Nagulat ako sa ginawa niya pero, hindi ko pinahalata sa kaniya na apektuhan ako, gustong-gusto ko na talaga siyang suntukin at itulak pero, pakiramdam ko nanghihina ang katawan ko.
Humugot ako ng malalim na hininga saka ngumiti sa kanya ng malaki.
"Hmm... Ganito ang gusto mo?" Malandi kong tanong sa kaniya saka pinadausdos din ang hintuturo sa gitna nang dibdib niya papunta sa abs niya, naramdaman ko naman nanlamig siya sa ginawa ko. Gusto niya nang asaran? Pwes hindi ako magpapatalo sa kaniya.
"Gusto ko rin 'to pero, gago ka umalis ka sa ibabaw ko, bwisit!" Sigaw ko saka malakas na sinipa ang binti niya nakinadaing niya, dahilan na umalis siya sa ibabaw koz agad naman akong tumayo mula sa pagkakahiga sa kama saka siya tinignan ng masama, ngayon ay hawak-hawak ang binti niyang namimilipit sa sakit.
"The hell woman?!" Sigaw niya sa 'kin pero, hindi ko pinansin 'yon at sinipa ulit siya nang malakas na kina sigaw niya pa lalo. Bagay lang 'yan sa 'yo! bwisit ka!
"Manyak ka!"
"Hoy manyak ka rin!" Bawi niya sa 'kin, sa inis ay mabilis ko kinuha ang unan at pinaghahampas 'yon sa kaniya.
"Hoy tama na kamatis, nasasaktan na ako!"
"Wala akong pakialam manyak, gago, bwisit, at malas ka!" Inis na inis kong sigaw habang patuloy sa paghahampas sa kaniya.
"Sus gumanti naman."
"Tumigil kana nga!" Nauubosan ang pasensya niyang pigil sa 'kin.
"Ayok-"
"Sinabing tumigil na! Hahalikan kita tamo!" Mabilis pa sa alas-kwarto at agad ko binitawan ang unan na hawak ko, malakas naman siyang tumawa habang nakatingin sa 'kin, bakit gano'n parang demonyo 'yung tawa niya pero gwap— ah kairita!
"Asa ka naman na hahalikan kita." Sabi niya habang malakas pa rin tumawa, naramdaman ko naman uminit ang pisngi ko, bwisit napahiya ako roon!
"Bwisit ka makaalis na nga!" Mabilis akong nagsuot ng slippers saka dali-daling naglakad papunta sa pinto at akmang bubuksan na 'yun ng sumigaw siya.
"Bumalik ka rito mamayang ten ng gabi!"
"Hoy gung-gong sobr-"
"Sige ikaw rin magrerek-"
"Oo na bwisit!" Napipilitan kong sabi saka binuksan ang pinto at pabagsak na sinara 'yun, gagong 'yun bina-blackmail niya na 'ko!
Asaran at gantihan pala ang gusto niya ha! Pwes hindi ko siya aatrasan sisiguraduhin ko lang talaga na wala kanang dahilan para bumalik dito sa isla at gagawin ko ang lahat para hindi kana bumalik dito!
***
Inis akong nagluluto sa kusina sa bahay namin ni Lolo, tulog na si Lolo nang makatapos siya kumain at wala na talaga akong balak bumalik sa kwarto ng lalaking 'yun, tapos biglang nag-text at nagulat akong alam niya ang number ko.
Nakakabwisit talaga siya!
Dati tuwang-tuwa pa ako kapag may dumadating dati rito sa Isla ngayon hindi na ako natutuwa!
Mag-text ba naman na lutuan ko siya ng pagkain at dalhan siya ng buko juice.
Pumunta pa tuloy ako sa kabilang dulo ng Isla kung saan nagbebenta ng buko at ng mga gulay! Ayaw ako bigyan ng mga staff ng resort ng supplies kaya no choice ako kanina kundi maglakad papunta sa kabilang dulo ayoko naman magbangka dahil natatakot din ako, gabi na kaya 'di ko trip magbangka sa gilid ng dagat.
"Teh anong trip mo at gabing-gabi na nagluluto kapa? Binulabog mo pa sila 'Nay Sel at 'Tay Rel." Sabi ni Sky na ngayon ay nakaupo sa duyan nandito rin si Lie na tahimik lang nagce-cellphone habang si Erica nabulong naman sa hangin.
Isiipin mo 'yun? Wala pang-isang buwan ang bwisit na lalaking 'yon dito?! Pero gustong-gusto kona siya palayasin agad dito sa Isla.
"Oo nga pala teh, anong sinabi sa 'yo ni Manager?" Tanong ulit ni sky nilingon ko naman siya saka sinenyasan na tumahimik muna.
Bakit pa kasi napag-tripan pa namg tatlong 'to dito tumambay sa likod bahay namin.
Nasa labas kasi 'yung kusina ng bahay namin kaya welcome na welcome nila akong daldalin.
"Hoy Erica kanina kapa riyan bumulong nang bumulong daig mo pa ang bubuyog." Si Lie naman 'yun himala umimik na ang gaga kanina ko pa gusto tanungin bakit sila nasa gubat nung Colton na 'yun pero l, hindi ko siya matanong dahil nabwibwisit pa rin ako sa lason na 'yon langya hawakan ba naman at haplosin ang katawan ko! Buti nalang nakaganti ako sa kaniya.
"Kilala niyo ba 'yung artista?" Tanong niya bigla kaya sabay-sabay kami napalingon sa kaniya.
"Sino roon?"
"Yung... Matangkad na maputi tapos may tattoo sa dibdib tapos basta— meron siyang mukha." Sabi niya na parang naiinis habang i-explain niya 'yung itsura nung tao.
"Gaga lahat ng tao may mukha, 'no." Si Sky.
"Baka si Malcomn 'yung tinutukoy mo." Sabi ko saka ibinalik ang atensyon sa pagluluto.
"Basta 'yung may tattoo!" Sigaw ni Erica.
"Walang tatto si colton." Sabat ni Lie, kaya napalingon ako. Aba sa ulo na niya ha...
"Girl, bet ka yata ni Papa colton sayang naman!"
"Sky akala ko ba kay Va-" Hindi natuloy ni Lie ang sasabihin niya nang mabilis takluban ni Sky ang bibig niya napailing nalang ako saka tinapos ang pagluluto.
Pinatay ko na ang apoy saka nilipat sa isang tupperware ang niluto kong ulam, dalawang klaseng ulam lang naman 'yun Adobong maraming paminta charot tsaka pritong tilapia na maraming asin, charot lang hindi naman ako gano'n kasama. Medyo oo lang.
Inayos ko na ang pagkain niya tsaka inilagay sa isang plastic meron na rin akong dalang buko juice at kanin baka magreklamo pa siya.
"Oh bakit nagsisi tayo rin kayo?" Tanong ko nang akmang maglalakad na ako palabas sa likod bahay.
"Sama kami."
"Heh! Magsi-tigil kayo, ako lang ang aalis kung ayaw niyo na tumambay rito umuwi na kayo gabi na mga mare!" Utos ko sa kanila saka tuluyan na naglakad paalis.
Gusto ko na maligo at humitaya sa kama, bukas panibagong gala na naman ang gagawin ko sa Isla tapos gagawin pa akong katulong ng lason na 'yun.
"Tagal mo naman." Singhal niya agad sa 'kin nang makarating ako sa kwarto niya pero, imbes pansinin ang sinabi niya ay ibinaba ko ang pagkain niya saka binagsak ang katawan sa kama niya wala na akong pakialam kung nandito siya basta gusto ko muna mahiga!
Langya naman kasi sira pala 'yung elevator kaya naghagdan ako jusko ang pagod ko hinahapo na naman yata ako.
"Hoy kamatis tumayo ka nga r'yan." Utos niya saka hinawakan ang kamay ko at sinubukan akong hilahin pa tayo.
"T-Teka." Nahihirapan kong sabi. Ang bigat ng dibdib ko hinahapo ako nyeta.
"Okay ka lang?" Ang kaninang boses na nang-aasar ay biglang nagbago pati ang reaction ng mukha niya.
"T-Tumawag k-ka sa reception,h-hindi ako makahinga."
BINABASA MO ANG
Harlequin Kiss (COMPLETED)
RomanceIsla Grande Series #1 Sa isang halik lahat nagsimula, nang dahil sa isang halik hindi nila akalain magpapabago sa buhay nila. Ngayon, naniniwala ka ba sa tadhana? Paano kung hindi mo sigurado kung pinaglalaruan at pinapaasa ka lang ng tadhana? Paan...