Chapter Five
<Ella's POV>
"Cedric.." naibulong ko sa sarili ko.
And my tears started to fall as the man walked towards me.
Bawat paghakbang niya ay siya namang pagpatak ng luha ko.
He offered his hand nang makalapit siya sa akin, for my eighteenth dance.. for my last dance tonight. But I just looked at his hand.
Lumunok ako ng lumunok para kalmahin ang sarili at pigilan ang luha ko pero hindi ko pa din mapigil. Sumasakit lang ang lalamunan ko at hindi ako makahinga.
Binawi niya ang kamay niya nang hindi ko pa din inabot 'yon. Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang mga luha ko. But my tears can't stop from falling. Habang pinupunasan niya ang mga luha ko, lalo lang akong naiiyak. Napahikbi na ako.
"Ganyan mo ba ako sasalubungin, Ella?" tanong niya sa 'kin at itinigil niya ang pagpunas sa mga luha kong tuluy-tuloy pa din sa pag-agos.
Inangat niya pa ang mukha ko para tumingin ako sa kanya.
"I'm sorry.." paghingi niya ng paumanhin sa hindi ko alam na dahilan.
Nasaan si Cedric?
Gusto kong itanong sa kanya at sa lahat ng taong nandito ngayon sa party ko. Inilibot ko ang tingin sa mga tao, tinitingnan ko kung may Cedric na nanonood sa amin ngayon ng pinsan ko na kakauwi lang yata kanina galing sa America. Na baka pinagti-trip-an lang ako ni Cedric at natatawa na siya ngayon dahil sa hitsura ko.
Pero wala.. walang Cedric na nangti-trip lang na nanonood sa pag-iyak ko ngayon.
Napahikbi ulit ako hanggang sa nagsunud-sunod na ang paghikbi ko. Naramdaman ko na lang ang yakap ni kuya Nicko sa akin. Isunubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. Lalong lumakas ang paghikbi ko.
Kasunod noon ay narinig ko na lang ang pagtugtog ng orchestra at ang marahang pagglaw ni kuya Nicko. Hindi din 'yung kantang gusto kong sayawin namin ni Cedric ang naririnig ko. It's a classic music na lalong nagpapabigat sa puso ko.
Hinagod ni kuya Nicko ang likod ko. "I'm sorry.." sabi niya ulit.
Hindi ako nagsalita at nagpatuloy lang sa pag-iyak.
"I'm sorry, kung ako ang nasasayaw sa 'yo ngayon. It should be him. But he didn't came. He just can't." huminto siya saglit. "Ella, sorry. Umalis si Cedric and he doesn't know when he'll be back."
Nag-unahan na naman sa pag-agos ang mga luha ko nang marinig ko ang pangalan niya.
Hindi ko lubos maisip na may mas importante pa pala sa 'kin. Na may mas kailangang gawin si Cedric kaysa sa pagpunta niya birthday party ko at nakuha niyang ipagpalit ang isa sa pinakaimportanteng araw ng buhay ko na mas ite-treasure ko pa sana kung nandito siya ngayon.
BINABASA MO ANG
♡ The Promise ♡
RomanceHe promised me two things. Pero una pa lang, sinira na niya ang pangako niya. Aasahan ko pa bang tutuparin niya ang pangalawa? ~~~o~~~ Facebook Page: https://www.facebook.com/LoveLeeWP ALL RIGHTS RESERVED. Reproduction or usage of this work in whole...