Harlequin Kiss

1.6K 42 8
                                    

Isla Grande.

Ang Isla Grande ay isa sa mga sikat na isla sa bansa na dinadayo ng mga tao, dahil tinatawag ito ng mga tao na "Island Of Love." Dahil marami na rin na tao ang nakahanap ng pang-habang buhay nilang pag-ibig sa isla mismo. Dito madalas mag-honeymoon, ikasal, mag-propose, makilala ang pag-ibig ng buhay nila, o hindi kaya ditr nila nakikita ang ex or crush nila at ito ang nakakatuluyan nila ng pang-habang buhay.

Limitado lang ang pwede makapasok sa isla, hindi mahal ang bayad pero, hanggang isang daan tao lang kada ang pinapapasok nila rito, saka lang muli sila nagpapasok kapag may lumalabas sa isla, at bahala na ang mga taong nakapasok kung kailan nila gusto umalis pero, may special card na tinatawag. Ito ay ginawa ng may-ari para sa mga taong gusto makalabas pasok sa isa isla sa loob ng isang taon.

Pinapahalagahan ito ng mga taong nag-mana, kaya limitado lang ang tao pwede pumasok para na rin hindi masira ang isla at maalagaan ito nang maayos.

***

Teaser for Harlequin Kiss (Series #1)

Masiyahin at magandang babae si Stephanie Perez kahit lagi siya tinutukso ng mga tao simula bata pa lang siya. Bata pa lang kasi ay mataas na ang timbang niya at hindi naaayon sa kaniyang edad ang timbang niya, hindi naman siya sobrang taba kung tatawagin ay chubby lang. Bilugan ang mga mata at pisngi.

Hilig niya ang pagligo sa dagat dahil na rin nakatira siya sa isla.

Ang tawag ng mga tao sa Isla Grande ay "Island Of Love." Dahil maraming tao na sa isla na 'yon nakikilala ang pag-ibig nila.

Pero, para kay Stephanie ay hindi, dahil simula bata ay 'roon na siya lumaki pero, never niya natagpuan ang lalaking iibigin niya habang buhay, not until nang makilala niya si Lawzon Guevas.

Si Lawzon Guevas ang taga pag-mana ng isang sikat na wine company pero, tinakasan niya ito dahil ayaw niyang mag-mana siya ng company na hindi siya ang nag-hirap at gusto niya mag-pahinga at mag-move-on, dahil sa ex-girlfriend na niloko siya.

Nang malaman niya ang tungkol sa Isla Grande ay hindi na siya nag-dalawang isip na pumunta roon dahil isa ang Isla Grande sa pinaka sikat na isla sa bansa pati limitado ang pinapapasok dito. Tingin niya makakapagpahinga siya rito.

Sa isang taon ay isang daang tao lang ang pwede pumasok at nasa tao kung hanggang kailan niya gusto mag-stay roon sa loob ng isang taon, dahil ang Isla Grande ay pagmamay-ari ng pinaka ninuno nila Stephanie.

Hindi akalain ni Lawzon na sa pag-apak pa lang niya sa lupa ng isla ay isang kamalasan na ang nangyari sa kaniya gano'n din para kay Stephanie.

Nang dahil sa katangahan nilang dalawa ay nahalikan nila ang isa't isa at gano'n nalang sila mandiri para sa isa't isa. Hindi na virgin parehas ang labi nila pero, parehas sila kung makaasta ay unang halik nila 'yon sa tanang buhay nila.

Para sa dalawa ay isa iyong.

"Malas na halik." Dahil madalas na sila magkita nang matapos ang pang-yayaring 'yon na kinaiinisan nila parehas, wala naman magawa Stephanie dahil bisita ito sa isla nila gano'n din si Lawzon dahil ayaw niya sayangin ang araw na nasa isla siya.

Ngunit malas nga ba? Kung gano'n baka ito ang tinatawag na "Harlequin Kiss?"

***

"Hayop!" Sigaw ni Stephanie nang makatayo siya sa pagkakabagsak sa lupa, inis niya nilingon ang lalaking bumagsak sa kaniya at ang lalaking humalik sa kaniya.

"The hell!" Inis na sigaw ni Lawzon saka diring-diri pinupunasan ang labi.

"Kadiri ka!" Sigaw ni Stephanie na kinalingon ni Lawzon gano'n nalang ang inis niya nang makita niya ang kabuoan ng babae. Sa isip-isip ay hindi ito maganda pero, hindi rin ito pangit para sa kaniya, hindi rin payat pero, hindi rin mataba. Morena at hindi gano'n katangkaran.

"Tinitingin mo?!" Sigaw sa kan'ya ni Stephanie na mas kinakakunot niya ng noo niya.

Doon lang din niya napansin na mahaba at kulot ang buhok nito at halatang naalagaan nang maayos, itim na itim ang mga iyon.

Nanlilisik na ang mata ni Stephanie sa inis lalo na sa paraan nang tingin sa kaniya ng lalaki. Bwisit kasi sino ba 'to? Katanga maglakad bumagsak tuloy sa 'kin, sabi niya sa kaniyang isip.

Inilipat ni Lawzon ang tingin sa mukha nito, hindi bilugan ang mukha nito dahil makikita mo pa ang panga niya mapula ang labi, bilugan ang pisngi, at mata.

"Stupid." Bulong ni Lawzon habang umiiling iling, na narinig ni Step, sa inis ay kinuha niya ang plastic bottle na nilimot niya kanina at binato iyon sa lalaki at saka tatakbong umalis.

Harlequin Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon