Kabanata 6

520 21 6
                                    

"Step, anong balak mo ha?! Mag-explain ka?!" Sigaw sa 'kin ni Erica habang nakapamewang sa harap ko.
Ngumuso lang ako saka inis na nagbaba nang tingin, sino ba naman hindi maiinis?

"H-Hoy a-anong g-ginagawa m-mo?" Nahihirapan kong sabi habang humihinga nang malalim, bwisit talaga 'yung elevator nasira pa.

"Wala na akong maisip na ibang paraan, ang tagal nila dumating!" Sigaw niya nagulat ako dahil aligaga siya sa pagkilos niya, agad siya lumapit sa 'kin saka naupo sa tabi ko.

Agad nanlaki ang mata ko nang hawakan niya ang panga ko at ibuka niya ang bibig ko pero mas nagulat ako sa sunod niyang ginawa agad niya nilapit ang bibig niya sa bibig ko.

"Ano... Sabi niya ...CPR lang daw 'yun?" 'Yun naman kasi talaga ang sinabi niya CPR lang daw ang naisip niya para makahinga ako nang maayos, tapos saktong dumating sila Sky nasa ganoon kami sitwasyon nakalapat ang labi niya sa 'kin.

"CPR ang punyeta nag-kiss pa rin kayo!" Yuck, hindi naman 'yun ang una namin halik. Pero, nyeta pa rin.

"Magsi-uwi na nga kayo jusko! Gabi na, antok na ako." Pagtataboy ko sa kanila. Hindi ko na sila hinintay magsalita saka mabilis na naglakad papasok ng bahay at ni-lock ang pinto. Agad akong umakyat papunta sa kwarto ko.

"CPR panga."

***

Masama ang mukha ko nakaupo rito sa resto. Nandito si Sky at ang lason na 'yun. Kailangan ko makaganti sa kaniya, peste. Aba siya pala ang may kasalanan kaya hindi gumagana 'yung elevator dahil gusto niya ako pahirapan.

Peste, peste!

"Sir, ano po'ng order niyo?" Rinig kong tanong ni Sky, kaya dali-dali ako tumayo sa pagkakaupo saka naglakad doon, pero hindi pa ako tuluyan nakakalapit sa kanila ng may biglang babaeng sumulpot sa harap ko.

"Hi." Bati niya sa 'kin at ngumiti.

"Hi..." Balik kong bati, sino naman 'to?

"Uhm... Hindi ako 'yung tipong pala kaibigan pero... Pwede mo ba ako samahan sa talon mamaya?" Tanong niya. Mukha ba akong Tour guide rito?

"Uhm..." Hindi agad ako nakasagot, kailangan ko pa mag-isip ng pang-ganti sa lason na 'yun. Tapos hindi ko naman kilala ang babaeng 'to bakit ko siya sasamahan?

"Tanongin ko muna siguro mga kaibigan." 'Yun nalang ang sinabi ko, tumungo naman siya saka nagpaalam na aalis na muna siya.

Magkita nalang daw kami mamayang one ng hapon.

"Sino ba 'yun? Feeling close?" Kamot ang ulo kong tanong sa sarili saka tumalikod para maglakad palabas ng resto. Mamaya na ako mag-iisip ng pang-ganti sa lason na 'yun. Pupuntahan ko muna sila Lie at Erica, nawawala na naman ang dalawang gaga.

Pero, need ko muna puntahan ang Lolo ko, need niya pa kumain.

Para akong batang naglalakad pauwi sa bahay.

Pero, agad ako nagtaka nang makita ko ang pinsan ko sa harap ng pinto namin. May dala itong maleta. Pinayagan 'to umuwi ni Tita?

"Cat!" Sigaw kong tawag, mukhang narinig naman niya ako. Agad naman niya ako nilingon saka kumakaway na nakatanaw sa 'kin.

Dali-dali ako tumakbo at tumigil sa harap niya. Ay jusko hahapuin na naman ako.

"'Musta ka?"

"Okay naman." Sagot niya.

"Buti pinayagan ka ni Tita umuwi rito." Masaya kong sabi, ayaw kasi ni Tita na pumunta si Cat dito, ang gusto niya sa Manila lang ito. "Yeah, sabi ko need ko ng break." Sagot niya, napansin ko rin nagpa-boy cut siya, maganda pa rin siya.

