06

4 1 0
                                    

I'm combing his hair and tie it like a little mushroom. We are here in garden, mamaya pa yung last game nila kaya dito muna kami nag stay.

"Oliver" tawag ng isang familiar na boses, napatingin naman ako at tinanguan lang siya ni oliver. "Hi, cailey" bati nya rin sakin.

"Hi, you wanna join us?"

"Wag na, svet" bulong na wika ni oliver, nagtaka naman ako kaya tumingin ako sa kanya na nasa malayo ang tingin.

"No, thank you" si rhana, kumaway nalang siya at umalis na.

"She likes you, did you know that?" tanong ko.

"Sinabi nya sayo? Ano pa sinabi nya sayo?"

"That's all, she just said that she likes you"

"Hayaan mo yun, kaya pala parang dumidistansya ka na pag kasama natin siya"

"I just respecting her feelings"

"May sasabihin ako" napatigil ako sa paglalaro ng buhok nya ng sabihin nya yun.

"Hmm?" magsasalita na ulit sana siya nang biglang dumating yung dalawang ugok kaya hindi na natuloy.

"Malalakas kalaban" si axel na halatang kabado pa.

"Galing, ang bibilis" si blade.

"Kaya natin yan. First quarter kapain natin galaw and the rest will follow" si oliver.

"Pano pag nag champion nanaman tayo?" si axel.

"Edi masaya" oliver.

"Sasagutin mo na ba si master nyan?" pagbibiro ni axel.

Nag tuloy tuloy lang ang asaran hanggang sa dumating na yung time na kailangan na nila mag prepare para sa game.

Nakasalubong naming si rhana kaya iniwan nya yung friends nya at sumabay samin. Hinatid naming sila sa room nila para magpalit ng damit dumeretso nalang din kami sa court para doon mag hintay.

"Do you feel left out whenever you are with your friends?" biglang tanong ni rhana.

"Uh no, why?"

"Because I feel left out whenever im with them. I don't know, unlike whenever I am with you, axel and blade. I never left out"

"Maybe because they don't know how to bond with you? parang nangangapa sila ganun"

"Yeah maybe" pabuntong hininga pa nyang wika.

"Do you mind asking why you transfer here?"

"For one person who doesn't like me anymore"

"Maybe you should try your last shot and if nothing happens, move on"

"Hindi naman ganon kadali yon" may pagkairita na wika ni rhana, halata rin naman sa mukha nyang nairita sya sa sinabi ko pero bago pa ako makapag salita dumating na sila oliver.

"Cailey! pag nag champion kami sasagutin mo na si oliver ah" si axel, sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Oo nga!" nakikantyaw yung buong team, halos lahat kasi sila medjo close ko na dahil since first year magkakasama sama kami.

"Tigilan nyo nga" saway naman ni oliver sa kanila pero tuloy parin pang aasar nila.

"Sloan! Warm up" sigaw ni coach kaya nataranta yung buong team at nag start na sila mag warm up.

"Akala ko ba bestfriends lang kayo?" tanong ni rhana na mahihimigan ang pagka galit.

"Believe me, we're just bestfriends" tinignan ko sya sa mata pero siya yung umiwas ng tingin.

In a Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon