Stephanie's Pov.
"Baliw kq, magkakapatayan tayo!" Sigaw ko simula sa kwarto, kakainis ba naman wala pa akong isang linggo rito sa Manila, gusto niya na agad ako dalhin sa magulang niya para maayos na agad ang kasal namin, takte 'di pa ako handa makita Nanay niya!
"Come on, Stephanie, magdi-dinner lang tayo nila Mom and Dad at nasabi ko na rin kala Mom, hindi pwedeng hindi tayo pumunta." Pangungulit niya sa 'kin, sarap niyang kaltukan legit. Anong susuotin ko? 'Duh alam ko naman baliw ako at wala akong pakialam sa itsura ko pero, gusto ko maging maganda sa harap ng magulang niya.
"Anyway, kumakain kaba nang maayos?" Tanong niya sa 'kin. Ang random niya.
"Oo, bakit?" Taka kong tanong, kumakain ako ng maayos, lalo na pag-seafood ang ulam.
"Bakit pumapayat ka?" Tanong niya bago lumakad palapit sa tabi ko at naupo roon.
"Sa susunod ako na magluluto, tsaka, 'wag ka nga mag-diet napayat ka ayoko pumayat ka. Tsaka nga pala 'wag po ipa-straight 'yang kulot ng buhok mo ang ganda naman tignan sa 'yo." Sabi niya, dami sinasabi nilalayo kami sa topic kanina.
"Alam kong maganda ang buhok ko, syempre natural 'yan, tsaka 'yung dulo lang naman 'yung kulot hindi buong buhok ko."
"I know na hindi ka comfortable sa mga damit na maiikli masyado, binilhan kita ng long dress kanina bagay sa 'yo 'yun, iyon ang susuotin mo mamaya sa dinner natin." Sabi niya, wala na ba talaga akong takas? What if sabihin kong malaglag ako.
"Akin na ang kamay mo." Utos niya naguguluhan ko siyang tinignan, kahit naguguluhan ay ibinigay ko nalang kamay ko sa kanya.
Maya-maya lang ay may narandaman akong sinuot niya sa daliri ko. Gano'n nalang nanlaki ang mata ko na g makita ko ang isang sing-sing doon
"Wala akong sing-sing nung nag-propose ako sa 'yo, so yeah ayan pero, matagal ko na 'yan binili, mga two months ago na, balak ko kasi sana kapag balik ko sa Isla ay mag-propose sa 'yo kaso, hindi ka nakapagtiis ikaw na nagpunta sa 'kin." Aniya may pagmamaali, hindi naman ako umimik at nanatili lang ang tingin sa sing-sing, hindi ako makapaniwala...
Parang gusto ko nalang umiyak sa tuwa, ang ganda nung sing-sing hindi ko akalain makakapagsuot ako ng ganito at sa mismong lalaking kinaiinisan ko pa noon galing, siya pa mismo ang mapapangasawa ko ngayon.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at yumakap na ako sa kaniya. Dati pinapangarap ko lang ikasal tapos ngayon, ikakasal na ako at sa taong tanggap ako at mahal na mahal ako.
***
Kabado ako nakaupo rito sa loob ng Restaurant. Ay jusko ang ganda nga ng Restaurant mukha naman 'di ko ma-enjoy dahil sa kaba ko. Suot ko ngayon ang yellow floral long dress nabinili sa 'kin ni Lawzon, bagay nga sa 'kin 'yung dress kaso feeling ko ang pangit ko kasi kanina pa nakatingin sa 'kin ang mama ni Lawzon.
'Asan na ba kasi ang lalaking 'yun? May pag-uusapan lang daw sila ng Papa niya kaming dalawa ng Mama niya ang naiwan sa lamesa.
"So... Bakit hindi ka naimikz iha?" Agad ako napapikit-pikit ng sa wakas ay umimik din siya. Jusko 'yung mukha niya kanina parang gusto na niya ako palayasin at sabihin na hindi niya ako gusto and etc.
"Ano po..." Naitikom ko muli ang bibig ko, gaga 'asan ang kapal ng mukha mo, Stephanie? Sa sobrang takaw mo kinain mo na rin. Charot.
"Don't worry, iha hindi kita kakainin, siguro naikwento sa 'yo nang magaling kong anak na maldita ako. Yes maldita ako sa mga taong hindi ko gusto pero, sa 'yo, hindi. Kasi iba ka sa mga naging girlfriend ng anak ko and also ikaw lang talaga 'yung niyaya niya ng kasal well may balak siya yayain dati yung ex-girlfriend niyang niloko siya kaso wala gaga iyon. Natutuwa nga ako kasi iba ka sa kanila I mean, narinig ko kanina nag-uusap kayo ng anak ko kanina and natutuwa ako kasi never sumunod ang anak ko sa gusto ng girlfriend niya. Madalas kasi si Lawzon ang bossy at ayaw niyang inuutusan siya or sinasabihan ng kung ano-ano. Pero kanina, hinayaan ka lang niya at imbes mainis siya sa ginawa mo ay tumawa ang anak ko and happy ako roon, kasi never ko nakita ang ngiti ni Lawzon kanina, sa 'yo ko lang nakita ngumiti nang ganoon ang anak ko. Hopefully, maging masaya kayo ng tuluyan." Mahaba at mahihin na sabi ng Mama ni Lawzon, hindi naman agad ako nakaimik bagkus ngumiti lang ako.
"Salamat po, Tita." 'Yun nalang ang na sabi ko, hindi ko kasi alam kung ano i-react ko sa haba ng sinabi niya kanina, kinikilig ako na parang ewan. "So anong natapos mo?"
"Hindi po ako nakapagtapos eh." Pagsasabi ko ng totoo, bigla ako nahiya kasi ang yaman-yaman nila tapos ako hindi nakapagtapos.
"Oh okay, no problem, walang problema sa 'kin." Mahinahon at nakangiti sabi ni Tita sa 'kin, medyo nagulat ako.
"Gusto mo ba mag-aral muli?" Tanong niya sa 'kin, sa totoo lang hindi na kasi masaya na ako sa anong meron ako kahit hindi ako nakatapos.
"Hindi na po, okay na po ako sa buhay ko." Ngumiti ako pagkatapos sabihin 'yun, tumungo-tungo naman si Tita sa 'kin. "Nakaktuwa ka talaga ang cute mong bata, sana kasing cute niyo ang magiging apo ko." Napaubo naman ako roon. Apo?!
Iimik na sana ulit ako ng dumating na ang pagkain na inorder namin kasabay rin ay bumalik si Lawzon kasama ang Papa niya at natawa silang dalawa kaya hindi ko alam ang dahilan bakit sila tumatawa.
***
Pagod akong humiga sa kama, medyo nainis ako kay Lawzon buti nalang dinaldal ako ni Tita eh 'di bumalik sa magandang mood.
"Baby."
"Oh?" Sagot ko, pagod na talaga ako gusto ko na matulog, pagkatapos kasi namin mag-dinner ay nagpunta kami sa mansion nila as in mansion talaga tapos ginala ako ni Tita kaya medyo magmamadaling araw na nung umuwi kami rito sa hotel. Sabi niya nga sa penthouse niya na kami uuwi sabi ko huwag na muna may 1 week stay pa naman ako sa hotel at bayad ni Yeshua iyon, sayang ang libre.
"Masaya kaba?" Tanong niya.
"Oo naman, ikaw ba?" Balik kong tanong.
"Sobra." Agad nitong sagot bago nahiga sa tabi ko, doon ko lang din napansin na nakapagpalit na siya ng damit. Luh ang bilis naman habang ako nag-jogging pants at t-shirt nalang.
"Kasi nandito ang babaeng mahal na mahal ko."
"Ay sus talandi." Tumawa ako.
"Mahal mo naman."
"Oo na, mahal na mahal."
BINABASA MO ANG
Harlequin Kiss (COMPLETED)
RomanceIsla Grande Series #1 Sa isang halik lahat nagsimula, nang dahil sa isang halik hindi nila akalain magpapabago sa buhay nila. Ngayon, naniniwala ka ba sa tadhana? Paano kung hindi mo sigurado kung pinaglalaruan at pinapaasa ka lang ng tadhana? Paan...