Chapter Thirteen
Ella’s
Nakapangalumbaba ako sa table habang naghihintay na bumalik si Cedric. Um-order siya ng ice cream namin and obviously, nasa isang ice cream parlor kami.
While waiting, iniisip ko pa din yung tungkol sa birthday party na ipinilit ni Mommy at ung sinong Poncio Pilato na nag-sponsor sa birthday ko. Wala akong idea kung sino siya at kung bakit siya nag-sponsor sa birthday ko. At kung tutuusin, hindi ko kailangan ng sponsor!
Nagkukuripot na ba ngayon ang parents ko at nagpa-sponsor pa para sa birthday party ko?! I can’t believe it! But I think, it has something to do with our business.
Oh... whatever! Bahala sila party for animal na gusto nilang mangyari. Magpapakita lang siguro ako doon pero hindi ako magtatagal.
“Here.”
Napaangat ang tingin ko sa naglapag ng ice cream sa sa harap ko at malamang na si Cedric ang nakita ko.
Tipid akong ngumiti sa kanya. “Thanks.”
Yumuko ulit ako doon sa ice cream at kinuha ko ang kutsara noon saka ako sumubo. After that, pinaglaruan ko na lang yung ice cream using the spoon, still thinking about my up coming birthday party kahit na ayaw ko nang isipin, hindi ko pa din mapigilan.
“Ella,” tawag sa akin ni Cedric.
“Hmm?” Sumubo muna ulit ako ng ice cream bago ako nag-angat ng tingin.
“Don’t you really want a birthday party?” he asked.
Tiningnan ko lang siya, thinking why the hell he is asking that when he already knew the answer to his question? Does he really want me to answer that?
Oo, napatawad ko na siya pero hindi ko pa din naman makakalimutan kung ano ang nangyari noon. I only forgive and I don’t think I could forget.
“I will be there,” wika niya habang mataman na nakatingin sa akin
I just smiled, a faint one.
Pagkatapos noon ay hindi na ulit kami nag-usap hanggang sa matapos na kaming kumain ng ice cream.
Hay... bakit pa kasi nauso pa ang birthday? Sa totoo lang, ayoko na talagang nagse-celebrate ng birthday ko simula noong mangyari yung sa eighteenth birthday ko. It was a big disappointment to me at ayoko nang maulit pa iyon.
Nag-ikot pa kami sa loob ng mall nang hindi gaanong nag-uusap. Naglalakad lang kami at hawak niya lang ang kamay ko sa buong pag-iikot namin. Ni minsan hindi niya ako binitawan.
Paminsan-minsan siyang nagtatanong at sumasagot din naman ako. Pagkatapos, wala na, tatahimik na lang ulit kami.
Mahirap din pala na magsimula ulit. Pareho kaming medyo nagkakailangan. But I wish na sa mga susunod na araw, mawala na yung ilang na 'yon at maging kompotable kami sa isa’t-isa ulit katulad ng dati.
Seven years... seven years kaming hindi nagkasama at ayoko nang may masayang pa na panahon para sa amin.
I want to be with him... always.
Sana lang talaga, this time, hindi na masayang kung ano man ang nauumpisahan namin ngayon.
Hindi na ako hihiling ng kahit ano sa kanya, basta nanriyan lang siya palagi at hindi na ulit ako iiwan. I won’t make him promise me anything basta huwag lang ulit siya mawalala na parang bula.
Dahil parang hindi ko na kakayanin kapag nangyari ulit 'yon.
“Elly,” tawag sa akin ni Cedric na pumutol sa mga iniisip ko.
BINABASA MO ANG
♡ The Promise ♡
RomanceHe promised me two things. Pero una pa lang, sinira na niya ang pangako niya. Aasahan ko pa bang tutuparin niya ang pangalawa? ~~~o~~~ Facebook Page: https://www.facebook.com/LoveLeeWP ALL RIGHTS RESERVED. Reproduction or usage of this work in whole...