Chapter Twelve

3.6K 92 10
                                    

Hi Asumax! Yay! Ang tagal mo nang nagbabasa ng mga stories ko at sa chapter ten ka lang nagparamdam sa comment! Palagi ko pong nakikita na nagbo-vote ka :)) thanks po sa support sa mga sotires ko. Sana basahin mo pa yung mga susunod. ♥ God Bless!

~~~o~~~

Chapter Twelve

Ella’s

Yay! Haha! Hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa pinapanood ko. Sobrang nakakakilig, eh! Parang magha-hyperventilate na ako dito. 'Tapos yung ngiti ko, abot talaga hanggang batok ko! Haha!

Para na naman akong baliw. Ay hindi, baliw na talaga ako at nakaka-miss pala maging baliw! Lahat ng kabaliwan ko sa buhay, bumalik dahil sa pagbabalik ni Cedric.

And just so you know, nanonood ako ngayon ng videos ng soccer game. Pero actually, hindi naman talaga yung game yung pinapanood ko. Inaabangan ko lang yung interview ng isang player after the game.

Ang adik ko lang, 'di ba? Hindi ko na lang i-fast forward doon sa part ng interview. Gusto ko pa talaga yung nae-excite ako. Haha!

Pero kinikilig talaga ako ng bonggang-bongga! Bakit? Eh, si Cedric kasi yung naglalaro at may inteview siya sa dulo kapag siya yung best player!

Taray, 'di ba?

And yes, yun yung ginawa niya sa seven years na pagkawala niya at kagabi ko lang nalaman noong nag-usap na kami sa park. Bakit hindi ko nalaman sa kabila ng kasikatan niya? Dahil busy ako!

Ni hindi ko makuhang sumulyap man lang sa television noon. Kapag newspaper naman ang hawak ko, hindi ako nagpupunta sa sports section. Ano naman kasi ang alam ko sa mga ganoon? I’m not an athletic type at hindi ako mahilig sa kahit anong sports.

At ngayon ko lang din na-gets, kung bakit nitong mga nakaraang taon, lagi akong inaaya ni Daddy na manood ng TV kahit saglit lang daw pero hindi ko siya pinagbigyan kahit minsan. Game pala ni Cedric yung pinapanood nila.

Hay... kung nalaman ko kaya noon na yun yung ginagawa niya, ano kayang gagawin ko? Baka nagwala siguro ako. Tama bang ipagpalit ako sa soccer?

Pero kung tatanungin ako ngayon, hindi ako galit sa kanya. Kahit katiting wala na akong makapang galit sa kanya. I am matured enough to understand things. Hindi na lang sarili ko ang iniintindi ko ngayon.

Kahit pa, sobrang sakit na sa araw pa talaga ng birthday ko siya umalis, wala na sa akin yun. Yung training niya kasi mag-uumpisa na noon. Hindi daw tumatanggap ng late comers yung training institution na pinag-enroll-an sa kanya ng lolo niya.

And besides, tama siya. Malamang hindi ako lumaki na ganito kung palagi siyang nasa tabi ko dahil palagi lang akong nakadepende sa kanya.

What is important to me now, is he’s back. Nandito na ulit siya para ipagpatuloy na namin yung naumpisahan namin noon.

Last video na yung pinapanood ko at ito na din yung last game niya.

Dati ang akala ko, past time niya lang yung paglalaro niya ng soccer sa field ng school namin. Hindi ko alam na gusto niya pala talagang maging player ng soccer. Hindi din naman kasi siya sumasali sa team ng school noon kaya hindi ko talaga alam.

Pero sa napanood kong mga laro niya, magaling siya. Nagiging best player pa nga siya, eh.

Hanggang sa dumating na yung part na pinakahihintay ko. Yung interview after the game.

“Mr. Cedric Soliven, congratulations for being the best player for three consecutive seasons!” masiglang bati ng interviewer sa kanya.

“Thank you, thank you,” nakangiti naman niyang tugon na medyo hinihingal pa.

♡ The Promise ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon