"Kamusta buhay ni buntis?" Inis kong binigyan namg tingin si Sky, makapang-asar sa 'kin.
"Masaya." Simple kong sagot saka hinaplos ang anim na buwan kong tiyan. Almost one year na kami kasal ni Lawzon tapos mabilis lang din naman ako nagbuntis dahil gusto na talaga ng hayop na lalaking 'yun ng bata. As in! Ang bilis nabuntis niya agad ako pero happy naman ako kasi may baby na ako. Matagal ko rin naman ginusto maging Ina.
"Nasaan ang dalawa pang buntis?" Tanong ko kay Sky ininguso naman niya ang pool agad ko naman nakita si Erica at Ali na nakaupo sa gilid ng pool habang nakalubog ang paa. Two months ng buntis si Erica habang si Ali naman ay three months. Well kinasal na ein sila like me pero mas nauna ako kaysa sa kanila.
Gawa na rin ni Mama, ang mama ni Lawzon.
"Ikaw ba Sky? May balak ka ba mag-anak?" Tanong ko, nandito kami ngayon sa Resort dito sa Isla Grande, may private room dito which is my pool sa loob kung saan kami nakatambay ngayon. Sila Lie at Colton kasi may kinukuha, hindi ko lang alam kung ano. Si Cat naman magbibihis lang pero hindi ko sure kung bihis lang talaga sumama si Zan eh.
Si Mal, Max, Vander, at ang asawa ko naman ay pumunta lang saglit sa reception, hindi ko lang alam kung bakit.
"Ayaw pa niya eh, hindi naman pwedeng babae lang lagi may karapatan, ang babae may karapatan umayaw, siguro pati lalaki may karapatan din naman sila, and also dahil ayaw pa niya, safe kami lagi." Sagot niya saka ngumiti, inilipat niya ang kamay sa tiyan ko at hinaplos iyon. Randam ko eh, randam ko na gusto na rin ni Sky ng baby kaso mukha ayaw pa ng boyfriend niya, ewan ko lang tsaka buti na rin siguro 'yun hindi pa sila kasal.
"Ayaw niya pa nga ako pakasalan mag-anak pa kaya." Dagdag niya pa saka tumawa pero alam kong may halong peke yung tawa niya.
"Wait ka lang sa right time Sky, malay mo mag-propose na rin sa 'yo 'yung tao. Wait ka lang."
Maya-maya ay tumabi na rin sa 'min si Erica at Ali dahil nilalamig na sila sa pool. Mga halos sampong minuto ang lumipas ng bumalik si Cat at Lie pero hindi kasama ng dalawa ang mga boyfriend at fiance nila. Asan naman kaya ang mga lalaking 'yon?
"Ang laki na ng tiyan mo Stephanie, hindi pala bagay sa 'yo magbuntis. Char." Pang-aasar sa 'kin ni Erica, bwisit talagang babaitang 'to sarap ibalibag.
"Taena mo." Mariin kong sabi, nakinatawa nilang lahat.
"Pala mura ka pa rin talaga babaita ka, bawas-bawasan mo 'yan paglumabas baby mo." Si Cat naman iyon, napasimangot ako. Parang gusto ko na tuloy iwan sila at tumabi nalang sa asawa ko, bigla ako nakarabdam ng gutom at antok parang gusto ko kumain ng seafood.
Mabilis ko kinuha ang walkie talkie ko sa bag ko.
"Hello." Sabi ko.
"Yes wifey?"
"Asan ka?"
"Hmm nasa restaurant, why?"
"Gutom na ako, gusto ko ng seafood." 'Yun lang ang sinabi ko bago ko binalik sa bag ko ang walkie talkie.
Binili 'yun ni Lawzon, may time kasi na ayaw ko talaga siya kasama at makita ang mukha niya kaya binili niya 'yun kung may kailangan daw ako gamitin ko lang daw 'yun, sabi niya sa 'kin. Kasi kung cellphone naman daw tamad daw ako mag-open.
Nagdaldalan lang kami tungkol sa buhay natigil lang kami sa pag-uusap ng dumating na ang mga lalaki 'to.
Well ang mahal na mahal kong asawa may dalawang seafood para sa 'kin hehehe with fresh apple juice pa.
"Here." Si Lawzon ng ilapag niya ang binalatan niyang hipon sa plato ko, agad ko naman kinuha ang tinidor at sinundot 'yun. Sarap...
Nakailang subo rin ako ng hipon bago ako nakara dam ng pagkabusog, mamaya lang ay nakaramdam na ako ng antok.
"Baby..." Tawag ko kay Lawzon dahilan ng pagharap niya sa 'kin.
"Yes?"
"Antok na ako." Sabi ko saka humikab, agad naman siyang tumayo sa pagkakaupo saka ako inalalayan tumayo.
"Guys inaantok na ang asawa ko r'yan na kayo." Paalam niya sa mga kaibigan namin, ang mga lalaki ay tumungo lang bilang sagot.
"Alagaan mo ang babaitang 'yan, kahit hayop 'yan mahal namin 'yan!" Rinig kong sigaw ni Erica at Sky, umirap ako sa hangin.
"Mga gaga!" Balik kong sigaw kahit kailan talaga mga animal eh.
"Baby 'wag mag-mura." Saway sa 'kin ni Lawzo, oh isa pa 'to. "'Wag mo 'ko tawagin baby kung papagalitan mo ako."
Nauna na ako sa paglalakad at iniwan siya roon, naiinis ako sa Lawzon na 'yun mukha siyang pating, peste.
"Baby sorry na." Umirap lang ako sa hangin saka binuksan ang pinto ng kwarto namin. Nye-nye mag-sorry siya sa hangin. Agad ako naglakad papasok saka humiga agad sa kama at nagtalukbom.
Alam ko naman na tatabi agad sa 'kin ang lason na yan, ako pa matiid niya.
"Baby..." Tawag niya ulit sa 'kin, narandaman ko naman ang braso niya sa tiyan ko.
"I love you." Lambing niya, lambingin mo 'yung hangin! Taena hindi ako marupok!
"Wifey..."
"Baby..."
"Sorry na anong gusto mo gawin ko?" Tanong niya, Hehehe may naiisip ako.
Inalis ko ang talukbom ng kumot sa'kin saka humarap sa'kanya. "Kiss, gusto ko ng kiss." Mabilis kong sabi saka ngumuso. Mabilis naman niya hinawagan ang magkabilang pisngi ko at binigyan ako ng halik.
"Okay bati na tayo."
Yumakap ako sa kaniya at siniksik ang mukha ko sa dibdib niya, bakit ba mahal na mahal ko ang amoy niya...
"I love you."
"Mas mahal kita asawa ko, baby ko, reyna ko, at ina ng anak ko." Sabi niya sa 'kin narandaman ko naman na hinahalikan niya ang ibabaw ng ulo ko. Ewan ko isang taon na kami kasal pero sa tuwing sinasabihan niya akong I love you nag-flashback lahat ng nangyari.
Kung paano kami una nagkita, 'yung una namin halik 'yung una namin bangayan.
"Do you think it's Harlequin Kiss?" Tanong niya sa 'kin habang hinahaplos ang buhok ko.
"Yes, halik ng tadhana, mismong tadhana na ang gumawa ng paraan para magkita tayo."
Simula nang makilala kita nagbago ang lahat, simula ng mahalin kita naniwala na ako na. Ang Isla Grande ay ginawa para sa mga taong nagmamahal.
At isa tayo roon sa mga taong nabuo ang pagmamahalan sa isla. The Island Of Love.
The End
BINABASA MO ANG
Harlequin Kiss (COMPLETED)
RomanceIsla Grande Series #1 Sa isang halik lahat nagsimula, nang dahil sa isang halik hindi nila akalain magpapabago sa buhay nila. Ngayon, naniniwala ka ba sa tadhana? Paano kung hindi mo sigurado kung pinaglalaruan at pinapaasa ka lang ng tadhana? Paan...