Chapter Ten

3.8K 96 5
                                    

Chapter Ten

Ella’s

Hindi ako maka-get over sa mga narinig ko kay Cedric kagabi at lalo na sa nakita kong pag-iyak niya sa harapan ko.

Ganoon ba ako ka-selfish dati? Or dati nga lang ba ako selfish o hanggang ngayon selfish pa din ako?

Oo, totoo yung sinabi niya na kahit minsan hindi ko naitanong sa kanya kung ano bang gusto niya sa buhay noon. Because I am so happy and contented with him and I couldn't even ask for anything basta nasa tabi ko lang siya palagi.

Hindi ko naisip na may iba pa siyang gusto maliban sa akin. LOL! Malay ko bang may ambisyon din siya sa buhay? Akala ko, hindi uso sa kanya yun.

Oh, well... mukhang natupad naman na niya kung ano man yung gusto niya sa buhay. So, hindi ko na siguro kailangang ma-guilty. Bakit naman kasi hindi siya nag-volunteer na sabihin na lang sa akin?

Ewan ko talaga sa iyo, Cedric! Binigyan mo na naman ako ng sleepless night!

Bangag na naman ako ngayon dahil hindi ako nakatulog sa kakaiyak.

Ewan ko nga din sa sarili ko kung bakit kailangan ko umiyak buong gabi. Akala ko ba, wala na akong pakialam sa kanya?

Mukha lang akong tanga. Parang kinain ko lang yung sinabi kong 'yon.

Kaninang umaga, bumaba ako and I am expecting na naghihintay si Cedric sa baba na parang walang nangyari kagabi katulad lang noong bumalik siya sa buhay ko.

Pero wala. Walang Cedric na nag-aabang sa akin sa baba.

Nagbilin na lang ako sa katulong namin na katukin ang kwarto ko kapag dumating si Cedric. Pero maghahapon na, wala pa din.

Naghihintay na naman ako sa wala katulad ng dati.

Hindi ko na naman napigilang umiyak. Pero pinahid ko din agad yung tumulong luha mula sa mga mata ko.

Bwisil na Cedric! Kahit kailan talaga napaka paasa niya!

Matutulog na lang sana ulit ako nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Napabalikwas ako ng bangon.

"Yaya, nand'yan na ba si Cedric?" Parang biglang may naghabulang kung ano sa dibdib ko.

Nand'yan na siya? Anong gagawin ko ngayon?

Dahil naka-lock yung doorknob ng pinto, hindi mabuksan ng nasa labas ang pinto para makapasok.

"Anak, si Mommy 'to," sagot ng nasa labas.

Para akong nanamlay ulit. Lalag ang mga balikat na tumayo ako at naglakad papuntang pinto para pagbukasan si Mommy.

"Mom," mahina kong tawag sa kanya.

"Anak, ano na namang nangyari sa 'yo? Bakit namamaga 'yang mga mata mo? Natulog ka ba?" sunud-sunod niyang tanong na halatang nag-aalala.

"Wala po," tipid kong sagot at yumuko na lang ako.

Humakbang si Mommy papasok at hinawakan niya ako sa braso then we walked towards my bed. Umupo kami sa kama ko at pinagmasdan niya lang ako kasabay ng paghaplos sa buhok ko. Habang ako, nakayuko pa din.

Ilang sandali na ganoon lang kami bago nagsalit si Mommy.

"Hinihintay mo si Cedric?" tanong niya.

Hindi ako sumagot kasi nga silence means yes. LOL! Tsaka, obvious naman na hinihintay ko siya dahil sa sinabi ko nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Mukhang may inaasikaso siya ngayon. Baka hindi siya makapunta ngayon," sabi ni Mommy kahit hindi naman ako nagtatanong.

Parang lalong bumigat ang nararamdaman ko sa kaalamang hindi ko siya makikita ngayon.

♡ The Promise ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon