Chapter 5

194 3 0
                                    

Chapter 5

I was very happy when I got home and my parents were very proud of me.

"Darling, I don't know how to thank you for your help!" masayang salubong sa akin ni Mommy pagkapasok ko pa lang sa aming sala.

Malaki ang ngiti ko na isinalubong sa kanila ni Daddy.

Daddy even patted my shoulder, very happy with I did.

"Thank you, hija. Hindi namin alam na kakilala mo pala ang anak ni Santino," wika ni Daddy. Santino Russo, siya ang tatay ni Sechan.

"Opo, ngayon po ay magkaeskwela na kami," paliwanag ko.

Nanliit ang mga mata ni Daddy sa akin. Hindi ko alam kung bakit.

"Tell me hija, boyfriend mo ba ang batang 'yon?" tanong ni Daddy na nagpagulat sa akin.

Pero kung sa bagay, iyon ang kumakalat sa eskwelahan at hindi imposible na malaman nga iyon ni Daddy. Pero hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Daddy.

Hindi lang kasi siya nagtatanong. He looks hopeful too for a positive response.

"Fernando, nahihiya na ang anak mo, ano ka ba!" medyo natatawang suway ni Mommy.

Awkward akong ngumiti kay Daddy. Gusto ko sana na makalimutan na niya ang kanyang tanong pero mukhang desidido siyang makakuha ng sagot mula sa akin.

"Ano ka ba naman, Mercedes. Dalaga na ang anak natin at normal lang naman iyon. Pero nakakatuwa kung isang Russo ang magugustuhan niya. Siguradong tatatag hindi lang ang ating negosyo kundi pati ang ating pangalan!" deklarasyon ni Daddy.

He is thinking way beyond!

Wala ng nagawa ang pagpigil ni Mommy kay Daddy. This is the first time he asked me that kind of question. At base na din sa sinabi niya ay alam ko kung ano ang gusto niyang isagot ko.

I am torn of being honest and not make him unhappy. Maging si Mommy ay kuryoso na din ata dahil nag-aabang na din sa sagot ko.

In the end... "G-Gusto ko po siya. Gusto ko po si Sechan Russo!"

Napapikit ako pagkasabi ko noon.

Hindi ako sigurado sa sarili kong sagot. Pero maibibigay ni Sechan ang mga kailangan namin. Their family was strong enough to lend a little help to ours. At kung magtutuloy-tuloy ang magandang samahan ng pamilya ko sa pamilya niya, ibig sabihin ay kasiyahan para sa mga magulang ko.

And that is what I want! I want my parents to be happy... and proud of me.

So yes. I like him! Gusto ko si Sechan Russo.

Siya ang katuparan ng pangarap ko. Kaya gagawin ko ang lahat... 'wag lang siyang mawala sa akin.

Sa eskwelahan, palagi akong sumasama sa grupo ni Sechan. Noong una ay madami pa kami hanggang sa naging iilan na lang at kami na lang dalawa ang madalas na nagkakasama.

"Sec, may bagong bistro sa malapit, gusto mong subukan natin mamaya?" tanong ko kay Sechan habang sabay kaming kumakain ng lunch. Naabutan ko siya dito sa cafeteria at tumabi ako sa kaniya.

I did that to also shoo away the girls that was trying to strike a conversation with him.

Sa palagay ko ay mahihirapan ako doon. Sechan's very popular at marami din ang may gusto sa kaniya.

Habang ako, heto at palaging nangangamba na baka isang araw ay may umagaw sa kaniya sa akin.

"May lakad ako mamaya, miss Vicencio. Sa iba ka na lang siguro magpasama."

No! Kaya ko lang naman gustong puntahan iyon ay para makasama siya.

I want him to be curious of me. I want him to get to know me better.

"Bukas?"

"I'm not sure, miss Vicencio."

"Why? Saan ba kasi ang lakad mo mamaya?" tanong ko. Baka naman pwedeng kanselahin na lang niya iyon.

"I'll check something in the company," animo'y tamad na sagot ni Sechan.

I need to try harder....

"Wala na akong gagawin after calss. Maybe I can go with you?"

Tinatanong ko siya pero napansin ko na may tinitignan siyang iba. Hindi siya agad nakasagot sa tanong ko. Sinundan ko kung ano ba ang tinitignan niya..

I traced his line of vison and it ends up with a girl. The girl in the cafeteria! Ano nga ulit ang pangalan niya?

"Hope!" may tumawag na lalaking kaeskwela doon sa babae.

Tama, Hope nga ang narinig kong pangalan niya.

"Sec..." tawag ko sa kaniya. Hindi niya ako nilingon.

"Sechan..." tawag ko ulit. This time at tumingin na siya sa akin saglit pero agad ding ibinalik ang tingin niya kay Hope.

"Yes, miss Vicencio?" he asked. I got offended a little bit when he asked me that while looking at Hope.

This isn't good.

Sa mga sumunod na araw ay ganoon pa din. Lagi siyang distracted kapag nasa malapit si Hope at hindi ko na nagugustuhan iyon.

I don't hold any personal grudge towards her but I can't help but be insecure with the attention Sechan is giving him.

Yesterday we went to the Russo's house for a lunch but Sechan wasn't there. Her mother, Tita Sophia told me that he went to the mall to buy something.

Napapraning na ata ako. Sa tuwing lumalabas si Sechan ay gusto kong kasama niya ako. Natatakot ako na baka may kung sino ang lumapit sa kaniya at maagaw siya sa akin. Hindi ako makapapayag na makawala siya sa hawak ko.

Nagpaalam agad ako sa kanila at sumunod sa mall na pinuntahan ni Sechan. Simula noong naging malapit kami sa mga Russo ay mas lumuwag din ang pagbabantay sa akin nila Daddy. Mas madalas na akong makalabas kung may pupuntahan ako.

Nag-init ang dugo ko ng pagdating ko sa mall ay nakita ko rin si Hope!

Ayoko sanang awayin siya pero kailangan ko siyang patigilin sa ginagawa niya.

Ilang beses ko nang napapansin na sunod siya ng sunod sa amin ni Sechan... kay Sechan to be exact.

Naiinis ako dahil nakikita ko na distracted si Sechan pagdating sa kaniya. He may not realize it but the way he treats her was very different with the way he treats me.

News about our engagement has been spreading everywhere. Lalo na dahil ng narinig iyon ng mga magulang ko ay sobra silang natuwa at hindi na pinabulaanan pa iyon kahit na hindi naman totoo. Bagkus ay dinagdagan pa nila ng gatong ang mga kumakalat na balita.

Ilang beses ko na din silang narinig na binuksan ang paksang iyon sa harapan ng mga Russo.

The Russo's were quiet about it though. Bagay na hindi ko inasahan. Ang akala ko ay agad silang magpapainterview para pabulaanan ang kumakalat na balita pero mukhang hindi nila ugali iyon.

For someone who were on the spotlights, they were unusually quiet.

And one night in one of the Russo's event for another mile of success in their business, it was slapped on my face why Sechan's treatment to me is different.

...

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now