16

5 0 0
                                    

Ansakit sakit ng ulo ko nang magising ko kaya bumaba ako para kumuha ng maraming tubig at uminom. Pagtapos non nagshower lang ako at nag ready na papasok ng school. Nagsuot lang ako ng hoodie.

Bago ako pumasok ng room nakita ko si rhana at oliver na naguusap sa labas ng room namin.

"Good morning, Cailey" si rhana, ngumiti lang ako at tumango.

"Morning" sagot ko at pumasok na sa room, isinalampak ko yung sarili ko sa upuan ni blade, nasa may dulo kasi sya sa may pader. Pumikit lang ako at umidlip.

Nagising naman ako sa pagising sakin ni blade. "Cailey"

Inayos ko lang sarili ko at tinanggal yung hood. Inabot naman nya sakin yung coffee na dala nya.

"Thank you" wika ko, napatingin naman ako kay oliver na nakatingin samin ni blade, nang nakita nya akong nakatingin sa kanya, umiwas sya.

Dumating din si axel at inabutan sya ng coffee ni blade. Halatang antok at nanghihina din si axel.

"Tangina ang sakit ng ulo ko" reklamo ni axel.

"Si calliope" wika ko at tinuro pa yung labas ng room. Agad naman nyang tinignan yun.

"Oh diba, nawala yung sakit ng ulo" pang aasar ni blade.

"Tarantado talaga" si axel at isinandal yung ulo ko sa balikat ko.

Chineck ko yung oras, 35 mins nang late yung teacher. Tumayo naman yung president namin sa harap at inanounce na wala kaming morning class dahil may emergency meeting lahat ng profs.

"Damn it" bulong ko, sana hindi nalang pala ako pumasok. "Uuwi kayo?" tanong ko kila blade.

"Sa bahay nalang tayo tambay" singit ni oliver, tumango naman sila axel at blade.

Nagsilabasan na mga ka blockmates namin sa room, lumapit naman sakin si oliver, kinuha yung bag ko at hinatak ako palabas. Wala namang dahilan para pigilan sya, wala narin akong lakas kaya hinayaan ko nalang.

"Daanan mo muna sila rhana" nanghihinang wika ko, hindi naman nya ako pinansin at derederetso kami sa kotse at umuwi sa kanila.

Inakyat nya ako sa kwarto at pinagpalit. Tinanggal ko yung uniform ko at isinampay. Nang matapos, ibinagsak ko yung katawan ko sa higaan nya.

"Svet, bumangon ka na dyan" pang gigising sakin ni oliver at inabutan ako ng pagkain.

"Ayokong kumain"

"Hindi ko tinanong, kunin mo to at kainin mo" seryosong wika nya. Hindi ko parin kinukuha yung inaabo nya kaya sinubuan nya ako. Ang sama ng titig nya kaya wala na akong nagawa.

"Ah, mainit" reklamo ko, natawa naman sya kaya natawa rin ako. "Epal"

"Sorry, nakalimutan ko" wika nya habang tumatawa. Inilapag nya yung pagkain sa table na nasa tabi ng higaan nya at inabutan ako ng tissue. "Hindi ka galit sakin?" tanong nya at umupo sa tabi ko.

"Hindi ako nagalit sayo, oliver" sagot ko, niyakap naman nya ako ng bigla.

"I miss you" parang batang wika nya.

"I miss you more" naluluhang wika ko. "Why are you avoiding me?" mas niyakap nya ako ng mahigpit.

"Kasi gusto ko maging malaya ka, mag boyfriend ka nang hindi ako iniisip o hindi iniisip yung feelings ko para sayo"

"Kayo na ulit ni rhana?" tumawa naman sya at umiling.

"Gusto ko lang makita mo na okay ako kahit na mag boyfriend ka"

"But I'm not okay with that set up. Hindi ako sanay na walang oliver na nang aasar at sobrang clingy sakin" tumulo na yung luhang pinipigilan ko, inihiwalay naman nya ako sa kanya at pinunasan nya. "Don't do that again please"

"I'm sorry" malambing nyang wika. Umiiyak ako habang nakatingin sa mata nya, bumaba sa ilong at bumaba sa labi. Matagal kong tinignan yung labi nya, bahagya pa nyang binasa yung labi nya.

Hindi ko alam pero merong part saakin na nagsasabing halikan ko sya. Unti unting lumapit yung mukha ko sa mukha nya habang nakatingin ako sa labi nya, ganon rin sya.

"Master" sigaw ni axel sa labas at kumatok. Bigla akong napatayo sa kama at lumabas sa kwarto nya. "Okay ka na?" tanong pa ni axel, kabadong tumingin naman ako sa kanya at tumango.

Pumasok lang ako sa bathroom nila at nilock yun.

That the fuck was that, cailey????

Breathe.

Wala yun, nadala lang kayo ng emosyon. Namiss mo lang yung closeness nyo.

Naghilamos lang ako at nag toothbrush, may sarili kasing akong gamit kila oliver dahil nga minsan nagstastay din ako dito. Pagtapos ko bumaba lang ako, nakita ko namang naglalaro sila blade ng ps5.

Pumunta akong kitchen para sana uminom ng tubig. Nagulat naman ako nang makita ko si rhana at oliver na naguusap don.

"Bakit hindi mo ako sinundo?" si rhana.

"May dahilan ba para sunduin kita?" nagulat ako sa tono ni oliver, hindi sya ganyan makipagusap kay rhana kapag kaharap ako.

"Hindi ka parin nakaka move on?" si rhana, mahihimigan yung galit sa boses nya. "For fck sake oliver! Hindi ka gusto nung tao bakit ba pinipilit mo sarili mo sa kanya!" sigaw ni rhana.

"She's my bestfriend, kaya kong kalimutan yung nararamdaman ko sa kanya wag lang akong mapalayo sa kanya" si oliver na pinipigilan ang sariling sumigaw.

"Wow! So you're just using me?" mapaklang ngiting wika ni rhana.

"Hanep, that was your idea rhana! Wag kang mag maang maangan na parang wala kang alam sa nangyayari" sigaw nya.

Sasagot pa sana si rhana nang iningayan ko yung pag step forward ko palapit sa kanila.

"Svet, halika na rito. Kumain ka na" si oliver at inihanda na yung pagkain ko.

"I'll go" si rhana, nakatingin sakin. Tumango nalang ako.

"Saan ka galing?" tanong ni oliver at nilapag sa harapan ko yung pagkain.

"Bathroom" wika ko.

"Ah, ano. Sorry sa ano" nauutal na wika ni oliver, lumakas naman kabog ng dibdib ko.

"Hmm?" maang maangan ko. Hindi naman sya makasagot na tumabi nalang sakin at kumain din.

"Bakit ka naglasing? May problema ka ba?" tanong nya. Umiling naman ako kaagad. "Tulad ng sinasabi ko sayo noon, andito lang ako"

"Iniwan mo kaya ako" pagbibiro ko.

"Wag mo akong kinukunsensya" si oliver at pinitik yung ilong ko.

"Aray!" reklamo ko, tawa naman sya nang tawa.

Yep, I miss oliver. I really miss him a lot.

<3

In a Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon