33

3 0 0
                                    

"Mahal, don't you want to meet your dad?" dahan dahang tanong ko sa kanya.

"Gusto pero kapag naaalala ko na iniwan nya kami nila mama, ayoko" seryosong sagot nya. "Ikaw? Ayaw mo makita mama mo?"

Hindi ako ready sa tanong nya pero naisip ko kung hanggang kailan ko iiwasan yung tanong na yun. Huminga ako ng malalim bago magsalita.

"I want to but I don't know where to find her" malungkot kong sagot.

"Hindi ka naman galit sa kanya?" nangangapang tanong nya, umiling ako. "Hindi mo ba natanong sa daddy mo, baka alam nya okaya hire ka ng private investigator"

"Kapag gusto nya magpakita, she will" pilit kong ngiting wika, mas hinigpitan lang nya yung yakap nya sakin kasi naka back hug sya sakin.

"Pero pag dumating yung araw na magpakita sya, sana matanggap mo sya" wika nya.

"I hope so, there's a lot of question in my mind that I don't know if it will be answered" mapait kong wika.

"In right time, mahal" wika nya at hinalikan ako sa pisngi.

"I hope near future i-meet mo na yung dad mo" wika ko. Nanahimik naman sya.

Kinabukasan na-late ako sa pagpasok. "Goodmorning prof, I'm sorry I'm late" wika ko nang makarating ako sa room. Isa pa naman sya sa pinaka masungit ng prof namin.

"Ms. Dy, give me valid reason why are you late" mas kinabahan ako kasi hindi naman valid yung reason ko. Palabas na sana ako nang biglang magsalita si oliver.

"Prof! pinatawag po 'yan ni Prof. Pillomo" si oliver.

"Okay, go" si proof, binilisan ko nalang lakad ko at umupo sa tabi ni oliver.

"Thank you but you don't need to lie just to save me" bulong ko sa kanya, natawa naman sya.

"Ano gusto mo sabihin ko? Nalate ka kasi napuyat ka kanonood ng kdrama? Tsk" aniya, sasagot pa sana ako nang biglang mag discuss si prof.

The day just went smoothly, kinabukasan pagpasok namin kinausap kami ng adviser namin.

"Next week is your last exam so please, give your very best" panimula ni sir. "Konting tyaga nalang mga anak"

"Prof, bakit mas nauna po exam namin?" takang tanong ni axel.

"Because you all are graduating. After your exam, js prom nyo na, recognition day and graduation day" si prof. "May questions pa ba?" nang wala nang sumagot nag paalam na si prof.

"Mahal, wala munang kdrama" si oliver, naiinis ako pero kailangan ko rin mag revise.

"Can you stay sa house until exam's over?" tanong ko, napangiti naman sya. Mas makakapag focus kasi ako kapag kasama sya. Baka kasi hindi ako makapag revise dahil panay ang tingin ko sa phone ko at iniisip kung ano ang gagawin nya.

"Oo naman, gusto mo dun pa ako tumira eh" natatawang wika ni oliver, sinamaan ko naman sya ng tingin. "Bakit? Ayaw mo ba?" takang tanong nya.

"Let's buy a house, I don't want there" wika ko, nakita kong namula sya at hindi na nakapagsalita. "You don't like it?" tanong ko.

"Gusto! Walang bawian ah!" wika nya, natawa naman ako.

Nag start lang kami mag revise kasama sila axel at blade, halos hindi na nga kami nag uusap usap pero ang mahalaga nag rerevise kami sabay sabay. We know the struggles of each other lalo na si axel, kaya hanggat kaya ko ipaliwanag sa kanya sa way na maiintindihan nya, ginagawa ko.

"Bukas? Revise ulit?" tanong ni axel.

"Sunday tomorrow, let's rest. Baka ma-mental block tayo" wika ko.

In a Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon