Kabanata 3

567 21 9
                                    

Stephanie's Pov.

"Anong sinabi mo? Ulitin mo nga?" Sabi niya, hindi naman agad ako nakasagot dahil na rin sa gulat.

Anong ginagawa ng lalaking 'to rito? Paano niya nalaman nandito ako? Masama ang mga mata niya nakatingin sa 'kin nakakunot din ang noo niya.

"Hehehe, sabi ko... Lawzon, 'di ba pangalan mo 'yon?" Itinikom ko ang bibig ko, medyo nahihiya ako gawa narinig niya ang sinabi ko kanina tsaka, special guest siya ng resort at nalaman ko pa kanina kay Sky isa raw ito sa mga taong binigyan ni Tita ng special card.

Ang special card ay para sa mga taong gusto maglabas pasok sa Isla sa loob ng isang taon, hindi sa pang-aano pero masyadong mukhang pera ang Tita ko at pumayag sila sa gano'n, mahal kasi ang special card kaya malaki ang nakukuhang pera nila Tita.

"Ganan kaba sa mga bisita rito?" Tanong niya, hindi naman agad ako nakaimik nilingon ko si Sky na nag-iwas nang tingin sa 'min, gagang 'to 'di man lang ako ipagtanggol.

"Pasensya na po, Sir." 'Yun nalang ang sinabi ko saka yumuko at iniwasan siya.

Mabilis ko siyang nilagpasan at naglakad na palayo sa kaniya, pupunta na nga lang ako sa talon na-stress na ako ngayon araw.

"Hoy kamatis!" Sigaw mula sa likod ko hindi ko alam sa sarili ko pero kusa akong lumingon.

"Ako?" Tanong ko habang nakaturo sa sarili ko, tumungo naman siya saka nagsimula maglakad palapit sa 'kin. Ay mare, kailan pa ako naging kamatis? Morena at maganda ang balat ko kaya posibleng maging kamatis ako.

"Ikaw na Lawzon ka paano ako naging kamatis?!" Inis kong tanong sa kaniya, nang makalapit na siya sa 'kin. Mula ulo hanggang paa ay tinignan ko siya roon ko lang napansin na naka-open shirt siya.

Jusko!

"'Wag mo pagpantasyahan ang katawan ko, alam kong masarap ako." Napaangat ako nang tingin ng umimik siya, feeling ko tuloy parang sunog na ewan ang pisngi ko dahil sa hiyang nararamdaman ko.

"Bakit mo 'ko tinawag?" Tanong ko.

"Nasaan na ang BJ ko?"

"BJ?!" Sigaw ko saka malakas na sinipa ang paa niya. Gago ba siya?!

"The hell woman! Ano bang problema mo?!" Galit niyang sigaw sa 'kin.

"Bastos 'yang bibig mo!"

"BJ! Buko juice! Ano bang utak ang meron ka?!" Nanlaki ang mata ko saka naiwas ang tingin. Bakit kasi hindi niya inaayos ang sinasabi niya? Iyan tuloy

"Mamaya na kita ikukuha, tinatamad ako."

"Ganan ba kayo sa bisita niyo rito? Nagbayad ako, then it's my problem you're lazy?" Parang hindi niya makapaniwalang sabi.

"Hindi naman kasi ako employee rito, okay?" Nauubos kong pasensyang sabi. "Isa lang ako magandang dalaga na pagala-gala rito." Dagdag ko pa saka umirap sa hangin.

"Maganda? Where?" Pang-aasar niya pa, mas lalong sumama ang mukha ko, bwisit na 'to! "Pero sabi nila ikaw ang katulong ko rito." Ngumisi ito saka mas lumapit pa sa 'kin, kaya naman inismiran ko siya.

"Pwes, sila ang gawin mong katulong, hindi ako che, makaalis na nga!" Sigaw ko saka nagpatuloy sa paglalakad at iniwan siya roo .

Halos takbo na ang ginawa ko makapunta lang sa bato-bato, mabilis ko inakyat 'yun at tumalon pabagsak sa mababang parte ng bato-bato. Derederetsyo lang ang ginawa kong lakad hanggang sa marating ko na ang talon.

Malaki agad ako napangiti ng marinig ko ang malakas na agos ng tubig. Sayang hindi ko nahila sila, Lie.

Magkakaibigan kami ni Lie, Erica, at Sky. Bata pa lang ay magkakaibigan na kami nila Lie at Erica, si Sky naman nung Twenty na kami saka namin siya nakilala at dito na sila tumira, magkambal sila ni Max.

Harlequin Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon