30

3 0 0
                                    

"Mahal, kiss" pagpapacute ko kay oliver, hindi naman nya ako pinapansin.

"Pa kiss ka don sa hanselle" inis na wika nya, inirapan ko naman sya.

"Finollow back ko lang naman ah" inis na wika ko.

"Edi dapat hindi mo finollow back" masungit na wika nya.

"Inunfollow ko na nga diba?"

"Pero ngayon lang, kung kailan ko nakita" nanahimik nalang ako at kinuha yung phone.

I uploaded our photo together nung batangas vacation namin. I captioned it with red hear emoji.

"Madam, patingin nga ako ng reviewer mo" si axel na hinihingal. Inabot ko naman sa kanya yung reviewer ko.

"Tapos ka na ba mag revise?" tanong nya, tumango naman ako. Magsasalita pa sana sya ng dumating na yung prof namin.

"Shit" bulong nya bago umupo sa tabi ko. Si blade at oliver busy mag revise pero nung dumating yung prof tinago na agad nila yung reviewer.

Nag exam na kami, nauna akong natapos kaya binigay ko lang yung papel ko at lumabas na.

Last day ng exam namin ngayon so ang hihirap talaga, kahit ako nahirapan din eh. 4th year na kaya kailangan mas mag seryoso kami.

Ilang buwan narin simula nang magkaroon kami ng thing ni oliver pero hindi ko parin nasasabi kay dad kasi naging sobrang busy si dad sa company, nagkaproblema daw sa company eh.

"Madam, ano sagot sa 23?" salubong sakin ni axel. "Yung sa hana dul set net"

"Ah, Korean" sagot ko.

"Ha? Hindi ba French yun?" naguguluhang tanong nya, natawa naman ako.

"un deux trois quatre yung sa French" paliwanag ko sa kanya.

"Tangina. Nakakalito" wika nya. Sabay na lumabas si oliver at blade. Lumapit kaagad si oliver saakin at umakbay.

"Aren't you mad anymore?" tanong ko, hindi naman nya ako pinansin.

May sapak sa ulo.

Nag lunch kami at tumambay sa garden. Nakahiga si oliver sa lap ko habang nag rerevise. Nakasandal naman ako sa puno at nilalaro yung buhok nya habang nag rerevise din.

Sumakit na yung ulo ko kaya pinikit ko muna mata ko nagulat naman ako nang pindutin ni oliver pisngi ko.

"Kaya pa?" tanong nya, umiling naman ako. Bumangon sya at niyakap ako. "Nasan ka na ba?" tanong nya at tinitignan yung reviewer ko. May isang topic kasi na kahit anong aral ko, hindi ko maintindihan pero nung pinaliwanag ni oliver naintindihan ko na.

Bumalik na kami sa room para sa last exam. Hinalikan muna ni oliver pisngi ko bago nag start mag exam. Nahirapan ako sobra pero nasagot ko naman lahat. Naunang natapos si oliver at blade, sunod naman ako pag labas ko sinalubong ako ng yakap ni oliver. We hugged for a minute pero parang buong araw na akong nakapag pahinga.

"Mahal, hindi pala ako makakasabay. May pupuntahan kami ni mama" wika nya, tumango naman ako.

"Hatid nalang kita" tumango naman sya at pinisil ilong ko.

Nang matapos si axel nagsiuwian na rin kami, bukas daw ng gabi mag iinom.

"Mahal, tawagan mo ako pag nakauwi ka na ha?" si oliver, tumango naman ako.

We kissed before sya bumaba ng car. Nag drive lang ako pauwi, akala ko makakapagpahinga na ako pero umuwi ako at sinalubong ako ng sampal ni tita.

"Napakalandi mo" sigaw nya sakin. "Manang mana ka sa pinagminahan mo! Malandi! Bobo! Walang kwenta!" galit na galit na wika nya.

I couldn't handle it anymore so I run papuntang playground. I sat sa swing at umiyak nang umiyak. Nagulat nalang ako ng may mag abot ng panyo sakin.

In a Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon