Hi, Em-emCodz! Thanks for reading this story. I appreciate you comments and votes. :)
~~~o~~~
Special Chapter
Ella’s
“Cedric, Edric Chaz baby... tama na muna ‘yang laro,” tawag ko sa five year old kong anak na kanina pa nakikipaglaro sa Daddy niya ng soccer.
Parang wala namang narinig yung dalawa at nagpatuloy lang sa paglalaro. Naririnig ko pa yung tawaan nilang mag-ama.
Pinagmasdan ko na lang muna sila habang napapangiti ako dahil sa mga ngiti nila.
Ang ganda nilang pagmasdan. Para silang pinagbiyak na inidoro... este, pinagbiyak na bunga pala. Magkamukhang-magkamukha kasi silang mag-ama.
Inaasar nga ako ni Cedric kapag sinasabi ko yun sa kanya habang nakatingin sa anak namin. Bakit? Ang sabi kasi nila Mommy, kapag daw kamukha ng anak mo yung tatay, ibig-sabihin, mahal na mahal mo daw yung tatay ng anak mo kaya ganoon.
Hindi ko naman itinatanggi na mahal na mahal ko si Cedric. Kaya nga tinanggap ko siya ulit, ‘di ba? Pero siyempre, kapag tinutukso niya ako tungkol doon, naggagalit-galitan ako. Hehe!
Nagpatuloy lang sila sa paglalaro at ako naman, sa pagtitig sa kanila. Pero bigla na lang akong napatayo nang matamaan ng bola sa mukha yung anak ko. Napaupo siya.
Mabilis na lumapit si Cedric sa anak namin at lumapit na din ako.
“Sabi naman kasi sa inyong tama na muna ang laro,” sermon ko sa kanila pagkalapit ko. “Hayan tuloy...” Pinagpag ko yung damit ni Chaz na nadumihan.
“Mommy, I’m okay naman, eh?” sagot naman ng anak ko.
“Oo nga, Mommy...” pagkampi naman nitong tatay sa anak. “Strong kaya itong anak ko. ‘Di Ba, anak?”
Tsss! Nagkampihan pa ang mag-ama!
Tiningnan ko ng masama si Cedric.
“Yes, Daddy!” bibong sagot ni Chaz. “I’m strong like you po and I’ll be a soccer player, too, like you!” Tumalon pa siya habang nakataas yung isang kamay niya sa ere.
Tumayo ako and I couldn’t help to roll my eyeballs heavenwards.
Manang-mana sa tatay! Paano ba naman kasi itong Cedric na ‘to, two years old pa lang yung anak namin, pinaglalaro niya na ng bola ng soccer.
Hay... pero wala naman akong magagawa. Gusto nila yun. Ang hindi ko lang mapapayagaan ay kung may iiwan din na babae itong anak ko kung sakaling maging player nga siya ng soccer katulad ng ginawa ng tatay niya sa akin noon!
Kahit anak ko pa siya, kakalbuhin ko talaga siya! LOL!
“'Lika na nga, anak. Kumain muna tayo ng niluto ni Mommy. Mukhang nagseselos na si Mommy sa soccer ball natin,” aya na ni Cedric sa anak namin.
“Yes, Dad!” energetic naman na sagot ni Chaz.
Mukhang hindi pa napapagod ‘tong anak namin kakalaro. Grabe pa din yung energy. Kung may namana man siya sa akin, yun yata ang pagiging hyper. -_-
“Tara na, Mommy.” Inakbayan ako ni Cedric at inirapan ko naman siya pero pinabayaan ko lang yung kamay niyang nasa balikat ko.
Naglakad kami pabalik doon sa picnic blanket na nakalatag sa ilalim ng puno. Hawak ni Cedric si Chaz sa kabilang kama niya.
Nang makarating kami sa pwesto namin, inilabas ko na yung mga pagkain na niluto ko sa bahay kanina bago kami nagpunta dito sa park. Ang dami nga, eh. Ang dami kasi nilang gusto at niloto ko lahat ng mga yun.
BINABASA MO ANG
♡ The Promise ♡
RomanceHe promised me two things. Pero una pa lang, sinira na niya ang pangako niya. Aasahan ko pa bang tutuparin niya ang pangalawa? ~~~o~~~ Facebook Page: https://www.facebook.com/LoveLeeWP ALL RIGHTS RESERVED. Reproduction or usage of this work in whole...