Chapter Two

5.3K 143 29
                                    

Chapter Two

After more than four years..

<Ella's POV>

Yay! Grabe! Excited na ako sa darating kong eighteenth birthday. ^___^ Excited ako hindi dahil sa party ko. Excited ako kasi simula sa araw na 'yon, liligawan ako ni Cedric at sasagutin ko agad siya! HAHAHAHAHA!

Kung naghintay siya sa 'kin, aba.. naghintay din naman ako. Kaya bakit ko pa patatagalin? Gano'n din naman ang mangyayari, pinapaaga ko lang. :))

Sa huling pagkakataon tiningnan ko ang repleksyon ko sa salimin. Napangiti ako sa nakita ko. Hindi na ako 'yong batang Ella na ayaw patulan ni Cedric. Dalaga na ako! At sigurado akong bagay na bagay na kami ni Cedric ngayon.

Lumabas na ako ng kwarto para babain si Cedric. Pupunta kami ngayon sa shop ng ninang ko, na pinagpatahian ng gown ko at tuxedo ni Ced para sa debut ko. Actually, si Cedric ang pumili no'n para sa 'kin at ako naman ang pumili ng tuxedo niya. O, di ba, ang sweet? Ahihihihi.

Yeah, siya ang partner ko. Sino pa bang inaasahan niyo? Eh, siya lang naman ang gusto kong kapareha sa lahat ng bagay. Noong high school nga ako, kapag JS prom namin, hindi ako nakikipag-partner sa iba. Okay lang sa 'kin kahit wala akong escort, kasi wala naman akong ibang gusto escort kundi si Ced. Kaso hindi naman pwede kasi college na siya noon.

Pagbaba ko sa sala namin, nakita ko agad si Ced na nakaupo at nagbubuklat ng magazines sa sofa. Napangiti na naman ako. Mas lalo kasi siyang gumagwapo. Parang ako lang, mas lalong gumanda. Hehehehe. v^___^

Nang mapansin niya ako sa baba ng hagdan, isinara at binitawan niya 'yung magazine at saka siya tumayo.

"Ella, ang tagal-tagal mo naman." sabi agad ni Cedric na halatang nainip talaga siya kakahintay sa ''kin.

Nakasimangot pa siya. Ang bugnutin talaga. Pero kahit ganyan siya alam ko naman hindi talaga 'yan naiinis sa 'kin at kahit gaano pa ako katagal, hihintayin niya pa din ako.

Nginitian ko siya at lumapit ako sa kanya. "Tara na, ang sungit mo na naman, eh." Kumapit ako sa braso niya.

Hindi na siya nagsalita, naglakad na kami palabas ng bahay.

**

"Ella, naku! Ang ganda-ganda mo talagang bata ka. Inaanak nga talaga kita." salubong sa 'min ng baklang may-ari ng shop na ninang ko din.

"Thanks, Ninang.. siyempre nagmana ako sa 'yo." Nagkipagbeso-beso ako sa kanya at pumasok na kami sa loob ng shop.

"At ang gwapo-gwapo ng soon to be boyfriend mo." sabi pa niya na nakatingin kay Cedric.

Nag-iwas naman si Cedric ng tingin. Ayaw niyang pinupuri siya kasi nahihiya siya. Ewan ko ba d'yan. Totoo naman 'yung sinasabi ng mga tao sa kanya pero parang hindi siya naniniwala.

"Ninang, tara na po sa loob. Gusto ko na makita 'yung gown ko." aya ko na sa kanya bago pa lalong mahiya si Cedric.

♡ The Promise ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon