas nagulat akong malaman na may pinsan na pala si Grezalio," she said. Grezalio is her child.

"Huh?" nagtataka kong tanong.

Ngumiti siya sa akin bago sumagot. "I have no idea before you left. Naikwento ko kay kuya na sinabi ng mga magulang mo na aalis ka ng bansa at nagulat ako sa naging reaksyon niya," bahagya siyang tumawa sa sariling kwento.

"Halos alugin niya ako para lang malaman kung saan ka nagpunta." Napansin naman niya na naguguluhan pa din ako sa mga sinasabi niya.

"Ah, hindi mo pala alam. Kinausap kami noon ni Sechan ng parents mo. Nabanggit nila na aalis ka nga daw ng bansa pero hindi naman nila sinabi kung saan at hindi din naman namin naitanong," paliwanag ni Ramona. Napatango naman ako.

She's so beautiful. Even after birth she still manage to maintain her body on its original shape. She's glowing, making it very obvious how happy she is with her marriage with Sechan.

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now