Chapter Fifteen

3.4K 94 2
                                    

Chapter Fifteen

Ella’s

“I’ll be there, I promise.”

Napangiti ako nang maalala ko yung sinabi ni Cedric. Alam kong nangako na din siya sa akin dati at hindi niya iyon natupad. Pero this time, alam ko na darating talaga siya. Naniniwala akong hindi na niya ulit ako sasaktan.

Hindi din naman maganda kung palagi ko na lang aalalahanin yung ginawa niya sa akin noon. Wala ding mangyayari kung palagi lang akong matatakot na iwanan niya ulit ako. I need to trust him again kung gusto ko talaga maging maayos na ang relationship namin. At isa pa, hindi na kami mga bata.

Bukas na ang birthday ko. Hindi naman ako gaanong excited pero hindi ko maiwasang isipin kung anong mangyayari bukas. But whatever happens, handa na ako.

“Ceddy!” tawag ko kay Cedric.

Nasa garden ako at siya naman pumasok sa loob kasi may tumawag sa phone. Kanina pa nga siyang may kausap at ang dami-dami ng tumatawag sa kanya. Kapag bumabalik siya dito sa garden at tinanong ko siya kung sino ang tumawag, ang isasagot niya lang sa akin ay isang maikling ‘business’.

Hay... ang tagal niya talaga! Baka naman kung sino na yung kausap niya?

Hindi na ako nakatiis at tumayo na ako sa hammock. Nagmamartsang pumasok ako sa bahay niya at nakita kong kabababa niya lang ng receiver pagkapasok ko sa pinto.

Himinto ko at sumandal sa pinto habang nakahalukipkip ang mga braso ko sa tapat ng dibdib ko. Tumingin siya sa akin at nag-pout naman ako.

Ngumiti siya. “Sorry, medyo natagalan yung pag-uusap namin. Nagkaroon kasi ng problema,” paliwanag niya.

“Sino ba kasi yun? Siya ba yung kanina pa tawag nang tawag?” nakanguso ko pa ding tanong.

“Yup! Pasensiya na talaga,” sabi niya habang papalapit sa akin. “Tara, doon na uliy tayo sa garden.”

Inabot niya yung kamay ko at hinila na niya ako papuntang garden habang nanghahaba pa din ang nguso ko.

Iisa lang pala yung tumatawag sa kanya kanina pa. Baka naman babae yun? Eh, ano naman kung babae nga iyon? Magagalit ba ako? Or may dapat ba akong ikagalit? Wala lang naman yun, 'di ba? Business yun!

Pero kasi... agh! Nakakainis!

Magkatabi kaming humiga sa duyan katulad ng pwesto namin kanina — nakaunan ako sa braso niya.

“O, bakit ganyan hitsura mo?” tanong niya sa akin at pinindot niya pa ang dulo ng ilong ko.

“Wala lang,” sagot ko na parang labas sa ilong.

“Sorry, na nga po. kung may istorbo sa atin ngayon. May mga kailangan lang itanong si Sei sa 'kin,” paliwanag niya na naman.

“Katulad ng?” tanong ko pa.

“Katulad ng mga gusto ko,” simpleng sagot niya.

“Mga gusto mo?!” may kalakasan kong tanong at napabangon ako paupo.

“Oo, may pinapagawa kasi ako sa kanya,” aniya at hinila ulit ako pahiga.

Humiga naman ulit ako sa tabi niya na nakasimangot pa din. Ano naman kasi ang ipapagawa niya sa Sei na 'yon? Bakit hindi niya na lang sa akin ipagawa? Kaya ko naman siguro yung pinapagawa niya, 'di ba? Or kung hindi ko naman kaya, at least nag-ask muna siya sa akin kung kaya ko bang gawin yun.

Nskakatampo lang. Hay...

Nanahimik na lang ako kasi nga nagtatampo ako. LOL! Lambingin niya ako kung ayaw niyang mag-away kami!

♡ The Promise ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon