Chapter Six
<Ella’s POV>
Pasado alas-otso palang ng umaga nakaalis na ako na bahay. Last Friday of the month, so kailangan kong libutin lahat ng boutique ni Ninang sa buong Metro Manila. Pinamana niya kasi sa akin ‘yung mga boutique niya. Wala naman kasi siyang anak o kahit malalapit na kamag-anak man lang. And because Im her favorite and ONLY inaanak, sa akin niya ibinigay ang responsibilidad na patakbuhin ang negosyo niya. Kaya ngayon, nagpapaka-Donya silang dalawa ng Mom ko.
Mabuti nalang nga, hindi pa nagre-resign si Daddy sa pagiging CEO ng Wine Company namin. Kapag nagkataong ipinasa niya na din sa akin ang posisyon, at the age of twenty-five, baka maging manang na ako.
Well, magte-twenty-five pa lang naman ako next month. Ang bilis ‘di ba? Parang last chapter eighteenth birthday ko pa lang. And now, malapit na akong mag-twenty-five.
Ganoon talaga. Alangan ikwento ko pa kung paano ako nagluksa sa pagkamatay este pagkawala ni Cedric? That I cried all the liquids in my body, as if he’ll come back pag natuyuan na ako? Like hello?! Kahit mamatay ako ng mga sandaling ‘yon, hindi siya babalik. Would I have to tell na tatlong taon akong akong nagpabalik-balik sa bahay nila to check kung may tao ba o wala? That I just realized na hindi na siya babalik nung makita kong may ibang nakatira na sa bahay nila?And everyday akong naghintay na tumawag o kahit mag-text man lang? That he’ll be back and I just have to wait?
Shit! Ayan naikwento ko na! Kapag naaalala ko ang mga ‘yon naiinis ako sa sarili ko, kasi ang tanga-tanga ko. I brushed away the thoughts kasi nga nakakainis.
I’ve moved on kaya hindi ko na dapat binabalik-balikan ‘yung nakaraan.
Sa main boutique ako unang nagpunta, kung nasaan ang office ko. Pagbaba ko pa lang ng kotse ko, napansin ko agad yung gown na nakadisplay sa harap ng boutique. Kapareho ‘yon ng gown ko nung nag-eighteenth birthday ako.
Nakaismid akong pumasok sa loob.
“Good morning, Ma’am Ella.” Salubong sa akin ni Jane na assistant ko.
“Good morning.” Tipid akong ngumiti sa kanya. “Jane, pakipalitan ‘yung dirty-white gown na nakadisplay sa harap.”
“Pero bagong design pa ‘yon, Ma’am.”
I looked at her. “Lumang design na ‘yon. Ngayon lang ulit nag-release.” Pumasok na ako sa office ko at hindi na ako nasurpresa nang may nakita akong bouquet of flowers sa table ko.
Sa dami kong manliligaw kulang na lang maging flower shop itong office ko sa araw-araw na may tatlo hanggang lima na nagpapadal ng bulaklak na galing sa mga anak ng mga kaibigan ng parents ko.
I read the card na nasa flower and it says, “SMILE!”
The penmanship is familiar but I didn’t bother na hulaan kung kanino. Madami naman kasing magkakapareho ng sulat at wala akong panahon hulaan kung kanino galing ang mga bulaklak na ‘yon. At kung sino mang pamisteryong lalaki ang nagbigay, bakit hindi siya kay Madam Auring magpadala ng bulaklak para mahulaan kung sino siya?!
BINABASA MO ANG
♡ The Promise ♡
RomanceHe promised me two things. Pero una pa lang, sinira na niya ang pangako niya. Aasahan ko pa bang tutuparin niya ang pangalawa? ~~~o~~~ Facebook Page: https://www.facebook.com/LoveLeeWP ALL RIGHTS RESERVED. Reproduction or usage of this work in whole...