"Nako matutuwa si Lolo kapag nalaman niya narito ka!" Masigla kong sabi at akmang bubuksan ko na ang pinto ng bahay ng pigilan niya ako.

"Bakit?" Taka kong tanong.

"Hindi mo alam?"

"Ang alin?"

"Kinuha nila Mama si Lolo, dinala sa manila para roon na tumira." Deretsyo at seryoso niyang sabi, hindi naman agad ako naka-imik.

Gano'n naba ka-maldita ang Tita ko? Hindi lang nakuha si Papa mula kay Mama noon, kukunin niya sa 'kin si Lolo.

"Step..."

"Okay lang." Pilit akong ngumiti sa kaniya saka siya pinagbuksan ng pinto.

"Alam ko naman magiging maayos si Lolo sa puder nila." Dagdag ko pa.

"Pasok kana, alis muna ako." Paalam ko, hindi ko na siya hinintay sumagot at agad ako tumalikod sa gawi niya saka naglakad papunta sa dalampasigan.

Si Lolo na nga lang ang pamilya ko. Kinuha pa sa 'kin ng bitter kong Tita. Mabuti nalang talaga nag-matured din si Tita simula ng makilala niya ang asawa niya. Pero, tanda ko nung bata ako! Grabe siya ang bitter niya, palibhasa si Mama ang pinili at hindi siya.

"Wala na akong kasama." Malungkot kong sabi habang nakaupo ako sa dalampasigan. May kaunti akong nakikitang naglalangoy sa dagat at naglalakad sa dalampasigan. Puro mag-jowa at mag-asawa.

"Malas naman, na mana ko ata ang pagiging bitter ng Tita ko." Ngumuso ako.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" Mabilis ako napatayo sa pagkakaupo ng may mag-salita sa likod ko.

"Ikaw, ano'ng ginagawa mo rito?" Balik kong tanong sa kaniya. Ang tahimik ng buhay ko rito tapos nandito siya.

"Ako na-una nagtanong."

"Pwes, ayoko sagutin." Sabi ko saka bumalik sa pagkakaupo sa buhangin. Malungkot na nga ako may basungot pa akong nakita.

"Problema?"

"Pakialam mo ba." Inis ko sabi, napaka ingay! Ayoko siya makita, ayoko siya makatabi, ayoko marinig ang boses niya. Simula ng makilala ko siya, puro na kamalasan nangyayari sa 'kin.

Agad ako napalingon sa kaniya ng hawakan niya ang panga ko.

"Bakit ka malungkot?" Tanong niya habang hawak niya ang panga ko.

"Kinuha nila Tita si Lolo, ano? okay na." Sagot ko saka inalis ang pagkakahawak niya sa panga ko. Pero, hindi pa ako tuluyan nakakalingon ulit sa dagat ay hinawakan na naman niya ang panga ko at marahan na hinarap sa kanya.

"Sure kaba sa nalaman mo? Step?" Tanong niya, huh?, ano ba sinasabi ng lalaking 'to? Kulang yata sa tulog ang abno na 'to.

"Ano bang sinasabi mo?" Tanong ko habang nanatili nakatingin sa kaniya. Gano'n din siya sa 'kin.

"Ayoko magsinungaling sa 'yo, hindi totoo ang nalaman mo." Sabi niya na mas kinagulo ng utak ko.

"Ano bang sinasabi mo ha? Deretsyohin mo nga ako." Inis kong sabi. Ayoko sa lahat pabitin.

"Narinig kong nag-uusap 'yung Tita mo sa cellphone..."

"Oh tapos?"

"Your Granpa is... Dead, Step..."

"Ha?! Nagpapatawa kaba?" Tumawa ako. Pilit iniintindi ang sinasabi niya, imposible!

"Imposible, mahal ako... N-Ni Lolo hindi niya ako iiwan..." Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak. Mahal ako ni Lolo eh, siya nalang ang pamilya ko natitira... Bakit naman niya ako iniwan?

Niyakap niya ako palapit sa kaniya, hindi ko na pinansin ang ginawa niya at yumakap nalang din sa kaniya. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya, saka nagpatuloy sa pag-iyak.

Mahal ako ni Lolo... Bakit naman niya ako iniwan agad...

Ang masakit pa, iniwan niya ako ng walang paalam... Masaya pa siya kahapon eh...

Harlequin Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon