Kabanata 7

489 22 8
                                    

3rd Point of view.

Tahimik ang ginawang lakad ni Lawzon papunta sa bahay ni Stephanie. Dalawang buwan na ang lumipas ng mamatay ang Lolo ni Stephanie pero, walang nagbago sa kanilang dalawa. Ganoon pa rin. Away-bati pa rin sila.

Mabilis kumunot ang noo ni Lawzon nang malayo pa lang ay rinig na agad niya ang boses ni Stephanie, pati ang boses ng mga kaibigan nito.

"Ang iingay talaga. Natatawa na sabi ni Lawzon sa sarili.

"Tange, sabing fruit ninja ang the best!" Agad naguluhan si Lawzon dahil sa sinabi ni Stephanie, "Ano ba ang pinagtatalunan ng mga ito? Tanong niya sa sarili saka mas lalo binilisan ang lakad.

"Tange, candy crush kamo!" Boses 'yun ni Sky, napailing siya dahil tama ang hula niya kung sino katalunan ni Stephanie.

"Hoy parehas kayo mali," boses naman 'yun ni Erica. Mas binilas niya ang lakad hanggang sa tanaw niya na sila Stephanie. Nakatayo ang mga ito sa bakod nila Stephanie. Si Lie, Sky, Erica, at si Cat na pinsan ni Stephanie. Nakilala niya na ito, gawa isa ito sa madalas kasama ni Stephanie sa loob ng dalawang buwan.

Pero, ang kinatataka niya ay madalas niya makita ang mga kaibigan pati ang pinsan ni Stephanie na magkasama.

"Si Pou kasi ang the best!" Sigaw ni Erica bigla natawa si Lawzon.

Mukhang alam na niya kung ano pinagtatalunan ng magkakaibigan.

"Ikaw Lie, ano the best para sa 'yo?" Tanong ni Stephanie sa kaibigan at ayaw talaga magpatalo, gusto na humalakhak sa tuwa ni Lawzon dahil sa mukha ni Stephanie. Hala kasi dito na ayaw makipagtalo, sa usapan na laro.

"Uhm... My talking angela." Sagot ni Lie at doon na hindi napigilan ni Lawzon ang sarili at malakas na humalakhak, dahilan ng pagharap sa kaniya ni Stephanie. Agad siya natigil nang makita nito ang masamang tingin sa kaniya.

"Uhm.. I w-" Hindi na natapos ni Lawzon ang sasabihin ng unahana na siya ni Stephanie na hindi niya inakala na itataong nito sa kaniya.

"Ikaw, anong the best na mobile games para sa 'yo?" Tanong ni Stephanie sa kaniya. Hindi siya nakaimik dahil sa gulat.

Akala niya ay aawayin siya ng dalaga na madalas nitong ginagawa kapag nakikita silang dalawa, pero imbes na galit na tanong ang itanong nito sa kaniya, ay ibang tanong pala.

'Yun lang ang pinagtatalunan nilang magkaibigan? akala ko kung ano na. Sabi niya sa isip. Saka pinipigilan ang sariling matawa ulit.

"Uhm... Smash ball?" Hindi siguradong sagot ni Lawzon, hindi naman kasi siya mahilig maglaro sa cellphone, mas gusto pa niya maglaro ng board games, kaysa mobile games.

"Basta fruits ninja lang talaga the best!" Pagtataray ni Stephanie saka sila tinalikuran nito at naglakad papasok ng bahay. Nilingon ni Lawzon ang mga kaibigan at pinsan nito, sinenyasan lang siya ng nga 'to na sundan si Stephanie. Agad naman siyang naglakad at dali-dali sumunod kay Stephanie.

"Hey." Tawag niya rito nang naabutan niya ito naglalakad paakyat.

"Bakit?" Walang ganang tanong ni Stephanie. Nangunot naman ang noo ni Lawzon. Sa pagkakaalala niya kasi ay hindi sila nag-away kahapon kaya, nagtataka siya kung bakit ang sungit sa kaniya ng dalaga ngayon.

"Galit ka?" Tanong niya sa dalaga.

"Hindi." Simpleng sagot ni Stephanie pero, alam ni Lawzon na galit ito sa kaniya, kasi kung hindi ito galit ay baka nag-aasaran na sila ngayon pa lang.

"'Yung totoo?" Tanong ulit niya, sakto naman tumigil sila sa harap ng pinto ng kwarto ni Stephanie. Umirap si Stephanie sa hangin bago binuksan ang pinto ng kwarto niya.

***

Nakakainis siya! Sabi ni step sa isip nang makapasok na siya sa kwarto niya. Narinig naman niya ang mga yapak ni Lawzon, alam niyang sumunod sa kaniya ang binata. Naiinis siya sa binata dahil imbes kampihan siya nito ay sumagot pa 'to ng iba.

Smash ball mo mukha mo.

Sabi ni Stephanie sa isip saka pasalampak na humiga sa kama. Narinig niyang sumarado ang pinto ng kwarto niya pero hindi na niya pinansin 'yun.

Sanay na siya na kasama si Lawzon sa kwarto. Wala naman silang ibang ginagawa sa kwarto.

"Step." Tawag pansin nito sa kaniya, pero deadma lang siya. Bahala siya manuyo siya hanggang magsawa siya.

"Step..." Malambing ang tono tawag sa pangalan niya, agad siyang umikot paharap dito at masama itong tinignan.

"Bakit ba?!" Inis na tanong ni Stephanie. Para naman kasing tanga ang gago. Inis na sabi ni Stephanie sa sarili, gusto na niya batuhin ng kung ano si Lawzon dahil naadwa siya sa gwapong mukha ng binata.

"Tampo ka?" Tanong sa kaniya ng binata pero, imbes sagutin 'to ay inirapan lang niya ito saka muling dumapa sa kama at kinuha ang cellphone niya sa bulsa para mag-facebook.

Sa kwarto lang kasi niya malakas ang signal ng WiFi nila pati sa bakod nila.

Mabilis siya natigil sa pag-facebook ng maramdaman niyang may dumagan sa kaniya.

Hayop! Sigaw ni Stephanie sa isip niya. Dahil pumatong na naman sa kaniya ang lalaki.

Hindi niya talaga alam kung ano ba meron sa kanila ni Lawzon, kung enemy, friends, or friends with laplapan.

"Alis!" Utos ni step pero hindi sumunod ang binata sa kaniya. Maya-maya ay naramdaman ni Stephanie ang dalawang braso nito na pinulupot sa kaniya bewang. Mas lumiit ang bewang niya ngayon. Kung dati ay 35 'yun ay 30 nalang ngayon. Kaya sa tingin niya ay nayayakap siya nang maayos ng binata dahil maliit na masyado ang bewang niya.

"Why ka ba tampo?" Tanong ng binata kay steps, palihim naman siyang umirap muli.

"Bakit ka nakapatong?" Balik na tanong ni steps kay Lawzon. Hindi siya makagalaw. Masyado mabigat ang katawan ng binata at mahigpit ang yakap nito sa kaniya. Kinikilig siya pero, ayaw niya sabihin.

"Gusto mo ng kiss?" Tanong ng binata kay Stephanie, hindi naman agad siya nakasagot. Sa dalawang buwan lumipas lagi siya hinahalikan ng binata at hindi siya pumapalag bagus hinahalikan din niya ito pabalik.

Pero hindi niya kasi maintindihan, bakit sila naghahalikan. Kung gano'n para silang aso't pusa atz wala naman sila.

"Ayoko." Sagot niya rito, naramdaman niyang umalis na ang lalaki sa ibabaw niya kaya dali-dali siya umikot paharap. Agad pumunta ang mata niya sa binatang nakaupo sa gilid ng kama niya at nakatingin sa kaniya.

"Bakit?" Tanong niya sa binata, wala emosyon ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya para bang pinagmamasdan nito ang buong mukha niya at inaalala ang bawat parte nito.

"Wala, tinitignan ko lang ang magiging view ko 'paggigising ako sa araw-araw." Sabi ng binata na hindi naman na-gets ni Stephanie kaya kinutan niya ito ng noo.

"Huh?" Aniya, habang hindi inaalis ang tingin kay Lawzon. Ngumiti lang ang binata saka umiling-iling.

"Wala lang, naisip ko lang ang sarap siguro sa pakiramdam kung makikita ko 'pagkagising ang mukha mo bilang asawa ko..."

Harlequin Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon