Kabanata 2

617 23 12
                                    

Masama ang mukha ni Stephanie nang tumigil siya sa gilid ng lalaking humalik sa kaniya, gustong-gusto niyang suntukin ito nang paulit-ulit dahil sa sobrang inis na nararandaman niya.

"Good afternoon... Sir." Naghahalong inis at hiyang bati ni Stephanie, nakinalingon ni Lawzon.

"So... You work here, hmm?" Malamig ang boses na tanong ni Lawzon tumungo naman si Stephanie bilang sagot.

"Stephanie, ito ang susi." Abot sa kaniya ni Sky ang receptionist na kaibigan din niya.

"Salamat, Sky. Sir, this way po." Pilit siyang ngumiti saka nanguna maglakad papunta sa elevator pinindot niya ang red button agad naman bumukas 'yun, pinauna niyang pinapasok si Lawzon saka si Max na kakambal ni Sky na may hawak ng maleta.

"Ang lakas ng loob mo kaninang batuhin ako." Bulong ni Lawzon sa kaniya, nakita naman ni Stephanie na nagtataka si Max kaya sumenyas nalang siya na manahimik nalang ito dahil nasisiguro niya na magtatanong ito kapag hindi siya umimik.

Hindi niya pinansin ang sinabi ni Lawzon at pinindot ang floor number.

"Napaka malas nga naman na kasama ko pa ang babaeng walang modo." Bulong ni Lawzon na rinig naman sa buong elevator, sa isip-isip ni Stephanie ay gusto na niyang tadyakan at suntukin ang lalaki pero hindi niya magawa dahil bisita ito sa Isla nila. Hindi nalang siya umimik saka nanatili ang tingin sa mga floor number.

"Bakit ba parang ang tagal tumaas?! Parang ang bagal ng oras." Inis niyang sabi sa isip.

"Kala mo naman maganda, mukha naman batang pagala-gala kung saan-saan." Mariin pinikit ni Stephanie ang mata dahil sa narinig.

Nang bumukas ang elevator ay nanguna siyang lumabas at hinintay naman niya ang kasama saka nagsimula maglakad papunta sa kwarto ni Lawzon, nang tumigil sila sa room 213 ay agad niya binuksan iyon gamit ang susi.

"Sir, saan po ilalagay ang gamit?" Tanong niya, walang emosyon siyang tinignan ni Lawzon.

"Doon nalang sa gilid ng kama." Simpleng sagot nito at akmang uutusan na niya si Max na ilagay 'yon ay bigla ulit umimik ito.

"Gusto ko ikaw ang maglagay ng gamit ko." Malaking ngumisi si Lawzon, ngayon alam niyang dito nagtratrabaho ang dalaga ay papahirapan niya ito bilang pag-ganti niya sa ginawa nito sa kaniya.

Bumuntong hininga naman si Stephanie. "'Wag mo patulan ang isip bata." Sabi niya sa kaniya isip sumenyas siya kay Max na umalis na ito at siya na ang bahala kahit naguguluhan si Max ay sinunod nalang niya ang utos ni Stephanie.

Nang makaalis si Max ay sinimulan niya na buhatin ang maleta at naglakad na papasok ng kwarto, inilagay niya iyon sa gilid ng kama saka muli naglakad pabalik sa pinto ng kwarto at kinuha pa ang isang maleta, masama niyang tinitigan si Lawzon na nakangising pinapanood siya, natutuwa si Lawzon sa nakikita niya nahihirapan agad ang dalaga sa pagbubuhat pa lang ng gamit.

"Meron paba kayong gusto, Sir?" Ngumisi ulit si Lawzon saka nilagpasan si Stephanie at umupo siya sa kama, malambot ang kama kaya nasisigurado niyang makakatulog siya ng masarap, ang plano niya ay matulog magdamag sa kama pero, nang dahil lay Stephanie ay parang may iba siyang planong naiisip.

"Gusto ko ng juice..." Sabi niya saka nilingon si Stephanie na nakatayo sa pinto, alam niyang nagpipigil lang ang dalaga sa kaniya dahil sa paraan nang tingin nito kanina ay parang gusto na siyang patayin nito sa inis.

"Anong juice po?" Tanong ni step.

"Buko juice."

"Okay Sir, noted, 'yun lang po ba?" Tanong ulit sa kaniya ng dalaga at ngumiti, alam niyang peke lang ang ngiting 'yon kaya natutuwa siya lalo parang gusto niya lalo pag-tripan ang dalaga.

Harlequin Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon