Chapter One

9.1K 183 9
                                    

Chapter One

Cedric's POV

Aist! 'Kainis naman 'to si Ella. Ayaw pang umuwi! Gabi na kaya!

Nandito pa rin kami sa park ng subdivision. Kung hindi lang ako nag-aalala sa kanya, iniwan ko na siya, eh. Ang tigas kasi ng ulo.

"Ella, umuwi na tayo," aya ko sa kanya for the nth time. Nakakainis na talaga!

"Ayoko nga sabi! Kung gusto mo ng umuwi, edi umuwi ka!" Kung gaano ko karaming beses siyang inaya umuwi, ganoon din karaming beses niya ako sinagot ng ganito.

Nakakapikon talaga itong batang 'to! Napakatigas ng ulo! Paano pa kaya kapag lumaki pa siya? Baka kahit parents niya hindi na niya sundin.

Wala akong magawa kundi mag-stay dito kasama siya. Kasi nga baka kung anong mangyari sa kanya kapag iniwan ko siya. Kunsensiya ko pa.

Nakaupo lang siya sa swing habang ako nandito nakaupo sa kalapit niyang bench. Mukhang wala pa talaga siyang balak umuwi.

Nangangawit na puwit ko kauupo rito sa bench, makahiga na nga lang. Ginawa kong unan ang isa kong braso at ipinangtakip ko naman ang isa ko pang braso sa mata ko.

"Hoy, Cedric! Tumayo ka nga d'yan!" bigla na lang sigaw ni Ella.

Anak naman ng megaphone 'tong batang 'to, o! Ang lakas ng boses! Hindi ko siya pinansin at nagtulug-tulugan na lang ako kaysa sitahin ko siya.

Narinig ko ang pag-ingit ng chain ng swing. Tumayo yata siya dahil nakarinig din ako ng mga hakbang na palapit sa akin.

"Hoy, Cedric! Hindi ka ba talaga tatayo?!" sigaw na naman niya.

Tsk! Bahala siya! Kung kanina pa kami nakauwi, edi sana ang sarap na ng higa ko sa kama ko ngayon. Baka naghihilik na rin ako.

Tumahimik rin naman siya kaagad nang hindi ko siya pinansin. Mabuti naman. Ang sakit kaya sa tainga ng mga sigaw niya. Gabi na pero ang hyper pa rin ng boses niya. Nakakabulabog sa mga tao.

Maya-maya ay tahimik pa rin. Nakikiramdam naman ako dahil baka bigla na lang siyang umalis at hindi ko alam kung saan magpunta. Mas lalo akong mahihirapan kung makikipagtaguan siya sa akin.

Maya-maya pa ulit aymay narinig akong pagsinghot at kasunod niyon ay ang sunud-sunod na paghikbi. Napadilat at napabangon naman ako.

Bakit bigla na lang umiyak itong batang 'to? Wala naman akong ginawa, ah? Nananahimik na nga ako at siya nga itong naninigaw, kanina siya pa ang may ganang umiyak?

Aist! Napaka-annoying na bata!

"Ella, ano na naman ba? Hindi na nga kita pinipilit umuwi, 'di ba? Bakit ka umiiyak?" mahinahon kong tanong. Pinilit ko talagang huwag magmukhang galit ang boses ko kahit asar na asar na ako. Baka kasi lalo lang siyang mag-tantrums.

Napapabuntong-hininga na lang ako dahil hindi ko maisip kung paano ko siya napagtitiisan. Daig ko pa ang yaya na nag-aalaga ng sutil na paslit kung makapagpasensiya ako sa kanya.

Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang siya sa pag-iyak. Noon ako lumapit sa kanya at itinayo ko siya mula sa halos pagkakalumpasay niya sa ground. Hindi naman siya nagpumiglas at tumayo rin siya.

Hay... parang bata talaga.

"H'wag ka na ngangumiyak. Para ka namang bata, eh," pagpapatahan ko pa sa kanya.

"Bata pa naman talaga ako, eh! Kaya nga ayaw mo akong ligawan, 'di ba? Kasi sabi mo, bata pa ako!" Sigaw na naman niya sa pagitian ng kanyang mga hikbi.

♡ The Promise ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon