Chapter Eleven

3.5K 90 5
                                    

Hi SIS IDOL! Salamat nga pala sa paggawa ng cover nitong IATD. :)

~~~o~~~

Chapter Eleven

Ella’s

Denm! Anong gagawin ko ngayon?

“Oh, excuse me. I forgot my phone on the table.” It was Angel.

Napalingon na ako sa likuran ko. Good thing, napatingin din sa kanya si Cedric. Naglakad siya palapit sa amin na akala mo kung sinong super model.

Oh, yeah, sure. She has the looks and a perfect body. Hindi naman kasi ako tumatanggap ng kaibigan na hindi kasing level ng kagandahan ko. LOL!

I almost rolled my eyes when she intentionally bumped her shoulder, as she passed through, to Cedric.

Walang’yang babae 'to. Gumagawa pa ng eksena niya!

Nakasunod lang pareho ang mga tingin naming ni Cedric sa kanya. Nang makuha na niya ang cellphone niya sa counter ay humarap siya sa amin with a smirk on her lips.

“You didn’t tell me na mas gwapo naman pala si Cedric sa personal kaysa sa mga pictures na ipinakita mo sa akin dati, Ella,” she’s talking to me per okay Cedri siya nakatingin.

Parang gusto ko nang hilain yung mahabang buhok niya pababa hanggang sa dumampi yung mukha niya sa sahig! Grabe siya kung makapanglaglag!

Yung totoo? Kaibigan ko ba talaga siya?

And for Author Nyx’s sake! Kung makatingin siya kay Cedric, akala mo nanghuhubad na siya! Ang lagkit niya makatingin!

“Pero kahit gaano ka pa kagwapo,” she paused and walked towards Cedric. “Jerk ka pa din!”

Nagulat ako sa sumunod na ginawa niyang ginawa. She stepped on Cedric’s feet with her stiletto heel.

“Agh! Sht!” he groaned.

“Angel!” I was shock.

Napaupo si Cedric at agad ko naman siya inalalayan.

“Oppsss! Sorry, I didn’t mean to do that.” Then she laughed. “Bye, Ella. Paki sabi kay Cedric na mag-ingat siya sa 'kin. Alam mo naman yung mga btch na katulad ko, mahilig din sa mga jerk na katulad niya,” she added habang naglalakad na ulit siya palayo.

(Okay! Request granted! 'Ayan na! Brinutal na din ni Angel si Cedric. XD)

Agh! Grabe talaga yung babaeng yun. Ang freak pa din talaga kahit pareho na kaming mature. Wala yatang balak magbago!

Napatingin ulit ako kay Cedric na namimilipit pa din sa sakit dahil sa pagtapak sa kanya ni angel. Sino ba naman kasing hindi mamimilipit kung sadyang tatapakan ka ng sapatos na may matulis na takong?

“Cedric…” Noon lang siya napatingin sa akin.

Parang umurong naman yung dila ko nang magtama ang mga mata namin. Yung dapat itatanong ko, hindi ko na alam kung paano ko itatanong sa kanya. Nagkagulo yung mga salita sa utak ko.

“Ah…” Ano bang sasabihin ko? “A-ano… kanina ka pa ba dito?”

Sht! Ano ba yung tinanong ko? Imbis na tanungin ko siya kung okay lang ba siya, yun pa yung natanong ko!

Pero kasi… kinakabahan ako, eh! Malamang narinig niya yung huli kong sinabi kay angel kanina!

Ang sarap talagang sabunutan ng babaeng yun!

Isang ngiti ang ibinigay sa akin ni Cedric. “Early enough to hear that you still love me.”

Parang hinilamusan yung mukha ko sa sobrang init dahil sa pagkapahiya. Paano ko ba 'to lulusutan? Eh, sa bibig ko mismo nanggaling yung narinig niya?

♡ The Promise ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon